CHAPTER 13: Quiz

751 20 0
                                    

Chapter 13: Quiz

A/N: Hi Guys! Dont forget to vote. And also comment. Love you all💓

Kylie's Point of View

Nakatulog agad ako pag hatid sa akin ni Dale.

Kinabukasan....

Nagising ako ng may mga ngiti sa aking labi. May pasok nga pala ngayon. Agad akong bumaba.

"Morning ma" bati koy kay mama

"Morning kuya, ate"

"Morning baby" sabi ni ate

"Morning Kylie" bati ni kuya

"Mukhang sobrang saya mo ata ngayon Kylie?"

"Ahm, mom wala to, masaya lang ako"

"Nako nako, Kylie, baka nafall kana kay Dale ha"

"Shhhh, ate ano ka ba! Baka marinig ka ni mama eh"

Buti na lang hindi narinig ni mama ang sinabi ni ate. And daldal naman kasi nitong kapatid ko. Si kuya kumakain lang.

"Kain na kayo mga anak"

Umupo na kami at nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta muna kami sa sala. Maaga pa naman eh, kaya nanuod muna si kuya ng basketball. Mahilig rin kaming manuod nito.

"Ahm, ate kelan ka ulit magjo-jogging?" Bulong ko kay ate.

"Baka bukas, bakit?"

"Sama ako ate, ang taba ko na kasi eh"

Biglang tumawa si ate.

"Ate anong nakakatawa ha?"

"Mas mataba ka na kesa sa akin" sabay tumawa sya ulit

"Grabe ka naman ate, mas mataba ka pa rin sa akin"

"Takaw takaw mo kasi Kylie, kaya tumataba ka eh"

Si Dale naman kasi eh, lagi nya akong pinapakain kaya eto, ang laki na ng bilbil ko.

"Sya kasi eh"

"Si Dale?" Wika ni ate

"Oo ate, pano ba naman ako hindi tataba eh lagi nya akong pinapakain, kaya ayan ang laki na ng bilbil ko"

"Bukas ng 4 am magjo-jogging tayo, gumising ka agad ha"

"Oo ate"

"Mga anak, magbihis na kayo, anong oras na oh"

"Opo ma" sabay naming sabi ni Ate

"Kayong dalawa maligo na kayo, nakapagligo na ako" wika ni kuya

"Sige kuya"

Nauna na akong maligo dahil halos abutin ng isang oras si ate sa cr.

Ang lamig ng tubig, GOSH! Nagsimula na ako magbuhos.

"Whoooooooo" sobrang lamig ng tubig

Nag shampoo na ako at nag sabon. At ilang sandali lang ay natapos na ako.

"Ate!" Sigaw ko sa kanya

"Oh?"

"Ikaw na magligo"

Umakyat na ako sa taas at nagbihis na ako ng aking uniform.

Pagkatapos ay nag suklay ako ng aking buhok.

Nakalipas na ang 30 minutos at saka pa lang natapos mag ligo si ate. Jusko naman ate! 6:00 na ng umaga hindi pa tayo nakakaalis ng bahay.

"Kylezie!" Sigaw ni kuya

Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now