“At idadahilan mo nanaman iyang malaking imahinasyon mo?! HA?!”

Malakas na dumapo ang isang kamao niya sa mukha ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Naramdaman ko sa likuran ko ang coffee table at sumandal na nga ako doon. Para akong nabalian ng buto sa sakit ng tama niya sa mukha ko't ramdam ko ang hindi-masabing hapdi nito na parang kumalat pa sa buong mukha ko!

“P*ny*ta ka! Hinalikan mo pa siya!”

Mas nanlaki ang mga mata ko roon. P-Paano ba niya kami nakita?? Hindi kaya siya sumunod sa amin?? O kaya nagpa-hire nanaman siya ng tauhan para tingan ako?! Tsk! Bwisit! Damn it!

“Ikaw... Ikaw... Sumosobra ka na!” sigaw pa niya habang tumatayo ako, at iniinda ang sakit ng suntok niya sa panga ko.

“Eh bakit ba galit na galit ka sa kanya Dad?!” hindi ko na napigilan ang sarili ko, gulat siyang tumingin sa akin at hindi nakapagsalita!

Sigaw na ng sigaw, pero hindi niya ako binibigyan ng totong sagot kung bakit, bakit siya ganyang umasta sa kanya! Noong inakala niyang may gusto ako kay Rhianne, eh hindi naman siya ganyan ka-galit para magawang masuntok ako!

Besides... you just kissed her... pero wala siyang magagawa!

At kahit pagbaliktarin ko man ang lahat, makikita kong iba ang galit niya kay Exellor. As if he knows her...

Nanlaki ang mga mata ko nang mapaisip...

“K-Kilala m-mo ba siya, Dad?” tanong ko. Kahit mahina iyon ay nakita kong narinig niya iyon ng ilipat niya muli ang tingin mula sa sahig, papunta sa akin. Wala man siyang ipinapakitang emosyon sa mukha, pero ang tingin niya'y parang may sinasabi na hindi ko mawari kung ano.

“K-Kilala m-mo b-ba s-siya, D-Dad?!”

“...Hindi ko kilala si Exellor.”

Huh?

“... pero kilala ko si Jaizen.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko... J-JAIZEN?! P-Parang narinig ko na iyon–

Earlier. There's still room for that. Goodnight... Jaizen...

Naalala ko ang mga sinabi ni Rhianne! Wait, paanong alam ni Rhianne?! LALO AKON NAGUGULUHAN!!

Biglang sumilay ng maliit na ngisi si Dad, “Looks like she isn't telling anything to you...”

Hindi ako nakasagot. Sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko!!

“Maghintay ka diyan...” sabi pa niya, at saglit na pumasok sa office niya. Maya-maya pa'y lumapit siya sa akin, na may dalang brown envelope.

“Kahit kailan, hindi ko nakilala ang babaeng iyon bilang si Exellor... kung hindi, si Jaizen Rayanne Carlos.”

So, her name's Jaizen?

“She... has no mercy. She's... bad.” mariin na bulong niya, titig na titig sa'kin, at halos mayupi na ang envelope na hawak niya dahil sa paghigpit ng kuyom niya rito.

Hinablot ko na mula sa kamay niya iyon, pero hindi parin maaalis sa kanya ang galit niya.

“Tingnan mo yung laman...” utos pa niya, na sinunod ko. Dahan-dahan kong hinila ang mga papel na nasa loob.

Beanie GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora