A's E H 11

84.4K 1.3K 20
                                    

ZICHE

Nagulat ako nang mapag alamang may elevator pala sa mansiyong ito. Kaya naman pala wala akong nakitang hagdan nung minsang sinubukan kong tumakas at nauwi pa sa panganib ang buhay ko.

Ngayon ay kinakabahan ako habang nakatingin sa screen kung saan ipinapakita kung nasaang floor ka na. Nagulantang nga ako nang makita kong nasa itaas na bahagi ang kwarto ko.

Nang sa wakas ay tumunog na ang elevator, tanda na naabot na namin ang lugar kung saan daw nag hihintay si Mr. Heitor sa akin.

Kanina nang pinasuot nila ako ng makikinang na kasuotang ito, hindi ko mapigilang mailang hanggang ngayon. Pakiramdam ko kunting galaw ko lang ay baka mahulog o may mabasag na mga kristal na nakasabit sa damit. O baka magasgasan ang mga alahas na nagbibigay din ng di pagkakomportable sa akin.

Wala naman akong magawa para pigilan sila dahil ang dahilan din nila ay 'utos ng Lord Heitor.'

"Angel.."

Nabalik sa reyalidad ang pagiisip ko nang marinig ang pamilyar na malalim na boses na iyon.

Namula ako nang maalala ang ginawa niya sa akin.

Hindi ko naman namalayan ang isa pang lalaki na kasama ni Mr. Heitor.

Iyong apat naman na nag ayos sa akin ay matapos bumati kay Mr. Heiton, agad silang umalis.

"Lior. If you really love your eyes, better stop staring to my angel or I'll pull it out myself."

Gulat na napatingin ako sa lalaking tinawag niyang Lior kasabay ng isang braso na pumulupot sa bewang ko.

"Don't fcking look at him angel. Your sight are only for me. If I ever caught you again looking at  other men, trust me, you will not like what I'm gonna do to that beautiful doe eyes of yours."

Napalunok ako habang ramdam na ramdam ng nakalantad kong leeg ang mainit na hininga niya dahil sa kalapitan ng mukha nito nang ibinulong ang mga katagang iyon.

"O... Okay Mr. Heitor.. "

Nagparte ang labi ko nang bigla, hinigpitan ni Mr. Heitor ang pagkakahapit sa akin. Mas lalo din nitong inilapit ang mukha hanggang ramdam ko na ang maliliit na pagdampi ng labi niya sa leeg ko.

"Call me Heitor angel.."

"H.. Heitor.. "

"Fuck."

**

THIRD PERSON

Kitang kita ni Heitor kung paano mas namula ang mukha ng anghel na nasa mga bisig niya.

Pakiramdam niya, isa pang hila ay hindi na niya makakaya pang kontrolin ang demonyong nasa loob niya na nagwawala na. Labis na hinahangad nitong markahan ang anghel upang malaman ng lahat na may nagmamay ari na sa anghel na ito.

Kanina lamang nang mapansin ang tauhan na si Lior na tinititigan nito si Ziche katulad ng pagtitig niya dito, parang biglang tumubo ang sungay niya at kung may dala lamang siyang baril at kung wala si Ziche dito, hindi siya magaatubiling barilin ito mismo sa dalawang mata.

Nadagdagan pa, nang inosenteng tumingin din ang kaniyang anghel kay Lior. Walang alam ang babae na pagkakita sa kaniya'y nakaramdam ng kakaiba si Lior.

Ngunit dahil sa banta ng boss, pinilit niya ang sarili na iwaksi ito at umalis na dahil wala narin naman siyang kwenta doon.

Doon lamang napanatag si Heitor at patuloy na tinutudyo si Ziche.

Napakaganda nito ngayon. Parang sa pagiging anghel ay naging dyosa.

Noong marinig ni Heitor ang napakalambing na boses nito na binibigkas ang pangalan niya, hindi niya mapigilang mapamura.

Ngunit sa matinding pagpilit, napigilan niya ang sarili na halikan uli ito dahil ayaw niyang takutin ang anghel niya. Ayaw niyang lumayo ito at magtangka na namang tumakas.

"S.. Saan tayo pupunta H.. Heitor? "

Ngayo'y inaakay niya si Ziche papunta sa parking lot ng mansiyon.

Hindi niya ito sinagot at nang marating ang napakagara at mamahaling sasakyan, inalalayan niya lamang ang babae na makasakay sa loob ng front seat.

Hindi naman na nagtanong pa si Ziche dahil baka mairita niya si Heitor kaya't ibinaling na lamang niya ang atensiyon sa loob ng magandang sasakyan.

Hindi niya mapigilang mamangha.

Nang makapasok na si Heitor sa driver seat, nagsisimula ng magdilim ang langit kaya't walang ano ano'y pinaharurot na niya ang isa sa pinakamamahaling sasakyan sa buong mundo.

Angel's Evil HusbandWhere stories live. Discover now