A's E H 13

84.9K 1.3K 97
                                    


ZICHE

Nagpatuloy kami sa pagtatanungan, hindi ko alam pero nakokomportablehan na ako sa presensiya ni Heitor.

Simple lang ang mga naging tanong niya, kung anong gusto kong kulay, pagkain, saan ko gusto pumunta, ganun.

"Are you still studying angel? "

Dahil sa paglalaro namin, hindi ko na namalayan ang tagal ng biyahe.

"Opo. Pero baka matigil ako. D.. Dahil s..sa ginawa ni ninong. Kinuha niya po kasi yung manang pinamana ng mga magulang ko sa akin kaya wala na akong pantustos para sa pag aaral ko. "

Habang iniisip iyon, hindi ko mapigilang malungkot. Ayokong matigil sa pag aaral.
Pero iwinaksi ko naman agad ang bagay na yun at ako naman ang nagtanong.

"Umm.. Totoo po ba na.. pinuno kayo ng isang malaki at ilegal na organisasyon? "

"Yes angel. "

Napatahimik ako.

Hindi ko alam pero parang bumalik ang takot. Takot na baka katulad ng sinasabi nilang pagtrato niya sa mga babae ay gawin din niya sa akin.

"Are you afraid angel? "

Napayuko ako at mahinang tumango.

Alam kong nakita niya iyon dahil tumingin siya sa gawi ko bago uli ibinalik sa kalsada ang mata niya.

"Yes it is true. And I'm not just leading a mere underworld organization, angel. I'm a Mafia Lord. I've done so many illegal transactions and crimes. I also kill people.. who are against of what I want. And if you try to defy me.."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko parin.

Naiintindihan ko ang sinasabi niya.

"Of course I will not kill you. There is always an exception angel. And you.. "

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

Hindi niya ako papatayin?

"You are different angel.. I feel something about you. I feel like I want to protect you."

Doon ay napatingin ako sa kaniya.

Bakit parang pamilyar ata sa akin ang mga katagang yun?

Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanahimik ako pero nakatingin pa rin sa kaniya.

"We're here. "

Agad na napatingin ako sa destinasyon na narating namin.

At laking gulat ko nang makita ang isang napakalaking building na nagngangalang Hotel&Resto na siyang pinakamalaki at pinakamahal sa bansang ito. Ito rin ay isa sa pinakamaganda at malago sa buong mundo.

Ang restawrant dito ay napaka sikat dahil ang mga pagkain ay dito mo lang makikita at matitikman. Nag iisa lang din ito kaya kadalasan sa mga customer ay nanggaling pa sa ibang bansa para lang makakain sa resto nila.

Samantala ang mga kwarto dito ay talagang masasabi mong isang paraiso. Kompleto sa lahat. At talagang makokontento ka sa mga serbisyong inaalay ng mga tao dito sa mga bisita.

Pero kahit anong yaman mo pa, hindi ka basta bastang makakapag check in or makakapag reserve sa resto at hotel rooms nila.

Kahit ang presidente nga kailangan pang magpa appointment para makakuha ng reservation dahil talagang hindi ito pangkaraniwan.

Kaya nga, "Ano pong ginagawa natin dito? "

Tanong ko kay Heitor nang inakay niya ako palabas ng kotse niya.

Naramdaman ko naman agad ang pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko dahilan kung bakit napakagat ako ng pangibabang labi. Pero sa oras na ito, mahina lang ang pagkagat ko dahil ayokong sipsipin naman niya ang dugo kapag nagsugat ito.

Pero parang masusugatan talaga dahil napalakas ko ang pagkagat dahil naramdaman ko rin bigla ang hininga niya sa likod ng tenga ko nang yumuko ito.

Hindi pa kami nakakapaglakad at nandito parin sa parking lot ng building.

Makikita mo dito, napakaraming mamahaling mga sasakyan.

"Angel, cut that 'po' okay. I am not your daddy so don't speak to me like that. But I don't mind you calling me daddy... baby girl. "

Ramdam ko na parang biglang nanginit ang mukha ko.

"Cute."

Napatingin ako sa kaniya.

Doon ko lang rin napagtanto na talagang napaka tangkad niya dahil talagang nakatingala ako para lang makita ang mukha niya habang siya namay nakayuko para rin matignan ako.

Hanggang kilikili niya lang ako.

Nang matignan ko siya, doon ko unang napagtanto ang sinasabi nilang paruparu sa tiyan.

Ganito pala ang pakiramdam.

Nakangiti na naman siya na pangalawang beses ko ng nakita.

At uli, napatameme na naman ako.

Alam kong pruweba na ang mga napakaraming babaeng naglalaway sa kaniya. Tanda ng isang pagiging makisig nito.

Pero sa mga sandaling ito, nakikita ko ang bawat parte ng mukha niya dahil sa lapit ng pagtititigan namin.

Mga parte na parang inukit ng isang Diyos. Diyos ng impyerno.

Napaka perpekto ng bawat detalye. Walang mapipintas.

Talaga bang ito ang sinasabi nilang pumapatay? Ang binansagang demonyo? Ang isa sa pinakawalang puso, awa at napakasama?

Bakit parang hindi ko ito nakikita sa kaniya?

Bakit sa mga mata ko, isa siyang anghel na nakabalot lamang ng itim na liwanag?

"Angel, you.. staring at me like that. Do you want me to claim you right here, right now? "

Napakurap ako.

"H.. Hu.. "

Ngunit napatigil ako nang sa ikalawang pagkakataon din, naramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumikit sa labi ko.

Pero hindi ito dumikit para sumipsip ng dugo dahil sinigurado kong hindi ko na susugatan ang labi ko sa pagkagat.

Ramdam ko ang labi niya sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw ito at dinilaan ang nakatiklop kong mga labi.

Sa ibaba at taas, dinilaan niya iyon hanggang sa nakaramdam ako na parang sinusundot ng dila niya pabukas ang mga labi ko.

Wala sa sariling bumuka ito at halos matumba ako sa panginginig nang ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko saka ito ginalugad.

Kung hindi dahil isang braso niyang nakapulupot sa bewang ko, panigurado ang pagsalampak ko sa sahig ng parking lot na ito.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ba ang lumipas, naramdaman kong parang nauubusan na ako ng hininga pero patuloy parin si Heitor sa paggalugad ng bibig ko. Ramdam ko ang paglalim nito. Palalim na palalim. Nakakalunod. Hindi ako makahinga.

Sinubukan ko siyang itulak pero ayaw niya. Bakit ayaw niyang tumigil?

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil parang mahihimatay na ako sa kawalan ng hangin.

Ganito ba niya pinapatay yung mga babae niya?

Angel's Evil HusbandWhere stories live. Discover now