Chapter 16

2.4K 142 17
                                    

Bago siya nakatulog, nag-wish siya na sana, katukin siya nito bago magpaalam sa kanya. Gish ! Malanding bakla.

•••

PABILING-BILING si Mark sa kanyang kama. Naroong babangon siya at sisilip sa bintana. O kung hindi man ay bubuksan niya ang pinto at lalabas at namamalayan na lamang niyang nasa tapat na siya ng kuwartong inookupa ni Henry.

Gusto niyang kausapin ito. Marami siyang gustong sabihin pero inuunahan siya ng hiya. He was in love with him, no doubt about it. The feeling he had for him was so so strong. It was more than what he felt with his past relationships. Gusto niyang magtapat dito pero hindi niya alam kung paano. At isa pa, natatakot siyang baka i-reject siya nito dahil may takot pa rin itong umibig sa sundalong tulad niya.

Hinila niya ang unan at mahigpit na niyakap iyon.

"Ah, Henry." mahinang bulong niya. He was so near yet so far.

He wasn't used to think malicious things about men and women but he couldn't help but to imagine Henry's sensuous lips while kissing it. He also want to cuddle Henry's body to provide some heat. He likes everything about Henry.

•••

NAGISING si Henry nang alas-kuwatro ng madaling araw. Narinig niya ang mga kaluskos sa loob ng silid ni Mark. Baka naggagayak na ito paalis. Sandaling nag-alinlangan siya kung lalabas na siya ng kanyang silid. Baka isipin nitong hindi na siya nakatulog para makita ito bago umalis.

Pero wala naman sigurong masama kung lumabas siya at mag-good-bye rito. Kaibigan naman niya ito. That would be the last time he would talk to him. Ibibigay niya ang numero niya rito. Bahala na. He wanted to prolong their relationship. Wala naman sigurong masama roon.

Nagtungo siya sa banyo. Nag-toothbrush siya at naghilamos. Nakasuot siya ng ternong pyjama. Nang buksan niya ang pinto ng kuwarto niya ay mabilis ang tibok ng puso niya. Mula sa siwang sa ilalim ng pinto ng kuwarto ni Mark ay nakita niya ang liwanag. Narinig din niyang may bumagsak na kung ano sa sahig.

Lakas-loob siyang lumapit sa kuwarto nito at kumatok. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya nang buksan ni Mark ang pinto at nasamyo niya ang preskong amoy ng sabong-pampaligo na ginamit nito. Nakahubad-baro pa ito na nakasuot na ng fatigue na pantalon.

Tila nagulat ito pagkakita sa kanya. "H-hi.... Akala ko, si Lola ang kumatok," anito. "Nagising ba kita kasi may bumagsak sa sahig?" umiling siya.

"H-hindi naman." Iniwasan niyang mapatingin sa ma-muscle na dibdib nito.

"Ahm, di samahan mo na lang akong magkape sa ibaba. Magbibihis lang ako." anito.

"Sige"

Agad itong tumalikod. Kinuha nito ang puting T-shirt na naka hanger sa handle ng cabinet at mabilis itong nagbihis, kapagkuwa'y binitbit na nito ang bag. "Halika na" anito.

Inalalayan siya nito sa siko habang bumababa sila ng hagdan.

Ito na rin ang nagtimpla ng kape nila. Pinanonood lang niya ito habang nagtitimpla.

"Nagpaalam ka na ba kay Lola Bening? " tanong niya  nang nakaupo ito sa tapat niya.

[BXB] My Husband is a Soldier Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu