CHAPTER 9: Celebration

951 24 2
                                    

Chapter 9: Celebration

Kylie's Point Of View

Nag desisyon ang mag tropa na sa bahay nila Blaze mag ce-celebrate mamayang 7:00 ng gabi. Naghiwalay na kaming lahat. Si Ate at Blaze sila ang magkasama. Si kuya at si ate Athena magkasama rin sila. Syempre kami rin ni Dale. Pumunta na kami sa aming mga kotse. Kotse ni Dale ang ginamit namin. Sumakay na kami sa kotse at hinatid nya ako sa bahay. Si Luke lang ata ang hindi kinasal sa kanila eh.

Nasan kaya si Nathan?
Ikukwento ko na lang sa kanya ang nangyari.

Ilang saglit lang ay nakarating rin kami. Nauna sya bumaba at pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Susunduin na lang kita mamaya ha"

"Okay cge"

"Magpahinga kana muna"

Hinalikan nya ako sa noo.

"Sige salamat sa paghatid, ingat ka sa pag drive"

Nginitian nya ako. Sumakay na sya sa kotse na at umalis na. Pumasok na ako ng bahay.

"Hi mama"

"Oh anak bat naka gown ka?"

Oo nga pala hindi pa kami nakapagpapalit ng damit. Pagkatapos kasi ng kasal namin. Dumiretso na kami ni Dale pauwi.

"Ah wala mama, may event lang po sa school"

Buti na lang hawak hawak ko tong belo kaya hindi nya ako nahalata. Hahaha.

Umakyat ako sa taas at nagpalit ako ng damit.

"Mama ano po kayang susuotin ko?"

"San ka ba pupunta anak? Tsaka nasan ang kuya at ate mo?"

"Mama pupunta ako sa party" excited kong sabi

"Party?"

"OMG!! Mama kasal na ako!" Nakangisi kong sabi

Hindi ko na napigilan ang bibig ko whaaaaa!!!

"Kasal ka jan!" hindi naniniwala sakin si mama

Dapat ko bang sabihin yong tungkol kay kuya at ate? Yung akin na lang muna siguro. Sila na lang magsabi. Haha.

"Mama kasal na ako" pinakita ko sa kanya ang picture namin ni Dale.

"My Gosh baby! Kasal na kayo ni Dale!" Parang bata si mama alam ko na talaga kung kanino ako nagmana.

"Ikaw anak ha! Porket tatlong taon mo ng crush si Dale ha! Kaya ka ba pupunta sa party dahil kasal na kayo? Saan gaganapin?"

"Kayna Blaze mama" nakangisi kong sabi

"Mama booth lang naman po yan, hindi po totoo yon"

Lumungkot ang mukha ko

"Gusto mo talaga totoo anak ha?" Natatawang tanong ni mama

"Syempre naman mama, super crush ko kaya si Dale"

Binatukan ako ni mama pero mahina lang. Manang mana talaga kaming magkakapatid kay mama, pare parehas kaming mahilig mangbatok.

"Wag ka mag alala anak botong boto naman ako kay Dale eh"

"Thank you mama"

"Mag dress ka na lang anak"

"Cge po mama, mag aayos na po ako"

"Cge anak magpaganda ka ng sobra ha" natatawa nyang sabi

At dahil madalas na akong pinagsusuot ni ate ng dress. Nasanay na rin ako, dati kasi hindi ako nagsusuot ng dress eh.

Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now