Chapter 21

2.3K 153 12
                                    

But it wasn't alright with him. Nagdurugo ang puso niya. Hindi niya alam kung kailan niya malilimutan si Mark. Tanging ang panahon na lang ang makapagdedekta.

•••

DALAWANG linggo ang matuling lumipas pero sa bawat oras ay naalala pa rin ni Henry si Mark. Hindi siya nito tinawagan, bagay na gusto man niyang ipagpasalamat ngunit sa isang banda ay nagpapabigat ng kalooban niya.

Tahimik na nahiling niya na sana ay bigla na lang itong pumunta sa bahay nila at sabihin nitong nag-resign na ito sa pagiging sundalo huwag lang siya mawala sa buhay nito. Pero alam niyang malabong mangyari iyon.

"Pupunta ako sa Cabanatuan," anang mommy niya. "Naroon si Tiya Amor mo. Nang malaman niya na nagpunta ka roon, tumawag agad siya sa akin. Mabuti't iniwan mo sa lalaking nakausap mo roon ang numero ng grocery store ko. May buyer na raw sa lupa. Baka gusto mong sumama para bago magsimula ang semester, makapasyal ka uli."

Naalala niya bigla si Lola Bening. Gusto niyang makita uli ang matanda. Pero ano ang sasabihin niya rito? Na wala na sila ni Mark? O baka alam na nito ang tungkol sa apo nito?

"Huwag nalang, Mommy. Dito na lang ako."

"Sumama ka na. Aalis tayo nang maaga bukas. Nag-hire ako ng driver para hindi ka mahirapang magmaneho."

Sa huli ay napapayag din siya ng kanyang mommy. Kinabukasan, madilim pa lang ay nasa biyahe na sila. Sa hulihan siya ng van nakaupo. Habang binabagtas nila ang daan patungo sa Sitio San Ilfonso ay bumalik sa alaala niya ang pagkakakilala nila ni Mark. Naiiyak na naman siya.

Theirs was a whirlwind romance. Kung gaano iyon kabilis nagsimula, ganoon din kabilis na natapos.

••

Gaya ng dati ay masayahin si Tiya Amor. Naghanda ito ng pananghalian. Ayon dito ay darating mamaya ang buyer ng lupa. Tagakabilang sitio lang daw ang bibili.

Masaya raw si Tiya Amor dahil pumayag ang buyer na sa bahay pa rin ito manatili kung sakaling mabili na ng buyer ang lupa.

"Ala-una raw ang dating niya." sabi ni Tiya Amor na ang tinutukoy ay ang buyer.

Pagkatapos makapananghalian ay nagpahinga siya, sa kuwartong ipinagamit ni Tiya Amor sa kanilang mag-ina. Doon sila magpapalipas ng gabi ng mommy niya. Ang driver na kasama nila ay sa sala matutulog.

Nagpasya siyang huwag nang humarap sa buyer at hayaan na lang ang kanyang ina ang magdesisyon. Mamaya ay pupunta siya kay Lola Bening para dalawin ito. Hindi niya matiis na hindi ito dalawin. Napalapit na talaga ito sa kanya kahit sa maikling panahon na nagkasama.

Nakatulog siya sa katreng nilatagan ni Tiya Amor ng manipis na kutson dahil malamig ang hanging nanggagaling sa bintanang kawayan.

Hindi agad siya bumangon. Ninamnam muna niya ang komportableng higaan at preskong hangin.

Mayamaya ay naulinigan niya ang usapan sa sala. Lalaki ang kausap ng mommy niya at ni Tiya Amor. Marahil ay iyon ang buyer ng lupa. Bahagyang kumislot ang puso niya dahil parang pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki. Pero baka nagkamali lang siya ng dinig. Naidlip uli siya nang hindi namamalayan. Mayamaya lang ay naalimpungatan siya sa pagyugyog sa balikat niya. Ang mommy niya ang namulatan niya. Bahagyang kinusot niya muna ang kanyang mga mata bago bumangon.

"Tapos na ang usapan n'yo, Mommy?"

Nakangiti ito. "Gusto kang makausap ng buyer?"

Napakunot-noo siya. "Bakit? Kayo ang may-ari ng lupa, ah. Wala akong kinalaman sa usapan niyo."

"Aba, ini-insist na kausapin ka. Sige na. Lumabas ka na at baka magbago ang isip niya at hindi bilhin ang lupa natin kapag hindi ka lumabas."

Nagulumihanan siya sa sinabi ng kanyang ina. Patamad siyang bumangon at inayos ang sarili. Paglabas niya sa sala ay nabigla siya. He saw the man he least expected to see.

Si Mark!

"What are you doing here?" . Napalingon siya sa mommy niya at kay Tiya Amor . Agad namang tumalikod ang mga ito at binigyan sila ni Mark ng privacy.

Tumayo si Mark. "Mahigit dalawang linggo na ako rito. Pagkatapos nating mag-usap, nag file ako ng indefinite leave para makapag-isip-isip. Pumunta ako rito noong isang araw, nagbaka-sakaling baka pumasyal ka rito. Nabanggit sa akin ni Manang Amor na ibinebenta nga itong lupang kinatitirikan ng bahay. Sabi ko, interesado ako. Nang sabihan niya ako kahapon na darating ang mommy mo, I was hoping na kasama ka."

to be continued ....

A/N : Wag na kayong magalit. Tae niyo... busy ako kaka rank game sa ML. Epic nako pero dahil sa nagsilabasan ang mga cancer ayan tuloy back to GM.. Oh siya, ito na yung update niyo.. Hahaha😘😍😘

[BXB] My Husband is a Soldier Where stories live. Discover now