Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)

Magsimula sa umpisa
                                    

I thought I will surprise Jena with a great news pero ako pa pala ang mas nasurpresa dahil dito.

Serene's POV

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Ito na ba yun? Yung kinakatakutan namin ni Nathan? Aissh! Sya naman kasi eh. Nakita ko rin ang gulat sa kanyang mga mata ng makita ako pero agad din iyong napawi ng nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Ano na?

"Serene I invite Lady Magdaleine to say that she will be your mentor before your upcoming 17th birthday." 

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si mama, Mr. Valdez, Niel, Lady Magdaleine, Nathan at yung mga lalaki na kasama nila kanina lahat kami nasa iisang silid.

"Serene are you listening? This is important."

"Ah...eh sorry po?" lumilipad ang utak ko kaya ayan tuloy hindi ko narinig ang sinabi ni mama.

"I said Lady Magdaleine will be you mentor" ulit nya.

"Mentor? Mentor po para saan?"

"Kailangan mong magsanay para makapaghanda dahil hindi biro ang pagdadaanan mo pagkatapos ng 17th birthday mo." sumbat ni Lady Magdaleine na nakaupo sa harap namin, katabi si Nathan.

"Hindi ko po kayo maintindihan."

Waaah! Masyado akong nagugulantang! Hanuba! Ang gulo ng buhay ko.

"It's been in your family for generation Serene na bago ka tumuntong sa ikalabing-pitong taon mo ay kailangan mong magtraining. Training dahil ikaw ang magiging tagapagmana ng trono ng mama mo...walang iba kundi ang pagiging Gangster Queen." si Mr. Valdez

Training? Hala! Ipapasok na ba nila ako sa millitary? Pssh gangster queen daw--

Teka, wait. Tama ba ang narinig ko? 

Gangster-- Huwaaaat?! Ansaveh? G-Gangster Queen??! A-ako??!

Naibaling ko ang tingin ko kay mama halatang halata sa aking mukha ang pagkagulat dahil sa narinig at saka ko ibinaling ang sarili sa paligid

"T-teka po kailangan po ba natin itong pag-usapan sa harapan nila?" what I mean is sa harap nila Nathan at Niel na nasa iisang kwarto din tulad ko.

"Don't worry Serene we already know everything." pacool na sabi ni Nathan habang nakasandal pa sa upuan

"Tama si Nathan Serene, alam na namin ang lahat tungkol sayo." ngiti naman ni Niel.

"W-wait, what?! Teka kailan pa?" Ang tagal kong itinago ito tapos alam na rin pala nila all along? Naglolokohan ba tayo o gusto lang nilang maglaro ng hide and seek?

"Hindi pa naman ganun katagal, kamakailan lang." --Nathan

Tumingin naman ako kay Niel para marinig ang sagot nya pero sa halip iniwas lang ang tingin sa akin. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon