A's E H 7

92.1K 1.5K 27
                                    


ZICHE

Ilang minuto lang ang lumipas nang umalis si Mr. Heitor nang pumasok ang limang babae na naka maid outfit. Ang isa sa kanila ay matanda na at may tulak tulak na cart na nilalagyan ng mga pagkain. Ang apat naman ay parang nasa dalawa o tatlong taon lang ang agwat sa akin. Magaganda din sila.

Pero sino sila?

"Good evening My Lady."

Sabay sabay na bati ng lima habang pantay na nakalinya at yumuko sa kin. Nakaupo ako ngayon sa gilid lamang ng kama at nagulat sa ginawa ng nila.

"A.. Ahh.. Ziche nalang po itawag niyo sa akin. "

Pag suway ko dito. Bakit My Lady ang tawag sa nila sakin? Eh pinambayad utang lang naman ako ng ninong ko.

"Lady Ziche, ito na po ang mga pagkain. Pagkatapos ay silang apat ang mag aasikaso sa iyo. "

Napatanga si ako.

"Umm.. Hindi na po. Ako na na po ang bahala sa sarili ko. Iwan niyo na lang po ang pagkain dito. "

Sambit ko. Hindi ako sanay na may mga taong umaalalay sa sakin.

"Pasensya na Lady Ziche. Utos ito ng amo namin. Kami naman po ang mananagot kapag sumuway kami. "

Ang matanda ulit.

Aangal pa sanako pero sinenyasan na ng matanda ang apat na babae. Tumango naman ang apat at dumeretso sa isang pinto. Naiwan ang isa sa apat na iyon habang ang matanda ay inaayos ang mga pagkain sa mesang hindi ko alam na meron pala dito.

Napakalaki ng kwarto ito. Sa sobrang laki ay halos kompleto na rin ito. May dining area, living area at isang mini bar. Sa palagay ko rin ay bathroom iyong pinuntahan ng tatlo.

"Lady Ziche, ako nga pala si Zelle."

Pagpapakilala ng isang nagpaiwan.

"H.. Hi."

Kita kong may sasabihin pa sana si Zelle nang tinawag na ako ng matandang katulong. Tumayo ako pero inalalayan ako ni Zelle papunta sa dining area na yun.

"Umm.. Ano pong pangalan niyo? "

Tanong ko sa matanda. Gusto kong magpasalamat sa paghatid niya ng mga pagkain at pag aayos nito.

"Emily Lady Ziche. "

Napangiti ako nang nginitian ako ni manang Emily.

Kaagad na pinaupo na ako ni Zelle at iniabot sa akin ang mga pagkain. Tinulungan din niya akong maglagay sa plato ko.

Sinusuway ko siya na hindi na kailangan at kaya ko naman pero palagi niyang dinadahilan na malalagot siya sa Boss nila. Pinabayaan ko nalang.
Di nagtagal ay natapos na akong kumain, siya namang paglabas ng tatlo sa pintong pinasukan nila kanina.

"Lady Ziche, sila nga pala sina Narlene, Charice at Winona. "

Tukoy ni Zelle sa tatlong katulong. Ngumiti sila sa akin kaya ginawaran ko rin sila ng isang napakalaking ngiti.

Ang babait naman nila.

"Lady Ziche, tapos na po ang paghahanda namin ng paliliguan mo."

Ang pagbibigay alam ni Winona.

Nahihiyang nagpasalamat ako sa kanila at pumasok na sa CR. Sasabay pa sana sila nang pigilan ko ang apat.

"Umm.. Hindi kasi ako sanay na may ibang tao pag naliligo ako. Wag kayong mag aalala. Kaya ko naman talaga ang sarili ko. "

Laking pasasalamat ko nang pumayag sila.

At doo'y sinimulan ko na ang paglilinis ng katawan ko.

**

THIRD PERSON

Habang naliligo si Ziche, nasa labas lang ang apat na katulong. Ang matanda nama'y matapos ligpitin ang mga pinagkainan ay kaagad na itong umalis.

