SELFISHNESS

693 33 16
                                    

Yohann

Habang pinapanood ko siya mag perform hindi maalis alis ang titig ko sa kaniya. Nakakatuwang isipin na may lakas na ulit siya ng loob para tumugtog. Matagal ko ng alam na tumutugtog siya pero ngayon ko lang siya nakitang mag perform.

And it's kinda amazing.

"Nainlove ka naman lalo niyan kay Kate HAHAHAHA"  asar sa akin Xyrus. May pag siko pang nalalaman binatukan ko nga.

"Mag tigil ka nga! Bunganga mo baka may makarinig!" Angil ko sa kaniya. Naramdaman ko na bumigat ang balikat ko pag tingin ko sa gilid nakita ko Marco. Aba't!

"Dude kung ako ikaw? ipagsisigawan ko sa mundo na mahal ko si Kate hindi yung sulyap ka lang ng sulyap doon sa tao." pangungumbinsi pa nito sa akin.

Siguro nga duwag ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

Nakakahiyang isipin na isa ako sa mga dragon pero wala ako magawa sa ama ko. Kung ikukumpara ang posisyon ko sa posisyon ng ama ko ay mas makapangyarihan ito.

"Kung iniisip mo ang ama mo, 'wag ka mag alala, na andito kami para resbakan ka, minsan ka lang naman susuway sa papa mo, itodo mo na" pangungumbinsi din sa akin ni Xyrus. Naisip ko din yan kaso paano kung hindi ko siya maprotektahan. Paano kung dahil sa pagiging selfish ko madaming mapahamak.

'Yon ang kinakatakutan ko sa lahat baka kasi hindi ko sila lahat maprotektahan kung sakali.

"Ladies and gentleman here are the most awaited of all of you especially girls. The Three Prince."

Tinawag na kami sa stage, kami na kasi ang magpeperform at hindi magkanda ugaga sa pag sigaw ang mga tao.

"'wag ka kabahan HAHAHA, para sa kaniya naman yung gagawin natin performance" bulong sa akin ni Xyrus. 'Yon na nga, isipin ko lang na para sa kanya ito mas kinakabahan ako.

"Ihanda mo ang sarili mo, may pasabog mamaya HAHAHA" isa pa 'tong si Marco! kinilabutan tuloy ako.

"Hi, we are here to perform guys. We will sing "PASENSYA NA" by cueshe. Madami makakarelate at isa na ako doon. Kidding." Natawa naman ang dalawa sa likod ko! Tsk! You don't know how nervous I am right now, asholes. Nag punta na kami sa kanya kanya naming pwesto.

Nagsimula na mag strumming si Marco. Nag drum roll naman si Xyrus.

Ako na tumapat sa harap ng mikropono.

Yohann :

Mga mata mo'y nakakaakit
Ng 'di sinasadya
Ngiti mo'y nagbibigay sigla
Ng 'di mo alam

Nakatingin lang ako kay Kate niyan. Hindi din naman kasi siya nakatingin sa akin dahil busy siya makipag usap sa kuya niya.

Maamo mong mukha pag nakikita
Ako ay natutulala
'Di ko alam ano'ng gagawin

Naalala ko nung una ko pa lang siya nakita dito sa school. Unang pasukan non. Kahit napaka kapal ng salamin niya at nakapang manang na damit. Alam ko na maganda siya sa oras na alisin niya 'yon.

Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
'Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako


When we first met, I fell in love with her. I know its sound corny but when I first looked at her I already felt something strange inside of me. I did everything to make her notice me, I look like a fool because I get angry with her for no reason, of course I am just pretending back then. Just so she can notice me.

The Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon