CHAPTER 7: Trouble

907 24 0
                                    

Chapter 7: Trouble

Kylie's Point of View

Nandito kami ngayon sa open area
Ilang araw din ang nakalipas. At ngayon na magaganap ang event. Handang handa na ang mga booth ng mga estudyante. Andito kami ngayon at inaayos na ang aming booth. Ilang minuto na lang ang  natitira para makapaghanda kami. Tulong tulong kami sa pag ayos.

"Kylie okay na ba dyan" tanong sakin ni Samantha

"Oo"

"Okay guys the booth will start now"
Wika ng principal

Ang ingay ng mga istudyante puro,
Whooo!!! Yey!!! Ang naririnig ko sa kanila . Kakabingi tinakpan ko na lang ang tenga ko. Aalis na sana ako sa booth namin ng bigla  akong binangga ni Natalie. Halos matumba ako, ang lakas ng pagkakabangga nya sakin. Inaano ko ba sya ha?!!. Hindi ko sya pinansin, aalis na sana ako ng bigla nya akong hilahin.

"Where do you think your going?!" Mataray nyang sabi habang nakataas ang kilay nya

"Bitawan mo nga ako" sobrang higpit ng pagkakahawak nya "Inaano ba kita ha?!!" Inis na sabi ko

Tinulak nya ako ng malakas  dahilan ng pagtama ng hita ko sa matulis na bato. Malakas ang pagdudugo nito. Tiningnan ko ito at anlaki ng sugat ko. Ang lakas ng pagdudugo nya. Mahapdi ito pero hindi ko ipinakita kay Natalie na nasasaktan ako. Hindi ko ininda ang sakit  at tumayo ako mula sa pagkakadapa, aktong aalis na ako para makaiwas sa gulo. Pero hinawakan nya ulit ako sa braso ko.

"Hindi pa ako nakakaganti sayo remember?" Naalala ko na naman yung away naming dalawa.

"Natalie, bitawan mo nga si Kylie!!"
Seryosong sabi ni Blaze.

Pinagtitimbunan na kami dito.

Hinawakan ni Blaze ang braso ko

"Wag ka ngang mangealam dito Blaze!"

"Bibitawan mo sya o ako mismo ang makakalaban mo!" Galit na sabi ni Blaze

"Ano ba Blaze! Umalis ka nga!"

Nakaramdam na ako ng pag iinit ng katawan ko. Nagiging dragon na naman ako, nangyayari lang to tuwing nagagalit ako.

"Ako ng bahala dito Blaze, pabayaan mo na kami, ako ng bahala sa bruhang to"

"Sigurado ka ba?"

"Oo, sige na "

Umalis si Blaze samin. Pakiramdam ko'y tatawagin nya si kuya.

"Ano bang gusto mo ha!?"
Inis na sabi ko "Gusto mo bang tuluyan na baliin ko ang mga buto mo sa braso mo!?"

Hindi ko na naman makontrol ang sarili ko. Hindi ako to. Sa tuwing nagagalit ako hindi nakilala ang sarili ko at kagaya ng mga kapatid ko nagigi rin akong dragon.

"Sige subukan mo" mayabang nyang sabi

Hihilahin ko na ang braso nya ng bigla nya akong sampalin. Kapal ng mukha nya. Hindi ako nagpatalo at sinampal ko sya ng kaliwat kanan. Napahawak sya sa mukha nya.

"Ano bang problema mo ha?!" Inis na sabi ko

"Ikaw, ikaw ang problema ko!"

"Bakit ako ha!!?"

"Ang kapal ng mukha mong lumapit kay Nathan!!"

"Ano pa bang pakialam mo kay Nathan ha!? Break na kayo hindi ba?! Pinagpalit mo na sya! Kaya wag kang umasta na girlfriend ka nya!, sinayang mo sya Natalie! Ang laki mong gago para gaguhin si Nathan!"

"Wala kang alam Kylie!, kaya pwede ba layuan mo si Nathan!!"

"Malinaw na malinaw sakin, Natalie malinaw na malinaw sakin na iniwan mo sya!!"

Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now