A's E H 4

95K 1.5K 25
                                    


THIRD PERSON

Hindi alam ni Ziche ang gagawin sa mga oras na iyon. Ang napakalakas at mabilis na pag tibok ng puso niya at paninigas ng katawan, hindi niya alam kung dahil sa takot ba.

"M..Mr. Heitor.. "

Gustong itulak ni Ziche ang mukha ng lalaki pero natatakot siyang magalit ito. Ito ang kaunaunahan na may lalaking humawak sa kaniya ng ganito. Sa loob ng labing walong taon na pamumuhay niya sa mundo, kailan may walang lalaki ang hinayaan niyang lumapit o humawak man lang sa kaniya dahil palagi niyang inaalala ang sinasabi ng ina na dapat ay iyong siguradong lalaki lamang ang hahayaan niya. Kaya kahit marami ang nanliligaw ay iniwasan niya iyon sa kaalamang bata pa siya.

Pero sa oras na ito, isang lalaki ang ngayo'y kumakandong sa kaniya at ngayon ri'y hinahalikan ang likod ng tenga niya, wala siyang magawa.

May kakaiba siyang nararamdaman na mangyayari ngayon pero pilit na winaksi niya ito sa isipan.

"What are you doing angel? What did you do the moment you've stepped your foot inside of my office? Why did I suddenly feel something about you? I want to kill you.. Torture you.. "

Sa gulat nang marinig ang sinasabi nito, agad siyang nagpumiglas sa pagkakandong ng lalaki sa kaniya at laking pasasalamat ng madaling nakawala siya sa mga braso nito.

Walang sinayang na oras si Ziche at kaagad tumungo sa nakabukas na pinto.

Lumuluha at natatakot na tumatakbo si Ziche. Sabik na sabik na makatakas at makalayo dito. Oo nga at gusto niyang tulungan parin ang ninong niya sa kabila ng nagawa nito sa kaniya pero sa isiping kapag mamalagi siya dito, papahirapan siya ng Mr. Heitor na yun at papatayin.

Natatakot siya sa isiping sakit na igagawad sa kaniya ng demonyong iyon.

Totoo nga. Totoo nga ang sabi nila na trato ng lalaki sa mga babae.

Walang kinatatakutan ang lalaking iyon. At habang tumatakbo, humahanap ng madadaanan palabas, nanalangin si Ziche dahil alam niya, ang katulad ni Heitor Zacarias ay gagawin ang gusto nitong gawin. Kahit pa ang pumatay ng isang inosenteng tao.

**

ZICHE

"I want to kill you.. Torture you.. "

Ang mga katagang iyon ang paulit ulit na naririnig ko. Parang sirang plaka sa utak ko. Pero kahit ilang oras na ang nagdaan nang sinabi niya yun, ramdam ko parin ang kilabot na dala nito sa katawan at pag iisip ko.

Kanina pa ako naglalakad sa hindi ko alam kung saan paroroong pasilyo na ito. Kahit saan at anong pasilyong makita ko ay agad kong tinutungo makatakas lang at lihim na nananalangin na sana makita ko ang labasan. Pero hindi ko alam kung gaano kalaki ang mansiyon na ito dahil kahit saan ako lumiko ganon parin ang katapusan, isang pasilyong paliko na naman sa kung saan.

Pansin ko rin ang napakadaming pinto sa magkabilang gilid ng mga pasilyo. Nang subukan kong buksan ang isa sa mga pinto, nakalock ito. Kaya naman nagpatuloy nalang ako sa paghahanap ng malalabasan ko dito.

Gutom at pagod sa paglalakad. Pero sa takot na mahuli ako ng lalaking iyon, di ko magawang makapagpahinga man lang.

Nasaan ba ang labasan?

Saang sulok na ba ako ng mansiyon na ito?

Hinahayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan nila ako dalhin. At nang mapadpad na naman ako sa isang pasilyo, sa kaduloduluhan niyo'y kita ko ang napakalaking bintanan. Isang floor to ceiling na bintana. At doo'y klarong klaro ang sinag ng buwan.

Gabi na?

Nang kunin ako ng mga lalaki, nasa alas nuwebe pa lang iyon ng umaga.

Di ko namalayang nakarating na pala ako sa bintanang iyon sa pagmamasid sa bilog na bilog na buwan habang naglalakad.

Kaya pala gutom na gutom na ako. Hindi ako nakapagtanghalian at ngayo'y hapunan narin.

Pero gusto kong makatakas. Gusto kong makalayo dito.

Pero saan naman ako pupunta?

Tinignan ko ang ibaba sa labas ng bintana kung pwede bang dito na lang ako lalabas.

Pero bumagsak ang mga balikat ko nang malula sa taas ng kinaroroonan ng bintana na to.

Kung ganon, nasa itaas na bahagi ako ng mansiyon na ito.

Sa isiping parang imposebleng makatakas pa ako, nagbabadya na naman ang mga luha ko na hindi pa man gaanong tumitigil.

"Uy pare! Tignan mo nga naman kung sino ang nandidito."

Kaagad na napaharap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Mmm.. Minsan lang talaga mangyari na may babaeng nakakatakas na buhay sa kwarto ng Boss natin! "

Mula sa likuran ko, may tatlong malalaking lalaki ang nakangisi habang nakatingin sa akin at nag uusap.

"Hahaha Oo nga. Sayang nga at napakaganda pa naman ng mga babaeng yun. Ba't di nalang kaya ibalato ni Boss yung mga babaeng yun sa atin pagkatapos niya itong tikman kaysa patayin? "

"Kilala mo naman si Boss pare. Hahahahah!"

"Oo nga. Pero swerte tayo ngayon at nakakita tayo ng isa sa mga babae ng boss."

Rinig kong paguusap ng mga ito habang may malademonyong pagtawa at nakatingin sa akin.

"Miss! Alam naming tapos na ang boss namin sayo."

Sambit ng nasa gitna habang ang mata nito ay gumagalugad sa pangangatawan ko.

Sa mga panahon na ito, sobrang takot at kaba ang lumulukob sa akin dahilan kung bakit napasalampak ako sa sahig dahil hindi nakayanan ng nanginginig kong tuhod ang takot na kumakain sa buo kong katawan.

'Please.. Someone please help me.. '

"Hahahahah! Miss wag kang mag alala, tutulungan ka naming lumaya pagkatapos ng pagtulong mo rin sa amin na palayain ang init ng katawan namin ngayon. "

Angel's Evil HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon