TENSIONS

894 31 2
                                    

Claire

Hindi ako makagetover sa ginawa ni Raiden kanina. Baliw talaga ang idang 'yon. MAPEH class kami ngayon kaya 'eto na nga ang pinaka maarte naming teachaer na si Ms Ayadne.

"Okay class para sa inyong project on this first grading magpeperform kayo ng talent niyo. it's up to you if you want to perform by group, partners or individual. Sa next monday niyo ipeperform yan, may one week pa kayo para maghanda. Understood?" sabi pa ni Ms Ayadne.  Nag yes ma'am kaming lahat. Anak ng tokwa ano gagawin kong talent!.

"Okay, any question? By the way ngayon niyo ipapasa kung anong talent ang gusto niyo iperform then kasama na din yung name's niyo" pahabol pa ni ma'am hala ano kaya ang talent ko. Naisip kong buntis nga pala ako kaya bawal ang makakasama sa bata.

"Partner tayo piggy" kalabit sa akin ni Raiden napatingin naman ako sa kaniya saka ako sumimangot.

"Ano gagawin natin, buntis ako bawal yung makakasama kay baby" sabi ko pa nang pabulong.

"Kumanta na lang tayo maalam ka naman siguro kumanta 'no?" tumango ako dahil mas okay na 'yon komportable pa ako.

Nakita ko naman si Kate na papalapit sa 'min "Claire partner tayo?" Aya niya sa akin, hala lagot nakalimutan ko si Kate paktay na ako dine.

"Sorry Kate, me and Claire ahmm we're partners" sabi ni raiden na ikinalaki ng mata ni Kate napalakas masyado ang pagkakasabi ni Raiden na partners kami kaya napatingin sa amin sila Prince ako na ang nag iwas ng tingin at hinimas ang tiyan ko.

Baby sorry ha si mommy na lang ang magmamahal sayo kasi yung daddy mo may ibang mahal, baby sorry mamahalin ka naman ni mommy.

"Ang daya niyo naman Claire at ikaw naman na lalaki ka sino ka para agawin sa akin ang bestfriend ko ha" Sigaw ni Kate kay Raiden habang nakaturo pa ang hintuturo nito sa binata.

"Easy lang Kate hindi ko inaagaw sayo si Claire" sabi pa ni Raiden sa kaniya habang nakataas pa ang mga kamay natawa na lang ako sa kanila.

"E' sino na ka'partner ko, daya niyo naman e" nakita ko kung paano humaba ang labi ni Kate. Ngumuso na naman siya pacute pa e'.

"Si Yohann partner mo HAHAHA" Tawa bigla ni Raiden baliw talaga ng isang 'to imposible mangyari ang sinasabi niya.

"Ayos lang 'yon sa akin babe" sabi bigla ni Yohann. Bigla bigla na lang nasulpot ang isang 'to may mga ngisi pa sa mga labi.

"Makatawag ng babe 'to  hindi ako baboy at saka walang tayo wag kang mag assume unggoy" sinungitan lang ni Kate si Yohann.

Ang sungit nito pag dating kay Yohann.

"Seriously?, ako?". Turo ni Yohann sa sarili "....Unggoy!. Baka gusto mo ipacheck up yang mukha mo 'etong mukhang 'to 'eto ata ang kinahumalingan mo" sabi bigla ni Yohann. Hambog ka talaga Yohann ang tanga tanga mo.

Kitang kita ko kung paano natigilan si Kate sa sinabi ni Yohann.

Alam ko ang totoong nararamdaman ni Kate kahit paulit ulit niya sinasabi sa'kin na naka move on na siya kay Yohann, alam ko pa din ang totoo.

"Oo sabihin na nating yang mukhang yan ang kinahumalingan ko pero yang mukhang yan ang nanakit sa akin nang lubusan" nakita ko kung gaano kakunot ang noo ni Kate, alubong na salubong ang kilay nito. Halata namang natigilan bigla si Yohann sa itinuran ng bestfriend ko.

Pinag krus ni Kate ang kaniyang braso at umarko ang kaniyang isang kilay pataas.

"Pwede ka maging Best Actor of the year ang galing mo kasi umarte. Biruin mo master na master mo ang pag arte kahit sino ay mapapaniwala sayo" kitang kita ko kung paano ngumisi si Kate, parang hindi siya yung bestfriend ko. Ibang tao ata itong kaharap namin lahat.

The Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon