A's E H 3

98K 1.9K 20
                                    

*ZICHE*

Naghintay ako ng isang masakit na pagtama ng palad sa pisngi ko o isang mahigpit na sakal. Pero ni isa ay walang nangyari.

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero natatakot ako sa kaniya. Sobrang lapit niya. Di kaya, babarilin din niya ako sa noo katulad ng ginawa niya sa tatlong lalaki?

Napalunok ako kasabay ng panginginig ng katawan ko.

Baka naman isasali nga niya ako sa mga babaeng ibebenta?

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang isang mahinang haplos sa brasong hinahawakan ko parin. Hinahaplos niya ang braso kong may pasa. Gusto ko sanang ilayo ang kamay ko nang makita kong may inabot siya sa isang maliit na stand na nasa gilid ng kama. Puputulin niya ang kamay ko?

Nanlaki ang dalawa kong mata at kaagad na iwinaksi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

Sa oras na yun, binuksan niya ang cabinet ng stand at may dinukot na kung ano.

Napatingin ako sa pinto na pinasukan niya at nakita kong hindi ito naka lock o nakasara man lang. Wala ring mga bantay.

Napatingin ako uli kay Mr. Heitor nang hawakan niya ang braso ko at napangiwi sa sakit dahil may kalakasan ng diin ang pagkakahawak niya.

Pero nang makita ko ang mga mata niya, gusto kong maiyak. Kita doon ang galit. Ramdam ko ang biglang paglamig ng paligid.

Papatayin niya ba ako?

"M..Mr. Heitor.."

Laking gulat ko na lang nang may ipinahid siya sa braso ko.

"This will ease the pain."

Malamig pero parang may nahihinuha akong lamyos nang sabihin niya yun.

Hindi ko alam kung ito na ba talaga yung tunay na panaginip.

Kilala si Heitor Zacarias bilang demonyo at walang pake sa kahit ano maliban na lang sa mga pag aari niya. Pero anong nangyayari ngayon?

Tahimik lang akong nakayuko habang patuloy ang pagpahid niya ng ointment pati na ang sa kabila kong braso ay pinahiran niya. Wala akong mababakas na kasamaan.

"Angel.. I know you are not the Olvedo's only daughter."

Doon ay napaangat bigla ang tingin ko sa kaniya habang nakanganga.

Alam niya?

Ibabalik ba niya ako kina ninong? Kukunin niya ba ang tunay na anak ni ninong?

Naalala ko bigla ang mukha ni Sera. Ang anak ng ninong ko na siyang dapat nandidito. Maganda si Sera. May pagka spoiled pero bata pa lang naman siya. Kahit isang taon lang ang agwat namin at walang ano mang relasyon ay tinuturing ko parin siyang parang nakakabata ko ng kapatid. Dahil katulad niya, mag isang anak lang din ako ng mga magulang ko.

At kung iyon nga ang gagawin niya, hindi ko kakayanin kung mabubuhay akong tahimik sa kaalamang sasapitin ni Sera kapag siya ang nandidito.

Alam ko kung gaano ka mahal ni ninong ang anak nila. Alam ko kung gaano niya mas piniling iligtas ang kinabukasan ng anak niya at piniling ako ang mapunta dito.

Naiintindihan ko.

Wala na din namang mga taong malulungkot kung sakaling may mangyari sa akin. At kahit papaano, naramdaman ko rin naman ang pagmamahal ng pamilya ni ninong kahit na pagpapanggap lang.

"Mr. Heitor. Gagawin ko po lahat ng gusto niyo, pabayaan niyo na lang po ang anak ng ninong ko. Handa po akong pumalit sa kaniya para mabayaran ang utang ng ninong ko sa inyo."

**

THIRD PERSON

"How kind hearted.. You really are an angel."

Nagulantang si Ziche sa biglang pagdantay
ng dalawang maiinit na palad ni Heitor sa magkabilang pisngi ng ngayo'y umiiyak na babae.

Mahina ang pagpahid ng hinlalaki nito sa mga luhang tumutulo.

Nagagalak man sa sinabi ng anghel, sa mga mata niya kita ang isang panunuya.

'They tricked her to save their own daughter. Do they really think I will not do anything about this matter? But because of my angel's favor, I think for the first time, to let those bartards pass.'

"Now.. Now.. Now angel. Tell me your name if you really want to do everything, anything?"

May ngising nakapaskil sa labi niya habang nagsisimulang pumapasok sa isip ang pwede niyang gawin sa anghel na kusang pumasok sa inihanda niyang kulungan para dito.

"Z.. Ziche Vides po."

Sambit ng dalagita habang pilit iniiwas ang tingin dahil iniharap na ngayon ng lalaki ang mukha niya sa nakakademonyong kagwapuhan nito.

Dahil doon, hindi niya nakita ang pag itim ng mga mata nito dala ng pag init ng pakiramdam.

Habang pinagmamasdan ang nahihiya at namumulang mukha ng babae, hindi naman mapigilan ni Heitor ang makaramdam ng init.

'Mmmh. This is the first.'

Ito'y dahil kadalasan, mga babae ang hinahayaan niyang bumuhay sa init ng demonyong nasa loob niya at kailan ma'y wala pang babae ang nakapagpabuhay ng init na ito kahit walang ginagawa.

Hindi niya mapigilan ang sariling bigla bigla itong hapitin at inilagay sa kandungan niya. Kita niya ang panlalaki ng napakagandang bilog at itim na itim nitong mata.

'Such an innocent girl..'

"Okay. I'll not do anything."

Bulong nito sa tenga niya.

"Then you will be the one to do everything I want you to do for me. Is that clear Ziche?"

Ramdam ni Ziche ang mainit na hangin nito sa kaniyang tenga nang maramdaman din niyang bigla nitong idinikit ang labi sa likod ng tenga niya saka nakangising bumulong, "But I prefer to call you angel.. "

Angel's Evil HusbandHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin