A's E H 1

182K 2.8K 49
                                    

*ZICHE*

"Boss, nandito na po ang anak ni Mr. Ovledo."

Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaking nagdala sa akin sa malaking mansiyon na ito. Nasa labas ako ng isang napakalaki at dobleng pinto na may napakagandang mga ukit kasama ang dalawa pang lalaki.

Takot. Sobrang takot ang nararamdaman ko pero mas nangunguna ang sakit.

Di ko akalaing magagawa akong gamitin ng kinikilala kong mga magulang. Ang akala kong pagmamahal nila, pagpapanggap lang pala dahil balak nila akong gawing kapalit para sa pagbayad ng mga utang nila na dapat ay ang anak nila at para angkinin ang yaman ng mga magulang ko.

Sampung taong gulang ako nang mamatay sila nang nagmamadali silang makauwi upang makaabot sa Family Day sa school namin noon. Galing sila sa isang business trip nang bumagsak ang private jet nila dahil sa masamang panahon.

Simula nun, ang ninong ko ang kumuha sa akin. Sikretarya siya ng papa ko at matalik na kaibigan. May anak sila na mas bata sa akin ng isang taon. Akala ko tinanggap nila ko dahil pamilya ang turing nila sa akin, kapalit lang pala. At hinihintay lang nilang mawala ako sa puder nila upang maangkin nila ang yaman na siyang dahilan kung bakit nang oras na mamatay ang mama at papa ko ay sila kaagad ang tumayo upang maging guardians ko.

Malinaw na sa akin noong nakaraang linggo lang ay may ipinaperma sila sa akin na mga papeles. Ang sabi nila ay para sa kompanya na pinamamahalaan na ngayon ni ninong. Hindi ko akalain na tungkol pala iyon sa mga ari arian na nagsasabing lahat ng mana ko ay mapupunta sa kanila. Dinaya nila ako.

Wala akong kamuwang muwang sa pinanggagagawa nila.

At kahit ngayon ay ginawa nila akong pambayad utang sa isang organisasyon na inuutangan noon ni ninong para sa pagsusugal niya, wala pa rin akong magawa kahit buhay at kinabukasan ko na ang nakataya.

Wala akong magawa dahil mahina ako at walang muwang.

Natatakot ako ngayon.

Anong gagawin nila sa akin?

Bakit nila ito nagawa sa akin?

"Let her in."

Ang kaninang pinipigilan ko na luha ay tuluyan ng tumulo nang marahas na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila kong braso. Nanginginig ang mga tuhod ko habang kinaladkad nila ako papasok.

'God help me please'

**

Napasalampak ako sa sahig nang sa oras na makapasok kami ay itinulak nila ako.

"Boss, isasali ba natin siya sa mga ibebentang babae?"

Nanlaki ang basa kong mga mata at napataas ng ulo upang magmakaawa sa boss nila.

Ngunit mas lalo lamang akong nanginig at napaiyak nang makita ang lalaking siyang boss nila.

Heitor Zacarias.

Siya ang kilalang isa sa mga pinakamayamang tao na walang puso at awa pagdating sa sinasabi nilang business world.

Sikat siya hindi lang sa yaman at pagiging matagumpay kundi dahil rin sa sabi sabing may napakasama itong katauhan. At sikat sa mga babae dahil sa kabila ng sabi sabing may pinamumunuan itong napakalaking organisasyon ay may taglay din itong kagwapohan.

At totoo nga.

Alam ng ninong ko at ng asawa niya ang kakahantungan kung ang anak nila ang kanilang ibibigay sa organisasyon upang mabayaran ang utang nila. Kaya naman ako ang ginawa nilang pampalit. Ako ang hahayaan nilang magdusa dahil hindi naman nila ako kaano ano at wala narin akong pamilya.

Napayuko ako dahil alam kong wala na akong pag asa.

"She is Mr. Olvedo's daughter? "

Tanong ng isang napakalalim pero napakalamig na boses.

Alam kong kay Mr. Heitor Zacarias ang boses na yun.

"Yes Bo--"

Nagulat ako at napasigaw habang kaagad na tinakpan ang dalawa kong tenga nang bigla ay umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Ramdam ko ang panginginig ng labi ko nang marinig ang pagbagsak ng kung ano.

Napatingin ako sa harap at laking gulat nang makita ang lalaking kumakausap sa boss nila na nakahandusay na at may tama ng bala sa mismong gitna ng noo nito. Napatingin din ako sa likuran ko at katulad ng lalaking nasa harap ko na wala ng buhay ay ganoon din ang dalawa sa likod. Butas ang gitna ng noo.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng mahigpit habang naninigas naman ang katawan ko. Rinig ko rin ang sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Ngayon lang ako nakakita ng patay at sa mismong harapan ko pa sila pinatay.

'God. Let this be a nightmare. Please let me out of here. It's just a nightmare. A nightmare. Yes, a nightmare. It's not true. I'm just going to wake up. Please wake me up!!'

**

Angel's Evil HusbandWhere stories live. Discover now