UNEXPECTED

1K 40 1
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tunatama sa aking mata, nanlalabo ang aking mga mata ng aking imulat.
Bumungad sa akin ang nag aagaw na kulay pula at itim na kulay sa kwarto.

Hindi ko alam kung nasaan ako at kung kaninong kwarto itong tinulugan ko.

Napaka laki ng kama na hinihigaan ko, dahan dahan akong bumangon napahawak ako sa aking sintido, nakaramdam ako ng sakit sa parteng iyon.

Unti unti bumalik ang mga nangyari kahapon. Narape na ba ako ng tuluyan maisip ko pa lang yun nagiigting na ang galit sa loob ko nagbabadyang tumulo na naman ang luha ko sa tuwing maaalala ko ang kababuyan na na nangyari sa akin kahapon.

Nagiiyak ako, napatingin naman ako sa may pinto may pumasok doon at niluwa nito si Yohann. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

Lumapit siya sa akin "Ayos naba ang iyong pakiramdam?" Ramdam ko dumapo ang kaniyang mga daliri sa buhok ko. Unti unti niya ito hinimas himas.

"Why I'm here?"

"I bring you here in my house you lost consciousness" kung paano niya ako tingnan ay nakakatunaw dahil naiilang ako sa paraan ng pag tingin niya sa akin.

Nakikita ko ang pag aalala sa mga mata niya. "Kate, I'm sorry hindi ako nakadating nang mas maaga....." ngayon ko lang siya nakitang ganito kaemosyonal "....sana nailigtas kita ng mas maaga pa para sana hindi nangyari 'yon sayo". nag aalalang sabi nito. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at pangamba.

Nag tataka akong tumingin sa kaniya. Bakit Yohann? Bakit kailangan mo ito gawin. Huwag ka naman ganiyan paano kita makakalimutan. Gusto ko sabihin ang mga salitang 'yan pero walang lumabas sa labi ko.

Impit akong umiyak sa kaniyang balikat hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa nangyari.

Hanggang sa maramdaman ko na magaan na ang pakiramdam ko.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nag kasalubong ang tingin namin sa isa't isa pawang nagtatanong kung ano ang problema.

"Yohann salamat sa pagtulong mo" nahihiya kong saad sa kaniya, hinawakan lang nito ang pisngi ko pababa sa baba ko at iniangat iyon nang dahan dahan nagtama ang aming tingin.

"You should start taking care of yourself, Kate. And you are welcomed" niyakap akong muli. Nagtataka 'man ako sa mga ikinikilos niya ay hinayaan ko na lang.

Masyado ako nasaktan para paniwalaan ang mga nakikita ko sayo ngayon.

Hinding hindi mawawala yung katotohanan na ako lang ang nagmahal sa atin dalawa at masakit pa din yun hanggang ngayon sa puso ko. Paano ba kita makakalimutan kung nagkakaganto ka sa akin.

-

Hinatid ako ni Yohann sa bahay. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating na kami sa bahay nagpasalamat ako dito at pumasok na sa loob.

Napag alaman ko na nalaman na pala nila mama ang nangyari sa akin. Sinalubong ako ng mga ito na puno nang pagaalala sa mukha.

Nag kwento ako sa kanila kung ano ang nangyari. Sinabi pala ni Yohann sa mga ito ang nangyari hanggang sa matapos ang paguusap namin tumaas na ako para makapagpahinga dahil sa pagod, ayoko maalala ang nga pangyayari na naganap sa school.

xxxx

Kinaumagahan, nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Nag ayos na ako ng sarili para pumasok.

Nadatnan ko sa labas si Marco, nakasandal ang binata sa kaniyang kotse.

"Hey!. I heard what happened yesterday are you okay?". ngumiti ako ng pilit at tumango bilang sagot.

The Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon