Chapter 19

2.4K 140 13
                                    

A/N : Stress nako kaka Mobile Legends. Hahaha :D Update na nga lang. Dont forget to like and subscribe. Choss.

😎😎😎

Ibinilin daw ni Ate Coleen na huwag magbubukas ng telebisyon at radyo sa bahay para walang malalaman si Lola Bening kung halimbawa mang may masamang nangyari kay Mark.

•••

Hindi ako mapapanatag kung maghihintay na lang ako sa balita. Nagpasama ako kay Mama sa Camp Aguinaldo para ako na ang personal na magtanong about kay Mark.

Hindi ko nga alam kung may karapatan ba akong maghagilap ng mga impormasyon sapagkat nobyo lang ako ni Mark. Pero dahil may kilala doon si Mama na dating kasamahan ni Papa, matutulungan kami nito na makakuha ng impormasyon.

Napag-alaman namin na labing-isa sa mga sundalong nasa misyon ay kasalukuyang bihag ng mga rebelde, at kasalukuyan din na kumikilos ang militar para sa agarang pagkubkob sa kuta ng mga rebelde para mabawi ang mga bihag na sundalo. At ang isa sa labindalawa ay hindi pa malaman kung nasaan.

Biglang tumigil ang mundo ko sa nabalitaan. Kung isa si Mark sa labing-isang nabihag, nasa panganib ang buhay niya. Baka tino-torture na ito ng mga rebelde. O kung siya naman ang nag-iisang nawawala, baka patay na ito. No! He's not dead. Hindi siya puwedeng mamatay.

Iyak lang ako ng iyak habang nasa van. Binabagtas na namin ang kasada pauwi sa bahay. Si mama ang nagmamaneho.

"Anak, tigilan mo na'yan." sansala ni Mama sa akin. Panay ang haplos nito sa likod ko.

"Sabi ko na nga ba, hindi ako dapat magmahal ng sundalo. Sana hindi ko na lang siya nakilala." sabi ko sa pagitan ng paghikbi.

"Tumigil ka nga, Henry. Hindi mo mapipigilan ang puso mo. Alam kong ginusto  ng Diyos na makilala mo si Mark para mawala ang takot sa puso mo. Kaya sa halip na ngumuyngoy ka riyan, bakit hindi ka na lang magdasal para sa kaligtasan niya?"

"Natatakot pa rin ako, Ma..."

"Magtiwala ka sa Diyos, anak."

Tiwala sa Diyos  na lang talaga ang pinanghahawakan ko. Walang oras na hini ako nagdadasal na sana ay ligtas si Mark. Na sana ay muli kaming magkasama.

Pero bawat araw na dumaraan ay parang kinikitil din ang buhay ko. May mga pagkakataong binabangungot ako tuwing madaling-araw. Tinatatagan ko na lang ang sarili dahil sa pagmamahal ko para rito.

•••

Tatlong araw pa ang lumipas nang lumabas ang balitang nagkaroon ng matinding sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde. Nakubkob ang kuta ng mga rebelde at na-rescue ang mga nabihag na sundalo. Pero tatlo sa mga sundalo ang napatay.

God knows kung gaano ako kasaya nang mapanood ko si Mark sa telebisyon. Isa siya sa tinaguriang bayani sa pag-rescue sa mga ilang sundalo. Isa siya sa labing-isang bihag ng mga rebelde pero nakatakas siya. May tama ito ng baril sa balikat dahil sa ginawa nitong pagtakas. Sa kabutihang palad ay may mga sibilyan na nagdala rito sa ospital.

Dalawang araw itong namalagi sa ospital pero nagpilit ding sumama sa operasyon para tugisin ang mga rebeldeng dumukot sa mga kasamahan nito.

I want to see him. I'm want to embrace him. Gusto ko siyang maka-usap. Pero alam kung wala akong magagawa kundi maghintay.

Pero sa kabila ng tuwang nararamdaman ko, mayroong lungkot na umuukilkil sa kaibuturan ng aking puso. Sundalo si Mark, isang bagay iyon na hindi maitatatwa. Maaaring maulit ang nangyari sa kanya. At kapag nangyari iyon, paulit-ulit pa rin akong masasaktan.

"O, bakit malungkot ka pa rin? Buhay si Mark." anang ni mama nang magkaharap kami habang kumakain ng hapunan.

"In fairness, guwapo pala siya talaga." pagbibiro nito.

"I-i guess. I really have to give him up."

"Ano'ng sabi mo?" tila naguguluhang tanong nito.

Ibinaba ko ang kutsara na kanina ko pang nilalaro sa aking kamay.

"I think hindi na talaga magwo-work ang relasyon namin. Mas makakabuting hanggang maaga, hangga't hindi pa nagtatagal, puputulin ko na ang relasyon namin."

Napakasakit para sa akin ang mga lumabas sa bibig ko.

"Pero mahal mo siya, anak."

"Kahit na. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko  na kayang mawalan pa ng isang mahal sa buhay."

"Sa gagawin mo, mawawala rin siya sa'yo"

"Alam ko. Pero kung wala kaming relasyon at mawawala siya sa akin, hindi ganoon kasakit."

"Nagiging negatibo ka na naman." Tumulo na ng tuluyan ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.

"Kapag nagkita kami ni Mark, makikipaghiwalay  na ako sa kanya."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Tumango ako para sabihing bou na ang desisyon ko. Ayoko ng ganito, ayokong araw-araw na nababahala sa tuwing aalis ito para sa isang misyon. Masakit na masakit para sa akin ang gagawing desisyon.

to be continued...

[BXB] My Husband is a Soldier जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें