A's E H 5

89.8K 1.6K 114
                                    

ZICHE

Pikit na pikit ang mga mata ko nang dahang dahang lumalapit sa akin ang tatlong lalaki. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ang pagtakbo ko sa kwartong iyon at hayaang patayin ni Mr. Heitor o talagang magsisisi dahil mas malala naman ang kinahinatnan ko ngayon.

Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?

Bakit ganito ang nangyayari sa akin?

Napahagulgol ako habang iniisip ang ugat ng pangyayaring ito. Gusto ko mang sisihin ang ninong ko, hindi ko alam pero hindi ko magawa dahil mas nananaig sakin ang pakiramdam na kahit papaano'y sila pa rin yung nag aruga at gumabay sa akin noong mga oras na nag iisa na lamang ako. Na kahit pakitang tao lamang ang iginawad nila at kahit na dinaya nila ako upang manakaw nila ang yaman ng mga magulang ko, hindi ko parin magawang magalit.

Naniniwala at isinasaisip ko parin ang mga payo ni mama at papa na ang pagtatanim ng galit ay magdudulot lang ng mas malala at hindi mabuting epekto sayo.

At ang pera ay pera lang.

"Hahahhaha! Miss, wag ka ng matakot. Hindi naman kami magkasing halimaw ng Boss namin."

"Oo nga Miss. We will be gentle! "

"HAHAHAHHAHA! "

Pinapalibutan na nila ako at parang mga baliw na tumatawa.

Nang bigla,

"Do not worry too f*ckers. I will slowly kill the three of you with a touch of my gentleness. And you will also taste how much of a monster I can be."

Umalingawngaw ang napakalalim at napakalamig na boses na iyon. Ramdam ang pagkakadiin ng bawat salita at ang dalang kilabot nito sa kung sino man ang nakarinig.

Sa isang iglap lang, lumayo sa akin ang tatlong lalaki na para bang takot mahawaan ng isang nakakahawang sakit na meron ako.

Nanatili akong nakasalampak at umiiyak habang nanginginig nang maramdaman ko ang sarili kong umangat dahil sa matigas na mga braso.

Dahil sa takot, kaagad akong nagsumiksik sa kung sino mang nag angat at kumakarga ngayon sa akin. Mahigpit rin na kumapit ako sa suot nitong damit. Takot na baka iwan niya ako sa tatlong lalaking iyon.

"Shh.. Angel.. I'm here now. They will not touch you. I will not let them ok? I will not let them get away from this."

Ibinaon ko lang ang mukha ko sa leeg niya at hinigpitan ang pagkakapulupot ng mga kamay ko dito.

Gusto kong kumain.

**

ZICHE

Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ko ang paglalakad niya.

Naguguluhan ako.

"I want to kill you.. Torture you.. "

Nasa isip ko parin ang mga katagang sinabi niya pero sa mga oras na ito, wala akong maramdamang takot. Siguro mas nananaig ang takot ko sa tatlong lalaki na iyon at dahil siya ang nagligtas sakin, naibsan ang takot na nararamdaman ko rin sa kaniya.

Napaangat ang paningin ko at tinignan ang lalaki na siyang nagsasabing gusto niyang patayin ako at pahirapan pero ngayon nama'y iniligtas ako at tinuturing na parang babasaging bagay. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko siya kilala.

Sa pagtitig ko sa mukha ni Mr. Heitor, naalala ko ang pinagsasabi ng mga lalaking iyon tungkol sa mga babae.

Mas mabuti pang sa paraan ng pagpatay ni Mr. Heitor na lang ako mamatay kay sa ng mapunta sa kamay ng tatlong lalaking iyon.

"I will make them pay for scaring and planning to rape you."

Seryosong pagkakasabi nito habang nakatingin sa harapan at di sa akin.

"It should be only me angel. The first time I saw you, I have already made you my captive. My angel. So only I has the right to inflict pain, fear and pleasure to you. "

Sa wakas ay ibinababa nito ang paningin at tumitig sa kin.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Samantalang ang tatlong mga lalaki ay hindi ko narin nalaman kung ano man ang nangyari sa kanila. Nakapokus lamang ang atensiyon ko sa kakaibang ipinapakita ngayon ng demonyo sa akin.

Nang makapasok, dahan dahan niya akong ipinahiga sa kama. Pumatong siya sa akin pero wala akong maramdamang bigat.

Ang kaninang napakalakas at bilis na tibok ng puso ko ay mas nadadaragdagan pa ngayon. Sobrang lapit niya sa akin.

Napalunok ako nang matitigan ang nandidilim niyang mga mata.

Anong nangyayari sa kaniya?

Galit ba siya?

"Angel.. I still want to kill you, torture you.. But not in a way that you think it is. I want to kill you with pleasures and torture every inch of your soft body with my lips."

Napakurap ako sa mga sinasabi niya.

Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan.

Anong ibig niyang sabihin?

Nakita kong dahan dahan ay ibinababa niya ang ulo niya palapit sa akin.

Nang bigla ay rinig na rinig ang isang di kalakasang tunog ng nagugutom na tiyan.

Gusto ko na talagang kumain.

Angel's Evil HusbandWhere stories live. Discover now