Finale 1

2.4K 139 5
                                    

(I would like to dedicate this chapter sa lahat ng nagbasa at patuloy na sumabaybay sa kuwento nina Mark at Henry. Pagpalain nawa kayo ng Diyos nang kalandian)

👏(MARAMING SALAMAT)👏

•••

Six months later...

ISANG marangyang military wedding ang idinaos sa Redwood Gardens. Henry and Mark were both equally gorgeous and handsome in their military office suit.

Pinayagan si Henry na magsuot ng uniporme na pangsundalo, dahil sa kagustuhan ni Mark na makita ang lalaking minamahal sa ganoong ayos.

Naroon lahat ang kapamilya at kaibigan nila. Lahat ay masaya para sa kanilang kasal, kahit na parehong matitipunong lalaki ang mag-iisang dibdib. Pati si Lola Bening na lalong bumubuti ang kalusugan ay maganda ang sout nitong gown. Present din ang kuya ni Mark at pamilya nito na mula sa bansang Korea. Makikita sa mga mukha nito ang labis na pagtanggap at pagmamahal sa dalawang lalaki na ikakasal.

Iginala ni Henry ang paningin sa mga bisitang nagkakasayahan. He imagined the affair the moment he realized how much he loved Mark. Unang gabi pa lang niya sa bahay ng mga ito, na-imagine na niya ang sarili na magiging asawa nito dahil nga napagkamalan siya ni Lola Bening na boyfriend ng apo nito.

Now, it was all happening in reality.

"A penny for your thoughts?"

Napalingon siya ng marinig ang boses ni Mark mula sa kanyang likuran.

"I'm just too happy."

Niyakap siya nito mula sa likuran at hinagkan ang likod ng kanyang tainga.

"Wala nang mas masasaya pa sa akin. Alam kong ilang beses ko nang nasabi ito sa'yo pero talagang akala ko noong nakipaghiwalay ka sa akin hindi ko makakayanan."

"Natutuloy ang pagiging soldier's husband ko sa lalaking pinakamamahal ko. Akala ko rin, hindi mabubura ang takot ko. Pero ngayon, panatag na ako. Alam kong hindi ka agad kukunin ng Diyos sa akin. Magkakasama tayo hanggang sa pagtanda."

Iniharap siya nito at saka hinapit ang baywang niya papalapit sa katawan nito.

"Wala nang pagpapanggap pa. Asawa na kita, Mahal. You're the most beautiful gift that I ever received. And you're going to give me many kids." nakangiting sabi nito.

Dahil nga sa ayaw niyang masira ang pagdadrama ng kanyang sundalong asawa. Minabuti niyang sabayan nalang ang biro nito.

"Paano ang dream kong maging doctor kung mabubuntis ako nang sunod-sunod?" Hindi niya mapigilan ang matawa sa kanyang nasabi. Kita niya rin ang pagsilay nang matatamis na ngiti sa labi ng asawa.

"Puwede 'yon. Itatapat natin sa semestral break ang panganganak mo." ani nito na tumatawa na rin habang hawak-hawak ang tiyan. Napakaganda para sa kanya ang labis na kasiyahan na namumutawi sa guwapong asawa. Isa ito sa mga bagay sa mundo na hindi niya ipagpapalit. He would never trade this man to any beautiful things in this world. Ito ang buhay niya.

"Ay, ilan ba?" nakangiting sabi niya.

"Ahm... anim, puwede na."

"Ang dami nun ah," reklamo niya.

"Bata ka pa naman. Kayang-kaya mo'yon."

Pinatulis niya ang kanyang nguso.

"Aba, aba. Mukhang gusto mo akong malosyang agad, ah."

Hinagkan siya nito sa tungki ng kanyang ilong.

"Of course, aalagaan kita. Sa guwapo mong yan, imposibleng malosyang ka kahit magkaroon pa tayo ng maraming anak." tumaas-baba ang dalawang kilay nito na labis niyang ikinakilig.  "Seriously, sa susunod na araw lilipad na tayo patungong America para isagawa ang totoong kasalan. Dun na rin tayo mag-uundergo ng surrogacy para magkaroon tayo agad ng magagandang supling. Isa sayo at isa sa akin." anito bago hinagkan nang mariin ang kanyang labi.

"Tito Mark!"

Sabay silang napatingin sa makulit na si Junjun na hinihila ang laylayan ng military suit ni Mark.

"O, bakit, Junjun?" tanong ni Mark.

"Bakit lagi mo niki-kiss si Tito Henry? Kanina ka pa kiss ng kiss. Ang dami na."

Napahagalpak ng tawa si Marl. Ginulo nito ang buhok ng pamangkin. "Asawa ko na ang Tito Henry mo kaya okay lang na i-kiss ko siya ng i-kiss."

"Paglaki ko, puwede na din ako mag-kiss ng boy?"

Nabigla sila sa sinabi ng bata. Nagkatinginan pa sila saka tumango.

"You're a naughty boy. Malalaman mo yan sa paglaki mo Junjun. Doon ka nga sa mommy mo."

Tumakbo ang paslit papunta sa kinaroroonan ng mommy nito na walang tigil sa pagkukuwento sa mga kaharap.

Natawa siya. "Mana yata sa'yo 'yang si Junjun."

"Hindi ah, I was never naughty you should know that."

"I should know. Kung hindi siguro ako naglakas-loob nun na kausapin ka bago ka umalis noong nasa inyo ako, baka hindi naging tayo."

to be continued...

[BXB] My Husband is a Soldier Where stories live. Discover now