Chapter 4

3.4K 176 8
                                    

Napalunok naman ako ng wala sa oras. Naalala ko si mama at ang sinabi nito na ipagdarasal niya ang kaligtasan ko. Heto nga't ibinigay agad ng Diyos sa akin ang isang lalaking sumagip sa aking miserableng kalagayan. Isang mabait na nilalang.

•••

Sa panahon ngayon,  alam ko na hindi dapat magtitiwala kahit kanino. But I can't erase the thought na ligtas ako sa piling ni Mark. Para bang may bumubulong sa akin na wag mag-isip ng kung anong negatibo tungkol dito.

Habang nagbibihis ako sa gitnang upuan ng kotse, sinilip ko naman sa labas, sa kinaroroonan ni Mark. Nakatalikod ito sa direksyon ko. Pareho naman kaming lalaki. Kaya walang problema kung titignan ako nito. Maliban nalang kung di ito straight baka maglaway pa ito. Tsk tsk tsk. Kung ano-anong iniisip mo Henry.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Talaga palang may ganito paring klase ng lalaki. Akala sigoro nito eh nahihiya akong magbihis sa harapan niya. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda naman ang aking katawan. Muli ay naalala ko na naman ang aking ama at dating nobyo.

Naisip ko. Paano kaya kung hindi gaya ni Mark ang napara ko? Paano kung masamang tao ito at gawan ako ng masama?. Kinilabutan naman ako sa naisip.

Habang nakatingin ako sa likod ni Mark, naisip ko na masuwerte ang asawa o girlfriend nito. He really seemed a good man. Pero naisip ko rin na kawawa rin ang asawa o girlfriend nito kapag minalas ito na magaya kay Papa at Philip.

Itinuon ko nalang ang aking atensiyon sa pagpapalit ng damit at short. Mabuti na lamang at hindi nabasa ang underwear ko. I don't need to change it. Nang masiguro kong okay na ay lumabas na ako. Maputik ang kalsada at umaambon parin.

" T-tapos na akong magbihis. "

Humarap naman ito sa akin. Tumahip naman ang dibdib ko. He was half smiling.

"S-sorry, ha? Nadumihan ang carpet ng kotse mo. Maputik kase ang sapatos ko. " Yan ang naisip kong sabihin para mawala ang kabang umaalipin sakin. Kaba na hindi dala ng takot kundi ng excitement. Excitement na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.

"It's okay. Maputik talaga dito kapag umuulan. Madaling tumaas ang tubig kapag malakas ang ulan pero madali ring bumaba. " anito " Tara na? "

Tumango nalang ako. At palihim na bumuntong-hininga dahil pakiramdam ko'y naninikip ang aking dibdib.

"May gusto ka bang ilipat na gamit sa kotse ko? Kung ihahatid kita sa lugar na sinasabi mo, dapat dala mo na ang mga gamit mo. "

Tumango ulit ako. Kinuha ko naman sa compartment ng kotse ko ang backpack kong punung-puno ng damit. Nang makita nitong malaki ang buhat-buhat kong bag ay mabilis naman na lumapit ito sa akin. "Ako na. " anito at kinuha mula sa akin ang bag na bitbit ko.

[BXB] My Husband is a Soldier Where stories live. Discover now