"Kita niyo yun? Ang gaga, nagmamalinis. Eh alam naman nating chinak chak (nagsearch ako kung anong tagalog ng fuck tapos nakita ko ang term na to xD grabelng) na siya ng amo natin. Hmmp! "

Umiikot ang mga mata na sambit ni Winona.

"Pero himala ah at buhay pa siya ngayon. Siguro magaling siya sa kama kaya hinahayaan siya ni Lord Heitor at talagang ipinaasikaso pa sa atin! Arrrggh! Oo nga at maganda siya, may mala anghel na pagmumukha pero napakalandi naman pala!"

Si Charice naman na sumang ayon kay Winona.

"Ano ba yang pinagsasabi niyo? Hindi niyo ba narinig kung paano siya tinawag ng amo natin? 'my Angel' daw! Alam naman natin na hindi basta basta nangaangkin si Lord Heitor."

Si Narlene na may inis sa mukha.

Naiinis siya dahil kanina habang pinagmamasdan si Ziche, nakita niya ang mga katangian na wala sa mga babae noon ng kanilang Lord Heitor. Totoo ang kilos nito. Banayad kung magsalita. Ang mga mata nito ay talagang nagpapakita ng pasasalamat sa kanila dahil sa pagtulong nila sa kaniya. Sa ilang taon nilang pagtratrabaho dito sa mansiyon, lahat ng pinagsilbihan nila, mga tauhan man o bisita, walang nagpapasalamat. Si Ziche lang. Ramdam ni Narlene na mabait nga ito.

"Narlene, narinig mo na ba yung kasabihang 'Looks can be deceiving'?"

Argumento parin ni Winona. Hindi siya naniniwala na inangkin (not in a sexual way ok? Yung literal) na nga ng Lord nila ang babaeng yun.

"Awat na nga kayo. Kung talagang minarkahan na ni Lord Heitor si Lady Ziche, wag na kayong magtangkang galawin siya. Kilala niyo ang panginoon ng mansiyong ito. Alam niyo kung ano ang pwede niyang gawin. "

Si Zelle na seryosong binabalaan ang dalawa, sina Charice at Winona. Alam niya ang paguugali ng dalawang ito dahil sabay sabay silang pumasok sa mansiyong ito at matagal ng magkaibigan.

Inirapan lang siya ng dalawa.

Hindi nagtagal, natapos na sa paliligo si Ziche. Nang makalabas sa pinto ng CR na nakatapis lamang ng isang puting bath robe na nakita niya sa loob, kita niyang nandodoon pa rin ang apat. Ang mesa naman na pinagkainan niya ay malinis na.

"Lady Ziche, ito po ang susuutin niyo. Utos ng Lord Heitor na pagkatapos mong maglinis ay dumeretso na po kayo sa pagpapahinga. "

Ani ni Zelle habang iminumuwestra ang isang puting night gown na may mahabang manggas at hanggang tuhod lamang ang taas.

Napangiti si Ziche sa apat at yumuko habang nagpapasalamat.

Lumapit sa kaniya sina Zelle at Narlene. Akala niya'y ibibigay ni Zelle ang night gown na susuotin niya pero laking gulat na lamang ni Ziche nang hubarin ni Narlene ang bath robe niya.

"Haha! Ang cute mo Lady Ziche. Wag ka ng mahiya, mga babae din naman kami. "

Natatawang sambit ni Narlene habang pinagmamasdan ang namumula sa hiyang magandang mukha ni Ziche.

Napaisip siya, 'Kaya siguro inangkin ito ng amo nila dahil isa nga itong anghel. Nice combination. Isang anghel at demonyo. Kawawa nga lang ang anghel. '

Alam niya kung paano tratuhin ng Lord Heitor ang mga pagaari nito. Iniingatan dahil may halaga ito sa kaniya. At kapag wala na, hindi niya lang basta basta ito itatapon. Sisiguraduin niyang wala na ring maghahalaga sa bagay na yun.

Sa ngayon, naniniwala si Narlene na talagang inosente si Ziche. Pero naaawa siya dito. Sa kung ano ang kahihinatnan ng anghel sa piling ng isang demonyo.

Angel's Evil HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon