Chapter 3

1.1K 50 2
                                    

Claire

Nakakagulat na makitang ganoon ang reaksyon ni Marco kay Kate. Ano ba nangyayari sa kanilang tatlo?. Andito kami ngayon sa cafeteria, pinagmamasdan ko ang bestfriend ko tulala na naman.

"Hoy! Bruha tulala ka diyan" tumingin siya sa akin "Ayos lang ako" sabi niya pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Kilala ko ang isang ito hindi siya magkakaganyan kung wala siya iniisip na problema.

"Sa akin kapa talaga maglilihim I'm your bestfriend Kate alam na alam ko mga kilos mo, halata kita kaya magsabi kana sa'ken" sabi ko sa kniya gaga naman kasi sa'ken pa naglihim helloooo halos dekada na pinagsamahan namin 'no!.

"Iniisip ko lang kung bakit pa sila bumalik dito. Saka kahit sino naman mag aalala e" wika niya. Napabubyong hininga naman ako sa tinuran niya "alam mo ikaw isa ka din tanga't kalhati! Malamang babalik mga yun dito, anaka lang naman ng may ari ng school na ito yang si Yohann saka hindi porket mag ex na kayo ay magpapaka bitter si Yohann"

Sinamaan naman niya ako ng tingin "alam mo ikaw napaka kontrabida mo! Sino ba kaibigan mo, Ako o yang si Yohann ha?!" Pagalit na tanong niya sa akin.

"Ang pinupunto ko sayo Kate magkita't magkikita kayong dalawa! Malamang sa malamang ay ex mo yun pero nasa iisang lugar kayo gumagalaw" kumagat ako sa sandwich na hawak ko "saka wag kang pakabitter move on move on din pag may time 'te!" Pagpapatuloy ko pa.

Inirapan naman niya ako nainis ata sa sinabi ko. Totoo naman kasi na hindi imposible na magkita sila ulit, yang lola niyo napaka bitter! Ayaw mag move on. Mahal ko 'yang bestfriend kong 'yan pero kasi minsan ang tanga niya. Hindi na siya umimik pa nagpatuloy na si Kate kumain pati ako.

Malamang sa malamang nagbabalik na naman iyan sa nakaraan nila. Naalala ko nung pumunta siya sa bahay noon sobrang lakas ng ulan, nakita ko siyang basang basa na nakatayo sa harap ng bahay namin, umiiyak. Masakit makitang umiiyak ang bestfriend ko. Yumakap siya n'un sa'ken at grabe ang iniyak niya kay Yohann masyado siyang nasaktan sa nangyari sa kanila. Hindi ko din naman kasi siya masisisi dahil kung ako ang nasa katayuan niya magpapakabitter din ako.

"Hoy! Bruha gising!" ay bongga sinigawan na, hindi pa din natinag! Ano ba pinagiisp ng isang ito? Ah alam ko na!.

"Sunog! Sunog! Nasusunog ang school!." hysterical na sigaw ko at alam nyo ag nangyari....

"Ha? Asan? Asan?. Tara na Claire tumakbo na tayo!. Ano pa ba ang tinutunganga mo dyan?! May sunod daw hoy!" hilahila niya ako at langya priceless ang mukha nya mga tsong. Nasa loob loob ko ang gusto ng tumawa ng malakas. Take note nakahawak pa yan sa kamay ko at yakap yakap ang kanyang bag hahaha so mean self!.

"Easy lang bessy biro lang umupo ka d'yan ng matiwasay hahahha" ang lola nyo nausok na ang ilong HAHAHA

"Ang sama mo claire bakit mo naman yun ginawa ha?!" galit na siya, hala lagot na nagiging dragon nausok na ang ilong. Ngumiti naman ako ng pilit "Sorry friend kanina pa kasi kita kinakausap at tinatawag pero mukhang nasa outerspace yang utak mo so yun ginawa ko na hehehe" ackward kong turan sa kaniya, masama pa din ang tingin niya sa'ken. Ang tanga mo talaga Claire! Masama magalit yang si Kate so tanga self! Pagkausap ko sa sarili ko.

"Grabe ka talaga claire haist! " singhal niya sa akin inirapan naman niya ako. Tumingin ako sa kaniya ng daretso "So yun nga bessy san napunta yang utak mo. Nagthrowback ka na naman siguro 'no?" Tanong ko sa kanya

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya "Claire sino ba naman ang hindi maalala yung mga masalimuot na pangyayari ng buhay ko" sabi ni kate

"Ay bongga yung masalimuot ha. Ikaw naman kasi bessy uso ang move on. Taon na ang lumipas, nagdaan ang bakasyon 'di mo nagawa magmove on. Grabe bessy move on move on din pag may time" sabi ko sa kaniya kaloka naman kasi. At mas naloka ako sa sagot niya

The Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon