CHAPTER 8: My Wedding?

972 24 0
                                    

Chapter 8: My Wedding?

Kylie's Point Of View

Andito kami ngayon sa food booth. Hindi ako makapaniwala na sobrang dami ko ng nakain. Sobrang takaw ko naman ata ngayon hahhaha. Napapangiti na lang ako. Kasama ko pa rin si Dale, syempre nakaalalay na naman sya sakin. Hindi nga ako makakain ng maayos dahil sa pagkakahawak nya sa bewang ko. Ang lakas kaya ng kiliti ko duon.

Parehas lang pala kami ni Dale, oo matakaw si Dale, matakaw sa ice cream. Habang hawak nya ako sa bewang kumakain din sya.

Napapatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko ng tingnan nya ako.

"Gusto mo?" Pagaalok nya sakin nung ice cream

Nakalima na sya ng ice cream ah, hindi ba sya nag sasawa?

Hindi na nya ako pinagsalita at tinapat nya sa bibig ko ang ice cream

"Say ahhhhhhh" para syang bata. Ang cute nya.

Napapangiti na lang ako sa mga pinaggagawa nya. Umiling ako sa kanya dahil ayoko kumain ng ice cream. Oo favorite ko rin ang ice cream pero wala ako sa food para kumain nun eh.

"Kakainin mo ba o kakainin mo?" Wow thank sa choices Dale ha. Baka tumaba ako, naman ayoko tumaba eh. I want to stay sexy.

"Tataba ako pag kinain ko yan eh"

"Eat this or else..." napaka bossy nya talaga, yan tuloy wala akong magawa.

Sinubo nya sakin ang ice cream. Ang sarap. Favorite ko talaga ang rocky road. Naka dalawang ice cream na ako, at kinakain ko na ang pangatlo para akong bata na gustong gusto kumain ng ice cream.

Napatingin ako bigla kay Dale. At nakita kong tumatawa na sya. Problema neto.

Pinunasan nya ang gilid ng labi ko ng tissue. Shit! May dumi ako sa mukha dahil sa ice cream.

"Dahan dahan ka nga sa pagkain" natatawa nyang sabi

"Eh sa masarap yung ice cream eh!"

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.

Hinipo ni Dale ang likod ko. Sobrang init pala dito at pawis na pawis na ako.

"Basa na ng pawis ang likod mo, baka magkasakit ka na nyan" alala nyang sabi.

Pinunasan nya ang likod ko gamit ang panyo nya. Hindi ko maitagong kinikilig ako. Pakiramdam ko nga namumula na ako.

"Kylie halika na, magpalit ka muna ng damit" nakangisi nyang sabi

"Ayaw" pagmamatigas ko

Hinihila na nya ako pero nagmamatigas pa rin ako. Sinamaan ko sya ng tingin ako nakapag pout na lang ako sa kanya.

Wala na akong nagawa ng buhatin na nya ako. Hanggang ngayon naka pout pa rin ako sa kanya. Tiningnan nya ako.

"Diba sabi ko sayo, wag kang magpa-pout"

Hindi ko sya pinansin

"Halikan kita jan eh" natatawa nyang sabi.

Aba loko to ah hahalikan na naman nya ako. Aba hindi na pwede yan.

"You can't do that!"

"Yes I can" seryoso nyang sabi. Kahit kailan talaga napaka pilyo nya.

"San mo ba ako dadalhin ha?"
Pag iiba ko ng usapan baka mamaya halikan nya talaga ako eh.

"Magpapalit ka ng damit sa ayaw at gusto mo"

Binaba nya ako at nandito kami ngayon sa cr. Paano ako magpapalit, wala naman akong extra uniform.

Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now