Chapter 1

8K 251 12
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Henry POV

It was five early in the morning when I started hitting the road towards North Edsa. Minamaneho ko ang lumang Montero sports car na ipinamana sa akin ng aking Mommy Lorena mula ng makabili ito ng bagong sasakyan. I started driving when I was in second year college. I had to learn dahil wala ng ibang aasahan ang aking ina. Magmula ng pumanaw ang aking ama.

Dahil sa naalala ko na naman ang aking ama pati na rin ang aking dating nobyo. Ay bigla na namang umantak ang aking puso. The thought of my father and late lover flowed instantly in my mind.

I was barely sixteen when my father died in an ambush. Sundalo si Papa at namatay habang nasa isang misyon sa Mindanao. I'm a daddy's boy este girl pala.

Bakla ako at kahit ganon paman ay hindi naman yun naging hadlang para kamuhian nila ako. Naalala ko pa nga ang laging sinasabi sa akin ng aking ama.

'I love you my son kahit na bakla ka.  Mahirap sa una pero sino ba ako para tanggalin ang kasiyahan mo. Basta di lang kita makitang umiiyak dahil sa isang lalaki. Baka mabaril ko yun. Mahal na Mahal kita Anak '

Ininda ko at ng aking ina ang pagkamatay ni Papa, pero mas matagal akong nagluksa sa pagkawala nito. Siya kase ang palaging tumatanggol sakin sa tuwing iniinsulto ako ng aking mga kaklase.

My mother was a born survivor and a fighter. Palagi nitong sinsabi na may dahilan ang bawat bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao.

I would always remember my father hugs and kisses even if I was a big boy already. Nang mag-graduate ako sa highschool bilang Valedictorian, ay umiyak lang ako ng umiyak habang sinasabitan ng medalya ni mama. I always wished that my father was there. Sa bawat okasyong dumaraan ---Christmas, New Year, birthdays --- ay naluluha ako. It had been a painful memory to lose my father whom I considered as my hero. Naging malungkutin ako magmula noon. Mas gusto ko nalang na magkulong sa kwarto at magbasa nang magbasa.

Noong mag college na ako ay unti-unti ko ng nakakalimutan ang lungkot dahil sa aking mama pati narin ang aking nobyo. Na isa ring sundalo. Siya ay si Philip, mas matanda siya sakin ng limang taon. At during that time ay kasalukuyan na siyang isang sundalo. Nakilala ko siya sa isang party ng aking kaibigan. Hanggang sa nagkapalagayan kami ng loob at sakto isa rin siyang sundalo kaya nagkaroon ako ng interes sa kanya.

He was always there for me and he even made it to the point that he always make me laugh and love. Ipinapasyal ako nito kahit saan ko gusto, binibilhan ng kahit ano na makapagpapasaya sa akin. Hanggang isang araw ay nagtapat siya sa akin ng kanyang nararamdaman. Nung una daw ay akala niya eh kapatid lang ang turing niya sakin. Hanggang sa napagtanto niya na mahal niya na daw ako.

[BXB] My Husband is a Soldier Where stories live. Discover now