A's E H 8

90.5K 1.5K 31
                                    


ZICHE

Matapos nila akong bihisan, agaran na rin nila akong pinagpahinga.

Hindi na ako umangal pa dahil ramdam ko na rin ang pagod.

Sa mga oras na ito, ako na lamang mag isa sa kwartong ito. Pagod ako pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero natatakot ako. Madilim dahil patay na ang ilaw. Kapag pinipikit ko naman ang mga mata ko para matulog, nakakarinig ako ng mga putok ng baril, ng mga nakakakilabot na tawa, mga patay na tao. Hindi ako makatulog dahil naaalala ko ang mga nangyari sa araw lang na ito.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Una kong nasaksihan ang pagpatay ng tao, una kong naranasan ang karahasan. Ngayon lang ako nakadanas ng ganitong pangyayari. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Hindi ko alam kung makakaya kong manatili dito at kakayanin to.

Hindi ako sanay sa mga ganito. Hindi ko gusto ang ganito.

THIRD PERSON

Sa pagiisip ay di na namalayan pa ni Ziche ang maiyak hanggang sa nakatulog ito.

Samantala, matapos ang mga pagyayari sa piitan agad na lumisan doon ang demonyo. Nakatanggap naman ng tawag si Heitor mula sa isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan.

Si Lior Manjarrez.

"Boss kailangan ka dito. "

Nang marinig ang sinabi ni Lior, mas lalong lumamig ang mga mata ni Heitor.

"Are you really that weak Lior, you can't even handle such small shits. Useless."

Walang emosyong sambit nito sa kabilang linya. Nasa opisina na siya ngayon habang tinitignan ang mga updates ng pagaaring kompanya niya at ng pinamumunuang organisasyon.

Inaasahan na niya ang pagtawag ni Lior nang makita ang isang partikular na lugar kung saan nakabase ang mga kinakalakal na mga illegal na baril at kagamitang pampasabog.

Russia.

"Grabe, grabe! Sakit mo magsalita boss ah! Ikaw kaya dito boss tas ako naman magbubuhay panginoon dyan? "

"What? "

Kung ibang tao pa lang ang may lakas ng loob na pagsabihan siya ng mga salitang iyon, sinisigurado na niyang patay lahat ng angkan nito maging sa pinakahuli-hulihang henerasyon.

"Ay! Wala boss! Sabi ko po, ang gwapo ko lang."

"....."

Ilang minutong katahimikan.

"Boss, umaarangkada na ang Avitia."

Sa mga oras na ito'y seryoso na ang tinig ni Lior.

"Percentage? "

"Pitumpu't limang porsyento boss."

Ang tinutukoy na porsyentong ito ay ang danyos o pagkalugi ng transaksiyong naganap.

"Prepare."

"Ayown! Yess boss!"

**

ZICHE

Lumipas ang dalawang linggo matapos ang puno ng pangyayaring unang araw ko sa mansiyong ito. At simula din ng araw na yun huli kong nakita si Mr. Heitor. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o kung anong nangyari sa kaniya.

Sa araw din na iyon, naging kaibigan ko sina Narlene, Zelle, Winona, at Charice. Silang apat ang palaging umaasikaso sa akin kahit pa sinasabihan ko silang kaya ko na. Pero minsan nararamdaman ko ang kakaibang tingin sa akin nina Winona at Charice. Pero ipinagsawalang kibo ko nalang. Masaya ako na naging kaibigan ko sila.

Napagtanong ko din sa kanila kung bakit hindi ko nakikita si Mr. Heitor, kung nasaan siya.

"Alam mo Ziche, hindi naman dahil hinayaan kang mabuhay ni Lord Heitor ay magiiba na ang turing niya sa mga katulad mo."

Noo'y sabi ni Winona. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon.

"Ano ka ba Winona?"

Awat ni Zelle at ngayo'y tumingin sa akin na may ngiti sa labi.

"Ziche, ganoon talaga si Lord Heitor. Hindi siya masyadong namamalagi dito sa mansiyon dahil sa mga sirkumtansiyang kinakaharap ng kompanyang pinapatakbo niya. Sa pagkakarinig ko sa mga tauhan niya, nasa Russia siya ngayon. "

Lumipas pa ang isang linggo nang sabihin iyon sa akin ni Zelle at hanggang ngayo'y hindi ko pa rin nakikita si Mr. Heitor.

Sa buong dalawang lingo ay nanatili lang ako sa kwartong ito. Natatakot akong lumabas dahil baka masalubong ko ang tatlong lalaking iyun.

Sa mga oras na ito, magisa lang ako dito at naupo sa gilid ng kama.

Iniisip ko kung paano ko pasasalamatan si Mr. Heitor.

Napagtanto ko rin, sa lahat ng ginawa niya noong araw na iyon sa akin, naramdaman kong may mabuti siyang loob.

Siya ang nagligtas sa akin mula sa tatlong lalaking nagbalak na gahasain ako.

Siya rin ang nagutos sa limang katulong na ngayo'y mga kaibigan ko na upang asikasuhin ako.

Ako na isang pambayad utang lang naman.

Naalala ko rin nang una akong tumapak sa opisina niya ay nagsuhestiyon ang isa sa mga lalaking kumuha at nagdala sakin dito na kung isasali ba ako sa mga ibebentang babae. Pero hindi niya ginawa. Wala siyang ginawa sa akin maliban nalang noong sinabi niyang gusto niya akong patayin at pahirapan. Pero hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin nang dagdagan niya iyon ng mga katagang kahit anong gawing pag intindi ko, di ko talaga makuha.

"You seems to be in a deep thought angel? What are you thinking? Perhaps, your thinking of me? "

Angel's Evil HusbandWhere stories live. Discover now