▒ Deities 22 ▒

1K 25 10
                                    

Felly’s POV

 I make sure na maganda ako ngayong araw na ito. Naka cream shorts ako , keds shoes at V-neck couple shirt na binigay kahapon sa akin ni Lex. Sabi nya kasi susuotin daw namin ngayon ang couple shirt. Ang cute nga e,pupunta kami sa mall ng naka couple shirt kami. Marami ang makakakita na pagmamay-ari nya ako at akin lang sya. Hindi ba romantic iyon? Parang yung mga couple na nababasa ko sa mga novels. Hay,tapos mag- HHWSPSSP kami as in holding hands while walking pa sway sway pa . Hihi.  Tumonog ang door bell , marahil sya na iyon.

Tinignan ko ulit ang kabuuan ko sa salamin at napangiti ako dahil sa maganda ako ngayon. Hindi ko naman pala kailangan  si Corrthrine e,  kayak o naman palang magayos ng sarili at pumili ng damit.

Tumunog na naman ang door bell, atat talaga ang sweetie ko. Pero hindi pa rin nagsasawa pinaulit ulit nyang pinindot ang door bell. Naku Lex sandali lang nag sasalamin pa ako. Tumunog ulit, haay. Ang kulit na lahi.

“Sandali lang anjan na!” sigaw ko. Nagmadali akong lumabas ng bahay. Kumunot ang nook o ng nakita kong hindi sya naka suot ng couple shirt namin. Sabi nya susuotin nya. Tss.  Naka bull cap pa sya. Binuksan ko yung gate at ay nihug ko sya mula sa likod.

“Ang daya sweetie, hindi mo naman suot ang shirt eh!” Pinaghahampas ko ng mahina ang braso nya.

“ouch!” hinarap nya ako ng naka kunot ang noo. Nagulat ako ng makitang hindi pala si Lex yun.Shit Felly, what have you done. Isang malaking kasalanan ang pagyakap sa mortal enemy mong si Pink Hair Guy.

Kaya pala naka sombrero sya which is unusual na ginagawa ni Lex at kaya pala hindi nya suot yung shirt kasi hindi sya si Lex!!

“O naka nga nga ka jan.?” NAkangisi nyang saad. Putcha! Nakokohiya. Inirapan ko sya.

“Langya ka talagang asungot ka! At bakit ka nandito!? Ha! Tapos kung maka door bell ka naman akala mo kung may sunog sa labas! Halos masira na door bell ko!” Sinigawan ko talaga sya. Nagmadali pa akong lumabas at nagpaganda pa ako. Tapos sya lang pala yung . Arrrgghh! Ayoko na isipin, nakaka stress!

“Hinay-hinay lang Miss, ikaw nga itong kung makayakap wagas.” Nag smile pa sya kaya hinampas ko braso nya.

“A-ar-aray naman!” reklamo nya. Huh! Bagay lang yan sa kanya! Pambihira nasayang ang perfume ko tapos tapos.. ayyyy Felly bakit kasi napaka tanga mo ngayon?

“Masakit ba!? Buti nga sayo” binelatan ko sya habang hinihimas nya yung kaliwang braso nya. Napatingin naman ako sa lalagyan na hawak nya.

“O!” tapos inabot nya sakin iyon.

“Ano yan?” tanong ko . Sinuri ko pa ito.

“Pagkain malamang, hindi mo nakikita? Buksan mo kaya!”

“Ah, pagkain pala. Teka! Ano naman gagawin ko dito?”

“Kakainin mo malamang,nag.aaral ka?” ABA! Paki naman nya hindi ba?

BEWARE! The Deities Are HereWhere stories live. Discover now