Chapter 1: Yakap
Kylie's Point of View
Naalimpungatan ako dahil ginising ako ni mama
"Mom five 5 minutes pa inaantok pa ako eh" mama talaga makatulog nga ulit muna
"Tumayo ka na jan hinintay ka ng mga kapatid mo" hindi pa rin ako bumangon
Kinuha ko yung cellphone ko para
tingnan kung anong oras na nanlaki ang mga mata 6:00 am na"Ma bat ngayon nyo lang ako ginising" inis na sabi ko kay mama
"Kanina pa kaya kita ginigising dyan"
Agad akong bumama sigurado akong galit na si kuya ayaw kasi nun na matagal akong gumising
"Hoy bilisan mo malelate na tayo!!" sabi ko na eh
"Aga aga nagpapangsigaw" bulong ko sa sarili ko
"Ano yon!?" Galit nyang sabi
"Wala kuya sabi ko maliligo na ako " natatawa kong sabi
Habang papunta na ako sa cr binati ako ni ate ng nakangiti
"Goodmorning baby" ang lapad ng ngiti ni ate sa akin
"Goodmorning din ate" ngitian ko rin sya
Habang naliligo ako hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa antok
Nagulat ako bigla ng may kumatok ng malakas sa pinto ng cr parang masisira na sa sobrang lakas ng katok
"Kylie bilisan mo!!" nakakiinis talaga to'ng si kuya
Eto na nga po eh lalabas na
Kakainis talaga to'ng si kuya hindi marunong maghintay hindi tuloy ako nakaligo ng maayos"Kyle ano ba hayaan mo nga si Kylie!!" dinig ko yung sigawan nila sa labas
Grabe talaga to'ng mga kapatid ko parang aso't pusa kung mag away
Sa aming kasing tatlong magkakapatid si kuya ang pinakapanganay, sumunod si ate at ang bunso sino pa ba edi ako...Dali-dali akong umakyat sa taas para makapagbihis, agad akong bumama pagkatapos ko magbihis
"Eto na pala si Kylie eh sige mama alis na po kami" buti pa to'ng si ate hindi galit
"Buti naman naisipan pang bumaba nyan" inis na sabi ni kuya
"Kyle!!" Sabay na sinigawan nina mama at ate si kuya, buti nga hahahaha hinalikan naming tatlo si mama sa pisngi
"Bye ma" sabay sabay kaming nagpa alam
"Bye mga anak, Kyle ingat sa pag drive ha"
"Wag kang mag alala ma akong bahala " pagmamayabang ni kuya
Sumakay na kami sa kotse katabi ni kuya sa harapan si ate Kylezie
ako lang mag isa dito sa likodTahimik lang kaming nagbiyahe papuntang school
"Andito na tayo" excited na sabi ni ate
Bago ako bumaba binilinan muna nila ako
"Pagkatapos ng class sa canteen lang ang deretso" bilin ni ate
"Hoy wag kang lalapit sa mga lalaki ha" kuya overprotective talaga kahit kelan
"Pagkatapos ng klase mo punta ka na lang sa parking lot"
"Sige kuya" ngitian ko lang si kuya
Nauna na si ate sa class nya , hinatid muna ako ni kuya sa room nang makarating na kami, inulit na naman nya yung bilin nya
![](https://img.wattpad.com/cover/114168683-288-k850656.jpg)