▒ Deities 34▒

743 22 0
                                    

Nathalie’s POV

    I was awaken by the ray of sunlight from the window near me. You’ll see a small garden on the outside. Anong oras na ba? masakit kasi sa mata ang araw.

“A-aray” napangiwi ako sa sakit ng sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga.

“GISING NA SYA!” Masayang sigaw ni Corrthrine. Teka? Ilang araw na ba akong hindi nagigising?

Napatingin sa itaas si Felly at nag sign of the cross. “Thanks God”

“What happened? Asan ako?” tanong ko sa kanila.

“Malamang sa ospital ano? Hindi mo na kita? May dextrose ka at maraming aparato sa paligid mo” poker face na sagot ni Fabbienne.

“A-ray naman!” babatukan ko sana si Fabbienne kaso nung ginalaw ko katawan ko ay sumakit na naman .

“ Huwag ka na mag tangka Nath madadagdagan pa yang sugat mo” pag pipigil ni Felly sa akin.

“Ano ba nangyari sa akin? Ang natatandaan ko lang ay itinulak ko so Corrthrine dahil babarilin sya ni Geline” pagpapaliwanag ko. Teka?Kung tinulak ko sya, ang ibig sabihin.

“Fvck!”

“Yes Nathalie, tama ang iniisip mo” sabi ni Fabbbienne. Nabasa nya na naman iniisip ko.

Bigla  nalang tumili si Corrthrine “Oh my gee! I must thank you Nath! Dahil sinagip mo buhay ko.”  Yayakapin sana niya ako ngunit agad ding pinigilan ni Felly.

“opss.. ops. Umayos ka nga Corz! “

“Ay teka naman Felly no pwede? Hindi ko naman dadaganan si Nathalie eh” nagkibit balikat lang si Felly pero hindi parin nito pinalapit si Corrthrine sa akin.

“Basta salamat talaga Nath grabe kung ako yun baka namatay na ako”malungkot na sabi ni Corrthrine.

“Oh eh bakit ako hindi namatay?” Ngumisi naman siya sa tanong ko.

“Kasi nga Nath masamang damo ka  kaya mahirap kang mamatay.” Humagikhik pa ito ng tawa.

“E kung pagtutusukin kita ng syringe dito? Baka gusto mo?” pagbabanta ko sa kanya. Walangya talaga sya.

“Jjoke lang Nath! You’re my hero!!”

“Duh Corrthrine  she’s not a guy so I supposed she’s your heroine” poker face na pagwawasto ni Felly kay Corrthrine.

“Che!” Napatawa ako sa kanila pero  syempre mild na tawa lang. Masakit pa kasi yung gilid ko. Dito nga talaga ako siguro natamaan.

“OMG tita , tito you’re here!” pag welcome ni Corrthrine sa parents ko kasama ang parents nilang tatlo.

BEWARE! The Deities Are HereWhere stories live. Discover now