Chapter 8

2.9K 136 11
                                    


"Yeah, kunwari." sagot nito bago magpakawala ng buntong-hininga. Maya-maya ay tahimik na ito.

•••

Natahimik din ako. Sa maikling panahong inilagi ko sa bahay nito, panatag ang aking kalooban. Ilang beses ko nang nakausap si Mama at hindi naman ito nag-aalala para sa akin. Pahapya ko kaseng ikuwento ang pagkupkop ng pamilya ni Mark sa akin. Sa pag-uwi ko na lang ikikuwento ang lahat-lahat.

Sa ngayon, gusto ko munang samantalahin ang sayang nararamdamn sa tuwing kasama ko ang mag-anak. I really felt that I belong to Mark's family. Ambisyoso lang no?

Pagkatapos naming ipa-checkup si Lola Bening ay namasyal kami sa bayan. Pagdating naman ng hapon ay nagsimba kami. Ang saya-saya ko lang. Sa paglipas ng ilang taon parang ngayon lang uli ako naging masaya ng ganito.

"Henry..." nilingon ko si Mark. "May sinasabi ka? "

"Mukhang malalim ang iniisip mo. You were smiling."

"May naiisip lang ako. Ahm, naalala ko lang si Mama."

"Mama mo o boyfriend mo?" tanong nito habang matamang nakatitig sakin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

"B-boyfriend?  Wala akong nobyo ngayon."

"Wala kang boyfriend ngayon? " hindi parin niya inaalis ang pagtitig sa akin. His deep brown eyes seem to penetrate my  very soul.

"Wala" sagot ko.

"Ako. 'Diba boyfriend mo ako?"

Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya habang pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.

"Puro ka biro."

"Kunsabagay, kung may boyfriend ka na, I'm sure hindi ka niya papayagang magbiyahe nang mag-isa. If I were your boyfriend, never kitang papayagang umalis nang hindi ako kasama."

"Having a boyfriend is out of my agenda."

Pilit kong sinisikil ang aking damdamin para sa kanya at pilit kong iginigiit sa aking sarili na hindi dapat ako umibig sa isang sundalo gaya niya. Ayokong maulit ang lahat. Mas mabuti nga siguro na nabanggit ko na wala sa plano ko ang umibig.

"Bakit? Dahil ba sa pangarap mo?"

"Yeah." Naikuwento ko kase sa kanya ang pagpapatuloy ko sa pag-aaral ng medisina. "Nakakahiya naman sa Mama ko na kailangan pa niyang ibenta ang lupa namin para lang makapagtapos ako ng pag-aaral, 'tapos, hindi ako magseseryoso."

[BXB] My Husband is a Soldier Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon