Station ● 15

4.6K 284 182
                                    

   Napabangon ako bigla sa kinauupuan ko nang sumigaw si Clarice mula sa pinakalikuran. Pinapalayo niya kami d'on sa babae, shet.

Agad kong hinatak si Ayura sa braso niya at pinatakbo papunta kay Clarice. Hindi na ligtas sa loob, at mas lalong hindi ligtas sa labas. It's all or nothing, mas maganda nang mapadali.

Sinipat ko ng tingin yung babaeng walang malay at nanlaki yung mga mata ko sa nakikita ko.. bakit 'to nangyari? Ilang beses akong napakurap dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi kasi siya mukhang infected kanina o kahapon, walang kumakagat sa kaniya.

Ilang malalakas na pagsigaw ang nangyari bago ko mapagtanto na hindi na talaga maganda yung nangyayari dito sa loob ng train. Tumayo ako at inalalayan sila para makapunta sa dako ni Clarice kung saan ito na ang pinakamalayo d'on sa babae.

Pero huli na ang lahat bago pa makalayo ang iba.. masyadong mabilis ang pangyayari.

"T-tulong!"

Yung lalakeng kamukha ni shrek na kasama nung sinuntok este binugbog ko kanina, nakagat siya sa braso. Gusto ko siyang lapitan at tulungan pero alam kong dilikado na ang lumapit, lalo na ngayong may kagat na siya. Hindi ko na alam ang kahihinatnan niya, should I kill him?

Sumalampak sa sahig yung lalake at nawalan na ng malay. Yung zombie ay patuloy lang sa pagkagat dito, napapikit na lang ako. KADIRI. Madaming dugo ang nagkalat sa sahig. Wala ni isa sa amin ang makakilos dahil sa gulat, masyadong hindi kapanipaniwala pala kapag sa harapan mo na talaga nangyari. Parang may live show!

Maya-maya pa ay bigla na lang tumayo yung babae at iniwang duguan yung lalake sa sahig. Patay na ba siya? Hindi na kami nakagawa ng paraan para tulungan siya, sumalangit ka nawa. Ang pogi ko talaga.

"Theo, ano na?" Sigaw ko. Sila yung may baril dito kaya sila lang ang makakapagpatikom sa zombie na yan.

"Bwisit, naiwan sa upuan namin yung mga baril!" Sigaw niya pabalik. Agad akong napalingon sa upuan nila at napansin kong lagpas ito sa babae, hindi ako makakapunta. Oh, swaeg.

Kahit kailan talaga yung talino nitong kasama ni Jessie eh sa ilong na napunta.

Lalo pang lumakas yung sigawan nang bigla na lang lumingon sa direksyon namin yung zombie na babae.. jusko ang gwapo ko, malapit nang maging kulay puti yung mga mata niya. Yung kaninang maamo niyang mukha ay nabahidan ng dugo at mga maiitim na ugat.

 Yung kaninang maamo niyang mukha ay nabahidan ng dugo at mga maiitim na ugat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Homaygad." Bulong ko at umatras. Sakin siya nakatingin, mukhang ako lang yung nakikita niya.

Luminga-linga ako, nagbabakasakali na makakita ng pwede kong ipangtapat sa kaniya.. pero wala akong nakita.

"Makikipagsuntukan nanaman ba ako?" Napalingon ako sa gilid ko nang lumitaw si Theo at nagpapatunog na ng kamao. Aba? Ready ah? Laki ng ilong.

Train to Daegu | bts m.ygWhere stories live. Discover now