CHAPTER 17: Pajama Party

594 17 0
                                    

Chapter 17: Pajama Part

A/N: Hi Guys!❤ Sorry for the late update.  Dont forget to vote and also comment.

Kylie's Point of View

"Anak? Kuhain mo nga yung pasta na binili mo, lulutin ko na"

"Ako na ma"

"Oh sige anak"

Buti na lang at marunong din ako magluto. Specialty ko tong spaghetti eh.

Sinimulan ko ng lagain ang pasta. Nilagay ko to sa isang pot. At sinimulang lagain.

Niluto ko na rin ang sauce nito.

"Oh ma? Kylie? (Sabay halik nya sa amin ni mama sa pisngi) Anong meron? Sinong may birthday?"

"Bat ngayon ka lang anak?"

"Nako mama nilandi lang nyan si ate Athena" pang aasar ko kay kuya

"Pano mo nalaman?"

"Kyle!" Sigaw ni mama na syang ikinatawa namin ni kuya

"Joke lang ma, ikaw naman di na mabiro, nag practice lang kaming basketball nila DALE" sabay tingin sa akin ni Kuya.

"Oh bat ganyan ka tumingin sa akin?" Sabay pasimpleng tumawa ako

"Nako mama oh, tingnan mo yang si Kylie lumalandi na"

"Kuya! Para kang baliw,  kung ano ano pinagsasabi mo kay mama"

"Wag ka maniwala jan ma"

"Nako, tinatanggi pa eh" pang aasar pa ni kuya

"Wag ka nga jan kuya, ikaw nga tong lumalandi eh, sakin mo pa ipapasa"

"Kayong dalawa tumigil na kayo jan" saway ni mama.

"Matanong nga kita Kylie"

"Ano po yon ma?"

"Kayo na ba ni Dale?"

"Boom!" Sabat pa ni kuya

Namula ako sa tanong nya.

"Hindi pa po mama"

"Sus! Eh bat namumula ka?" Natatawang tanong ni kuya

"Anong namumula?" Palusot ko pa

"Yari ka! Isusumbong kita" pang aasar nya sa akin

"Kanino naman ha?"

"Kay papa"

"Kuya naman eh! Wag ka nga magbiro ng ganyan"

"At sinong may sabing nagbibiro ako ha?" Seryoso nyang sabi

"Mama oh! Si kuya!"

"Kyle tigilan mo na nga yang kapatid mo, halika tulungan mo na lang kami mag luto"

"Sige ba mama, ano bang lulutuin?"

"Mag luto ka nyang tinola, menudo or adobo, pumili ka lang ng isang potahe ha"

"Nga pala ma anong meron, bat tayo naghahanda?"

"Pajama party" singit ko

"Nino?"

"Pajama party ko"

"Sino pupunta?"

"Samantha lang "

"Si Sam lang? Eh bat andaming handa?"

"Kung gusto mo imbitahan mo din tropa mo anak, tsaka si Athena papuntahin mo" singit ni mama

Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now