TRES

1K 36 1
                                    

Andito ako ngayon sa isang building pinagmamasdan ang tanawin at nakikita ko kung nasaan ang babaeng aking sinadya dito sa eskwelahang ito.

"Kailan mo balak simulan ang misyon mo Tres" ani ng kasama ko. Ngumisi lang ako sa kaniya.

"Wag kang atat Six magagawa ko 'rin paibigin siya madali lang yun gawin alam mo yan" sabi ko sa kaniya ng may mga ngisi sa labi.

Natatanaw ko ang tatlong bulto ng tao hindi kalayuan sa babaeng pinagmamasdan ko. Napakadilim ng aura na nakapaligid sa isa na alam kong ito ang namumuno sa anim na dragon. Nakita kong pinagmamasdan nito ang aking pinuntang target dito sa eskwelahan na 'to. Napatiim bagang ako sa aking nakita. Hindi ako makakapayag na sirain mo ang mga plano ko.

"Mahirap kalaban ang isang 'yon Tres mag ingat ka dahil sa isang iglap kaya nyang wakasan ang buhay mo ng walang kahirap hirap" banta sa akin ni Six..

"Masyado mo minamaliit ang kakayahan ko. Nilalamon kana ba ng takot mo Six? Bago pa n'ya ako mapatay papatayin ko muna ang babaeng mahal niya saka ko siya isusunod" malademonyo akong tumawa. Hindi naman maitatanggi na isa ako sa mga mapanganib na tao.

Muli akong sumulyap sa babaeng sinadya ko 'rito bago umalis sa pwesto ko.

xxxx


Claire

Andito ako ngayon sa garden nagbabasa kasama si Kate. Malakas ang pakiramdam ko na may nagmamasid sa amin mula sa malayo. Maybe I'm look like an angel but I can kill for my bestfriend safety.

Naramdaman ko ang isang presensyang hinding hindi ko malilimutan, nasa likod ko lang ito habang nakatingin sa akin.

"Prince" sigaw ni Kate napansin kong nakatingin siya sa bandang likod ko kaya tumingin ako palikod at wrong move naramdaman ko na lang ang malambot nyang labi sa labi ko. Mabilis kong inilayo ang sarili ko sa kaniya.

Nanlalaki ang mata ni Kate na tumingin sa'min "Nag kiss kayo" halatang gulat na gulat siya sa nakita niya. "Aksidente lang ang nangyari Kate wag kang ano dyan!" naiinis kong wika sa kaniya. Inis kong tinignan si Prince "Ano ba ginagawa mo dito?!" napangiwi naman siya sa inasal ko. "Your friend called me" he simple answer.

Iimik pa sana ako ng biglang dumating ang isa sa mga kaibigan ni Yohann.

"Hi, can I excuse Ms. Evio? I need to talk to her" sabi ni Marco. Bigla bigla na lang nasulpot.

"Ha? Bakit naman ano paguusapan natin?" Nagtataka si Kate na tumingin dito.

"I want to talk to you privately"

"Hoy! Ikaw na lalaki ka bigla bigla ka--" hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan na ni Prince ang bunganga ko

Hinila niya ako paalis sa lugar na 'yon. Ang hilig talaga nito manghila.

Dinala niya ako sa parking lot ng school. Doon niya lang ako binitawan.

"Hoy! Bakit mo ko hinila ha? Bastusan nagsasalita pa ako doon" sigaw ko sa kaniya.

"That guy named Marco said they need privacy to talk so I dragged you here" kibit balikat niyang turan sa'kin.

Naiinis ko siya pinaghahampas, nakakainis sa sobrang inis ko ibinuhos ko lahat ng inis ko sa kaniya. Hinayaan naman niya ako gawin 'yon hanggang sa mapagod ako.

"Are you done?" Napatingin naman ako sa kaniya at inayos ang sarili ko sa harap niya. Tumango naman ako sa kaniya.

Inayos niya ang nagusot niyang polo dahil sa paghahampas ko sa kaniya. Bigla na lang niya ako hinila papunta sa kotse niya. Taka naman ako napatingin sa kaniya. "H-oy saan tayo pupunta ha?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

The Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon