Nang magpasalamat ako sa oras at natapos 'din siya, ay agad na kinuha ni Greg ang gitara at kumanta.

Doon nagkagulo ang lahat. Umulan pa. Hindi naman, talagang sumakit lang ang tiyan namin sa kakatawa dahil kung anong pinag-re-remix niyang kanta na hindi mo alam kung tama pa ang lyrics.

“KABILIN-BILINAN NG LOLAAA!” sigaw pa niya at matindi pa ang pagstrum sa gitara!

Pero maya-maya pa ay napagdesisyunan nilang mag-night swimming. Hindi na sumama sina Chris at bumalik na sa hotel. Si Exellor naman ay nakita kong umupo lang sa sand, malapit sa tabing-dagat.

Hmm... Nag-iisip nanaman siguro iyon!

Ako naman, ay sumama muna kina Greg since ayoko na ring maabala siya sa katahimikan niya. Eh sa tingin mo ba hindi siya naaabala sa pagpunta mo sa fields?!

Hindi naman siguro.

Maya-maya pa'y nang maramdaman ko na ang lamig ng tubig ay umahon na 'ko't nagpalit ng damit. Pinuntahan ko na kung nasaan si Exellor kanina, pero... tulog siya!

Talagang nakahiga siya sa mismong sand, at nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niyang nakasandal sa isang mahabang kahoy. Dahan-dahan akong lumakad, at umupo sa tabi niya. Tumingala ako at doon napansing... may mga bituwin sa langit.

Napangiti ako. The thought of stars makes her happy. Kahit papaano, kahit hindi ko pa siya gaanong natutulungan sa mga problema niya, ay alam kong may mga bagay rin namang makakapag-kalma sa kanya. Walang bakas ng ngiti sa mukha niya, at kita ang malalalim na paghinga niya. Kahit pa nakahiga, ay parang kusa na dumidiretso ang itim niyang buhok... para bang rebonded.

Dahan-dahan kong inilapit ang ulo ko sa noo niya para mahalikan iyon. Lalayo pa lang ako ng makitang biglang bumukas ang mga mata niya.

“That's the third one.” banggit pa niya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya!

“E-Eh bakit mo binibilang?!”

“I want to.” diretsong sagot niya bago maupo. “Where's Jamiel? Chris?”

“Bumalik na sa hotel. Ba't mo hinahanap si Chris?”

“Again... Don't be jealous.” nakangiti pa niyang paalala.

“Bakit mo nga kasi yun hinahanap?”

“They're my friends. I slept, and when I woke up, I couldn't see them anywhere but only you sitting beside me.”

Of course, Trev! You're overreacting!

Tumikhim ako, bago ulit magsalita. “Umm... Nag-eenjoy ka ba sa bakasyon natin?”

“I am.”

“Good. Kahit alam kong dala mo pa rin iyang mga iniisip mo.”

“Of course. My brain's with me all the time.”

Pilosopo nanaman! “Pilosopo ka talaga! Tara, balik na rin tayo sa mga rooms natin. Malamig na yung hangin oh.”

Tumango siya at inalalayan ko na ring tumayo. Dumiretso na kami sa mga rooms, at ako naman ay nagpahinga na.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now