Chapter 29

58 3 0
                                    


Chapter 29: A Beautiful Girl


[PAUL TREVOR'S POV]

Titig na titig ako sa aking sarili mula sa standing mirror na katapat ko. I look so good, wearing a black suit, paired with a grey necktie. Hindi ko na maibura sa aking mga labi ang ngiti dahil sa kiliting nararamdaman ko mula sa aking dibdib. Kanina pa ito mula noong nagising ako.

Eto na ang araw na parang mahika para sa akin. Isang araw para kalimutan ang lahat. Para mahawakan ang kamay niya, at sumayaw sa gitna ng entablado. Magkatinginan ng matagal, at maramdaman sa aming mga tenga ang napakasarap na tugtugin na maari kaming paliparin sa mga imahinasyon naming hindi maikukumpara sa lahat. Sa pag-iisip pa lang noon, para na akong nalutang sa tuwa. Naiimagine ko na nga ang kanyang presensya sa harap ko, staring at me intently. Ramdam ko ang biglang pagbilis na kabog sa aking dibdib.

Sht. This is crazy!

Pagkalabas ko ng kwarto at pagbaba tungo sa sala, ay kita ko kung paano nagulat si Manang sa akin, halata ang paglalakbay ng mga mata sa buong katawan ko. Napangisi tuloy ako.

“Oh! Bakit po kayo ganyan makatitig?” pabiro kong tanong.

“Hay nako! Huwag ka nang magbiro, Ser Trevor! Buti na lang at talagang namana mo an itsura ni Miracle.” Agad naman siyang ngumiwi, na para pang nandiri sa akin. And oh, she was pertaining to my mother.

Mas naging dominant kasi ang mga features niya sa akin, at ang tanging naging mana ko lang kay Dad, ay ang mata. But never his personality.

Hindi ako takot sa kanya. Oo, may konting pangamba tuwing nakikita ko syang titig sa akin, at kapag minsan nasasabihan niya akong papalayasin ng bahay, pero hindi ibig sabihin noon, ay ikukulong ko na lang ang sarili ko sa takot sa kanya. Susundin ko ang gusto ko, hanggang makakaya. Ayokong matali niya ako sa mga bakal niyang kamay. Hanggang kaya ko pa.

Bigla akong nagulat ng mag-vibrate ang phone ko mula sa aking bulsa. Nakatanggap ako ng isang text mula kay Kylie.

Kylie
Sabay-sabay na tayo nina bruh. Naghihintay na kami sa labas. Pakibilis dahil nananapak yung katabi ko. ASAP.
P.S, it's Greg.

Tuluyan na akong lumabas ng bahay. Nakaramdam ako ng kaba, lalo na sa magiging sayaw mamaya. I never attend this kind of things (kahit mapa-project pa yan o hindi), pero I have a reason now why.

Kinakabahan ako kung anong magiging itsura ni Exellor sa ball, ayon na rin sa naging usapan namin last Friday.

Mabilis kong pinunasan ang tumutulong pawis mula sa noo ng matanaw ang sasakyan nina Jayvee at Kylie sa gate.

Seriously, all my facewashing is useless kung papawisan lang rin ang mukha ko -__-

At dahil may driver sina Jayvee, I'm assuming he's sitting on shotgun, so I had to get on the back with Kylie and Greg. Naabutan ko nga silang nagsasapakan!

“Hey, it's your first day of school Trev!” buset pa nitong si Greg nang makitang tumabi ako sa kaya. Nasa gitna siya at sa kabila niya'y si Kylie na pulang-pula na ang mukha sa galit.

“Sabi ko sayong huwag mong galawin eh!” inis na giit ni Kylie, at mahigpit na hiwakan ang suot na cap sa ulo. Pilit pala itong tinatanggal ni Greg.

“Tanggalin mo na kase! Para mas maganda!”

“Ayoko nga! Sino ka ba para mang-utos sa akin? Baliw!”

“Si Greg. Kaibigan mo! Besides, you'll look more beautifuller!” tawang-tawang sabi nito.

“Anong beautifuller?!”

Beanie GirlWhere stories live. Discover now