Chapter 23

78 3 0
                                    

Chapter 23: First Dance

a. n. // Listen to 'All About Us' by He Is We ft. Owl City for the song later.

[PAUL TREVOR'S POV]

“So, choose your partners at pupunta tayo sa comlab to do the activity.” the teacher announced to us, looking at the crowd of students na halos makipag-gitgitan para hanapin ang kanilang partner para sa activity sa comlab ngayon para sa TLE subject namin.

Ni isa, wala akong mahanap. Halos lahat sila'y meron na at ako'y wala pa. Nakaupo lang ako sa armchair, naghihintay ng grasya na pwedeng magindividual 'cause I can do it myself. Pero, naramdaman ko ang pagkalbit sa aking kanang braso.

Mabilis ang paglingon ko, at tumambad ang isang babae na may mahabang itim na buhok, at may suot na salamin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng nginitian niya ako at marealize ko nga kung sino siya.

Rhianne Jaqui Sebastian.

Siya ang nag-iisang babaeng anak ng Principal. Halos lahat ay takot makipagkaibigan sa kanya dahil strikto sa kanya ang mama niya, or in short, yung mismong principal. Kahit ako mismo ay hindi ko siya pinapansin bagama't akala ko'y kaugali niya ang kanyang ina na halos kulang na lang ay mawalan ka ng dugo dahil sa takot na pagsabihan ka niya.

Nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal, ng bigla siyang tumawa ng marahan. “May partner ka na ba?”

“Wala pa.”

“Gusto mo, tayo na lang partner? Bilisan natin palabas na sila ng room eh.”

Tumango na lang ako, agad agad at sumama sa kanya tungo sa computer lab. Hindi magkamayaw ang mga malalagkit na tingin ng mga kaklase ko sa akin ng makitang kasama siya. Para bang nagsanib pwersa ang dalawang taong walang hilig kung hindi ang pag-aaral.

Hindi rin kasi ako mahilig makipagkaibigan noon. But that's until she appeared.

Halos bago pa ang ala-alang iyon sa akin, ng unang makipagkaibigan sa akin si Rhianne. Tulad ko noon, hindi siya palakaibigan dahil takot lahat sa kanya at medyo pokus siya sa pag-aaral noon. After ng comlab activity namin, she eventually asked me na sumabay na ako mag-lunch sa kanya, so I did.

Nilibre pa niya ako ng lunch noon.

“Paul Trevor... Funtelo, diba? Alam ko isa ang Funtelo sa mga may pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.”

“Ah... totoo yun, actually. Dad ko ang nagmamanage ng company.”

“Wait, ikaw talaga yung anak ni Timothy? As in ikaw?!”

“Yeah... why?”

“Nakita ko kasi siyang kinakausap yung mama ko nung minsan. Edi mayaman pala kayo... tsaka may itsura ka. Hintayin mo pang lumaki ang sarili mo tapos tingnan mo, sisikat ka rito.”

“Hindi naman siguro.” I denied it.

“Trust me. Alam ko yung instincts ko. Pogi mo kaya!”

“Bale crush mo na 'ko niyan?” I joked.

“Ay wow ah! No way!” tumawa kaming dalawa noon.

I missed the times, we bonded. Hindi kami noon maipaghiwalay. Nag-aaway rin naman kami noon, pero agad ring nagbabati. Nawalay na siya sa akin noon, ng mag-Grade 8 kami. Noong mga araw na iyon, ay nagkaroon na siya noon ng mga kaibigan. That's where she met Caily and Dasha, her girlbestfriends.

That's when the Guevarra siblings entered the scene. And Gregorio, a childhood friend of mine who transferred schools when I was in Grade 4 and coming back as a Grade 8 student.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now