Chapter 45: That 'A'

Começar do início
                                    

Jesse

Kinuha ng isang staff ang susi ng cr. Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko may masamang nangyari kay Adrienne na sana wala naman.

Hinawakan ni Ari ang balikat ko at tipid na ngumiti. Sinasabing ayos lang si Adri pero alam kong hindi! Bakit ang tagal niya sa cr? May kumidnap na ba sa kaniya? Nabagok ang ulo? Pero bakit nakalock? Shit! Baka may killer sa loob!

Nagbukas ang pinto at napasigaw na lang ako nang may taong mabilis na lumabas mula dito. Nakayuko ito at mabilis ang takbo. Halos lahat ng nakain ay napapatingin sa kaniya.

Mukhang ngayon lang narealize ng guard na kasama namin ang nangyari.

"Pigilan niyo ang babaeng 'yon!"

Tinulak niya ang mga taong nadaraanan niya pero nahuli siya dahil sa mga staff na huminto at cinorner siya.

Napatingin naman kami sa loob ng cr at napaawang na lang ang bibig ko sa naabutan. Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa walang malay kong kaibigan. Naibagsak naman ni Ari ang kaniyang cellphone nang makita si Adrienne.

Nagkagulo dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung saan dinala ang babaeng mabilis na tumakbo. Siya ba ang may gawa noon kay Adrienne?! Shit! Ramdam ko ang galit na namumuo sa akin ngayon.

"Ma'am, dito muna kayo. Kami na po ang bahala sa kaibigan niyo." May dumating na mga nurse siguro? At chineck ang kalagayan ni Adri.

Napatulala na lang ako habang iniisip ang nangyari sa aking kaibigan. Bakit siya? Hindi kaya isang obsessed fan ang babaeng 'yon?

Tumigil sa tapat namin ang isang babae na nasa late 30s siguro. Ngumiti siya ng bahagya.

"Nawalan lang ng malay ang inyong kaibigan. But I can assure you na maayos ang kanigang lagay. A minor injury lang sa ulo na natamaan ng trashcan."

Namilog ang mata ko. Trashcan? The heck?! Stainless ang mga trashcan dito at matitigas. Walang puso ang gumawa nito sa kaniya!

Lumapit kami sa isang guard. Kumunot ang noo niya at tumaas ang isang kilay.

"Alam niyo po kung saan dinala ang suspect sa nangyari?"

"Sino ba kayo?"

"Kaibigan po kami ng biktima." Si Ari ang sumagot. Napaisip naman ang guard bago tumango.

"Hawak siya ngayon ng tagapamahala dito sa mall. Hangga't wala pang nakukuhang impormasyon, hindi pa siya makakalaya o makukulong."

Pumunta kami sa sinabi noong guard at nakita ang isang lalaki na nakasuot ng pormal kaharap ang familiar na babae. Nakatalikod ito kaya hindi namin makita ang mukha.

Napasinghap na lang ako nang lumingon siya.

"A-Andrea?!" Gulat na tanong ni Ari. Ngumisi si Andrea at humalukipkip.

"Oh. The noob friends. Pinagbintangan ka na at lahat nanatili ka pa rin sa tabi niya?" Tinaasan niya ng kilay si Ari. Hindi naman kumibo ang huli.

"Miss Andrea!" Saway no'ng lalaki. Umirap naman si Andrea at padabog na sumandal.

"She deserves it! That bitch is also a slut! Famewhore! Attention-seeker! Mas mabuti nga kung mamatay na siy---"

Hindi niya na natuloy nang may kamay na humawak ng mahigpit sa braso nito. Nakita ko ang pagpula nito at narinig ang pagdaing ni Andrea.

"You--! Anong ginawa mo kay Adrienne?!" Sigaw niya. Napaatras kami ni Ari dahil kitang-kita ang galit sa mata ni Unique. Pero shit, alam kong hindi ito oras para kiligin pero kinikilig talaga ako sa inaasta niya.

"U-unique.." Tumulo ang luha sa mata ni Andrea. Napaangat ang kilay ko nang may makitang kakaiba dito.

"Gusto niya si Unique." Ari stated. Napatango ako. Kaya siguro galit siya kay Adrienne.

Tumayo na 'yong lalaki at humarang sa pagitan ni Unique at Andrea. Patuloy ang paghahabol ni Unique sa kaniyang paghinga. Si Andrea naman ay nakatitig lang kay Unique na parang nasasaktan. Tsk!

"That's why I don't like her presence that night." Sumulyap ako kay Ari na blangko ang expression. Kumuyom ang kamao ko nang maalala ko kung paano siya um-acting sa harap namin noon.

Padabog na umalis si Unique. Nagkatinginan kami ni Ari at tumango. Bumaling ako sa lalaki bago kay Andrea na nakatulala at naagos ang luha.

"Huwag niyo siyang pakakawalan. Kapag nakawala siya, kayo ang mananagot sa amin."

Dumiretso na kami sa pimagdalhan kay Adrienne. Mabuti na lang at may clinic dito sa Mall.

Nakaupo si Unique sa tabi niya habang nakahawak ang kamay sa palad ng kaibigan namin. Napalingon siya at ewan ko kung namamalik-mata ba ako or talagang namumula ang mata niya.

"I'm sorry." Mahinang sambit niya.

"Kanino ka nagsosorry?" Tanong ni Ari. Bumuntong hininga si Unique at mariin na ipinikit ang mata.

"Sa inyong tatlo. Nang dahil sa akin kaya nangyayari ito kay Ad---" I hushed him before he finishes his words.

"Ang bruha na Andrea ang may kasalanan hindi ikaw!" Kumunot ang noo ni Unique.

"Bakit niyo siya kilala? May ginawa ba si Adrienne sa kaniya?"  Nagkatinginan kami ni Ari. Siya ang magsabi, tinatamad na akong magsalita.

"Pinsan siya ni Angelo."

Napansin ko ang pagdilim ng mukha nito at akmang tatayo. Mabuti na lang at napigilan namin. Siguradong susugurin nito si Angelo. Ang dilim ng aura niya! Para bang susuntokin niya ang haharang sa daanan niya.

"That piece of shit!" Bulong nito. Napailing na lang ako.

"Hindi pa naman alam kung may kinalaman ba si Angelo dito or wala." Paliwanag ni Ari. Si Ari na mabait at kalmado lang.

Hindi na sumagot si Unique. Kinuha niya na lang ang palad ni Adrienne at idinikit sa kaniyang pisngi. Napaiwas kami ng tingin ni Ari at napagdesisyonan na lumabas na lang.

Napabuntong hininga ako nang makalabas. Sana maging ayos na si Adrienne but shit lang! Sana magkaroon din ako ng Unique Salonga sa buhay ko pero minus Andrea the epal lang.

***
A/n:

And finally the revelation! Kilala niyo na ngayon kung sino si A! Got some instincts?

#LoveMeNot
@sheiaaa_

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Onde histórias criam vida. Descubra agora