A's E H 2

104K 1.9K 16
                                    

THIRD PERSON

Sa opisina ng mansiyon niya, ay nakaupo si Heitor Zacarias sa swivel chair na nasa gitna ng kwartong iyon kasama ang babasaging mesa na tinatambakan ng mga papeles habang seryosong pumiperma ng mga importanteng dokumento.

Napatigil lamang siya nang marinig ang katok sa pintuan at pumasok ang isa sa mga tauhan niya na inatasan niyang maningil kay Mr. Olvedo.

"Boss, nandito na po ang anak ni Mr. Ovledo."

Napangisi si Heitor. Hindi niya inaakala na talagang ibibigay ng matandang si Mr. Olvedo ang pinakamamahal at inaalagaan nitong anak. Sa pagkakaalam niya'y tinuturing niya itong prinsesa dahil nag iisang anak lang nila ito ng asawa niya.

'But business is a business.'

Sa isip ni Heitor. Napakalaki ng utang ni Mr. Olvedo sa casinong isa sa pagmamay ari niya. Araw araw itong nagsusugal at nangungutang ngunit araw araw din naman itong natatalo. Nang siningil na ito ng mga tauhan niya, hindi ito makapagbayad dahil sa kawalan ng pera. At dahil isa sa suki ng casino niya si Mr. Olvedo, pinatawan niya ito ng pitong taon upang makapaghanap ng pambayad sa dalawang bilyon nitong utang. At sa oras na hindi pa rin siya makabayad, ang anak niya ang kukunin nila. Hindi pumayag ang matanda at nangakong sa paglipas ng pitong taon ay mababayaran nila ang utang.

At ngayong lumipas na nga, hindi nila nabayaran, at talagang anak nila ang kanilang ipinadala.

"Let her in."

Pinagmasdan niya ang babaeng nanginginig at umiiyak habang marahas na tinulak ng dalawang tauhan pa niya.

May kung anong umusbong sa loob niya at sa walang ekspresyong mga mata ay saglit na dumaan ang galit pero nawala din naman.

"Boss, isasali ba natin siya sa mga ibebentang babae?"

Ang makipot at mapulang labi ng lalaki ay normal na nakatiklop lang ngunit nang makita ang pagmumukha ng babaeng sinasabing anak ni Mr. Olvedo nang inangat nito ang ulo upang tignan siya, nakita niya ang pagmamakaawa sa napakaganda nitong mga mata na punong puno ng luha. Ngunit kaagad din namang yumuko ang babae at mas lalo pa itong nanginig at umiiyak.

"She is Mr. Olvedo's daughter? "

Mas malamig ang pagkakasambit niya ng mga salitang iyon.

"Yes Bo--"

At sa isang iglap lang, umalingawngaw ang putok na magkakasunod sunod sa kwartong iyon kasabay ng paglagapak ng mga katawan ng mga walang kwenta niyang tauhan.

Walang pagaatubiling ibinalik niya ang baril na nanggaling sa tagiliran niya at pinagmasdang mabuti ang babaeng ngayon'y kita ang pagkagulat, takot at bigla sa mala anghel nitong mukha.

Umangat ang gilid ng labi ni Heitor sa napag alaman.

'Did that Olvedo really think I'm a fool? Sending someone to replace their daughter's place?'

Tumayo si Heitor at dahan dahang naglakad palapit sa bumagsak na anghel.

'This little girl.. I don't know how and why but she happens to capture the attention of my inner demon. I want her. I want this angel.'

**

ZICHE

Nagising ako sa isang masamang panaginip na may mga baril na nagpuputukan. Napakaraming patay na tao at isang demonyong naghahabol sa akin.

Ramdam ko ang tumutulong pawis sa buong mukha ko at ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Sa panaginip ko, si Heitor Zacarias ang humahabol sa akin habang may dala dalang baril.

Ewan ko kung matatawa ba ako. Bakit ko naman siya mapapanaginipan? Hindi naman kami magkakilala. Sa panaginip ko rin ay pinambayad daw ako ni ninong sa utang niya sa organisasyong pinamumunuan ni Mr. Heitor Zacarias.

Ang wierd ng panaginip ko.

Nakahiga pa rin ako sa nakakapagtakang sobrang lambot na kama ko. Hindi naman ganito kalambot ang kama ko ah?

Habang nakatitig sa kisame, nangunot ang noo ko nang masilayan ang di pamilyar na kulay. Sa pagkakaalam ko, kulay dilaw ang kisame at kahit ang dingding ng kwarto ko.

Bigla ay sumagi sa isip ko ang napaginipan ko at napabangon bigla.

Inilibot ko ang paningin habang ang kumakalma kong puso'y bumibilis na naman ang pagtibok.

Hindi ito ang kwarto ko.

Nasaan ako?

Ininspeksiyon ko ang buong katawan ko at nang makita ang napakapangit na kulay violet sa magkabila kong braso, nanigas ang buo kong katawan.

Sa panaginip ko, may dalawang bruskong lalaki ang marahas na humawak sa magkabila kong brasong ito bago itinulak papasok sa kwarto kung nasaan si Mr. Heitor Zacarias.

Nagbabadya ang mga luha ko habang isa isang bumabalik ang mga alaala na akala ko, masamang panaginip lang.

"You're awake."

Napakagat ako ng pangibabang labi nang marinig ang pamilyar na malalim at malamig na boses na yun.

Hawak ko ang kaliwa kong braso nang maramdaman ang presensiya ng lalaking iyon sa gilid ng kama.

"What's your name angel?"

Gusto kong lumayo sa kaniya nang umupo siya sa kama. Nakita ko ang pag angat ng kamay niya kaya napapikit ako.

Sasampalin ba niya ako?

Sasakalin?

May sabi sabi na wala siyang awa kahit sa mga babae. Oo nga at maraming nahuhumaling na mga babae sa kaniya pero parang baboy naman ang trato niya sa kanila.

'Why? Why can't this remain a nightmare? Why can't it all be just a nightmare?'

Angel's Evil HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon