CHAPTER 4: Ugly Ducklings

1.1K 26 0
                                    

Chapter 4: Ugly Ducklings

Kylezie's Point of View

---Flashback---

Nandito ako ngayon sa parking lot, nakasandal ako sa kotse ko. Papunta sana ako ngayon sa isang bench ng may biglang bumangga sa akin

"Anong problema mo ha?!" Maangas nyang sabi

"Pucha!! Ikaw ang may problema, gago ka!! Ikaw yung bumangga hindi ako!!" Galit kong sabi

"Bago mo ko sigawan, magtanong tanong ka muna sa paligid mo kung sino ako" mayabang nyang sabi

"Wala akong pakialam kung sino ka!!!" Matapang kong sabi

"Ikaw yung humarang sa dadaanan ko!!"

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatan dumaan dito ha?!"

"Kilala mo ba ako ha?!"

"Hindi ako interesado kung sino ka!!!"

"Anong nangyayari dito ha?!!" Sigaw ni Luke

"Luke, eto kaseng babaeng 'to haharang harang sa dinadanan ko!!"
Tumingin sakin ng masama ang lalaking nakabangga sakin

"Luke, kilala mo ba 'tong ugok na 'to ha?!!" Tanong ko sa kanya

"Oo kilala ko sya, sya si Blaze tropa ko" sambit ni Luke

Kilala ko si Luke dahil tropa sya ni kuya pero hindi ko kilala 'tong ugok na to

"Baka ikaw ang may kelangan malaman dito ha!! Ugok ka!!" Inis kong sabi

Tiningnan ko sya ng masama.

"Sino ba 'tong amazona na 'to ha Luke?!"

"Sya lang naman ang kapatid ng leader ng grupo natin"

Napanganga sya sa sinabi ni Luke

"Kaya wag kang aasta sakin kung sino ka !! Kilalanin mo muna kung sinong binabangga mo!! "

Umalis na ako dun dahil sa mga oras na 'to baka masuntok ko pa sya

----End of Flashback----

Hindi ko alam kung bakit sya naging mabait sakin, eh dati naman mortal enemy kami. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa amin dati mortal enemy kami pero ngayon nagmamahalan na kami.

....beep....
....beep....

"Matulog ka na, may pasok pa tayo bukas" napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Blaze

"Wag ka na mag alala, hindi ako sumama sa kuya mo at sa tropa"

Re-replyan ko na sana sya ng bigla syang tumawag. Sinagot ko na lang ang tawag nya.

"Hello?"

"Matulog kana, may pasok pa bukas"

"Pinapatulog mo ko tapos ikaw gising" natatawa kong sabi "Nag aalala ka lang sakin eh" dugtong ko pa

"Sige na, baka mapuyat ka pa, masama yon para sayo, kita na lang tayo bukas"

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga sinabi nya.

"Eto na nga po, tutulog na po"
Natatawa kong sabi

"Goodnight, ILOVEYOU" sa pangalawang pagkakataon napangiti na naman ako

"Goodnight"

"Bat walang I Love You?"

"Remind ko lang, hindi pa po official na tayo na "

"Wag kang mag alala, magiging akin ka din, malapit na, matulog ka na,
I Love You"

Binaba na nya yung cellphone nya. Hindi ko mapigilang mapangiti, oo kinikilig ako, para akong tanga dito na nagtatawa mag isa.

Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now