▒ Deities 21 ▒

1K 35 2
                                    

Felly’s POV

   Nadapa ako dahil sa panghihila nila Strawberry. Tumakbo naman si Lex papalapit sa akin at tinulungan nya akong tumayo.

“Are you ok?” tanong nya at inalalayan nya akong maglakad.

“I’m fine” Sabi ko with a bleak face, tinapi ko ang kamay nya at naglakad magisa.

Hinay hinay lang ako kasi masakit yung tuhod ko. Nauna na ang Rigel kanina pa, iniwan nga nila akong nakadapa e. NAkita ko pa nga si JeEysa na tumawa kaso kinurot sya ni Blessie.

“Aray!” At dahil nga siguro sa pagsama ko sa Rigels ay madali akong hinawaan ng katangahan nila. Their dumbness is very contagious. Nadapa kasi ulit ako habang naglalakad.

“Ayan kasi, hindi nagiingat. Ano ba iniisip mo at hindi mo nakita ang malaking bato?” hinawakan ni Lex ang mukha ko at hinawi yung buhok ko. HE seems very concerned.

“Wala, sige na kaya ko to.” tinulungan nya akong tumayo at inalalayan padin. Di naglaon ay napaupo na naman ako.

“BA’t ba kasi ang tigas ng ulo mo?” Napaupo sya sa harap ko.

“Anong gagawin ko jan?” Naupo kasi sya sa harap ko.

“Ano pa edi sumakay ka.” Bigla akong nakuryente ng hawakan nya ang kamay ko. Heart mag behave ka, mamaya ka na magwala.

“Wag na kasi.” pagmamaktol ko. Kaya ko pa naman na maglakad.

“Sweetie, wag na matigas ang ulo please, gusto mo buhatin nalang kita?” Ngumiti pa ito ng nakakaloko. Parang nawala naman yung inis ko dahil doon. Kapag mahal mo talaga ang isang tao, papatawarin mo sya agad ano. Kahit nga hindi na sya mag sorry.

Wala na akong nagawa dahil binuhat na nya ako. Piggy back ride. Bakit parang slow motion ata kami? Grabe ang bango bago pa siya.

“Anong perfume mo? “ takte! Wala na nadulas na ang bunganga ko. Sa dinami-rami ng itatanong ito pa talaga. I heard him chuckled.

“Bakit mabango ba?” nakakaloko nyang sagot.

“Oo eh” dirediretso kong sagot. Strike two Felly! Manahimik ka nalang please!

“Secret!” tapos tumawa sya. Hindi nalang din ako nagsalita sa halip ay  isinandal ko yung ulo ko sa ulo nya. Pati buhok parang naligo sa perfume. Kahit na maiinit na ang fresh padin ng amoy nya.

Pagdating naminsa Gazebo ay pinaupo nya ako. Inabutan naman sya si Geline ng band aid at nilagyan nya ang sugat ko. Wala namang betadine , ayaw ko din naman na alchohol yung gamitin. Ang hapdi kaya nun. Naiimagine ko palang ay parang naiihi na ako. I kennot!

“Ok ka na? “ Nag-aalalang tanong ni Lex.

“OO, ok na naman.” natahimik kaming lahat. Siniko naman ni Geline si LEx. Umupo si LEx sa tabi ko at inakbayan ako.

BEWARE! The Deities Are HereWhere stories live. Discover now