[33] Calm First.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano bang pinagsasabi mo? Aspen. Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? N-naguguluhan ako!" kunot na kunot ang noo ni Samantha at gustong gusto niyang suntukin ang binata. "B-bakit kailangan pang ako?!"

Muling ngumisi si Aspen. Kanyang tinalikuran si Samantha at kumuha ng alak sa isang table. "Hindi ko din alam Samantha." uminom siya ng alak at muling hinarap si Samantha. "Basta. Akin kalang. Hinding hindi kita papakawalan. Kahit anong pakiusap at pag pupumilit mo pa. Dito kalang sa puder ko." mahinahon ito at nakangiti na lalong tuluyang naglabas sa kanyang kaba.

'Ayaw ko sayo. Ayaw ko sa puder mo! Ayaw ko na dito!' Samantha.

He is so possessive and it's not flattering.

Naglakad siya papalapit kay Samantha at yumuko. Kanyang kinuha ang buhok nito at sininghot ito na kala mo isang hayop na gutom na gutom. Binibitin ang sarili mula sa mabangong amoy ng kanyang pag kain.

May pag nanasa na tinignan niya si Samantha at nakakaasar na ngumisi. "Akin ka na Samantha at wala na silang magagawa. Hindi ka na nila mababawi sa akin." ang mapang asar nitong ngisi ay tuluyang napalitan ng galit at gigil na hinawakan ang kanyang buhok. "HINDI KA NA 'NIYA' MAKUKUHA SA AKIN."

Ang tinutukoy ba nitong niya ay si Venon? B-bakit ba sa gawi ng pananalita nito ay para siyang isang nakapagitna sa isang contest at siya ang reward?

Urgh! Gusto na niyang makaalis dito at kung kailangan niyang pumatay? Gagawin niya. Makatakas lang.

Gusto na niya makita si Venon. Naghihintay siya... Nangako siya kay Venon na kahit abutin pa ito ng ilang dikada, si Venon lang ang lalaking hihintayin niya.

"Hindi mo ko pag aari Aspen. Hinding hindi mo ako magiging pag mamayari." malamig at puno ng pagkamuhi niyang tinignan ang binatang nasa harapan niya.

Makita palang niya ang binata at ang ina nitong nakakasiping niya, tila kusang nag paflash lahat sa utak niya ang panaginip niya tungkol sa mga magulang niya. Lahat!

Gusto niya itong sugudin at tapusin gamit ang sarili niyang mga kamay. Puno ng pag kamuhi ang puso niya tungkol sa mag ina.

Napailing iling si Aspen sa sinabi ni Samantha. "Ang alam mo hindi pero hindi mo lang alam. Akin ka Samantha. " he shrugged. "Tayo naman talaga sa isat isa.  Nakiepal lang yang si Venon Lee." ngumisi siyang napakalaki. "At dahil ngayong nasakin ka na. Mag papakasal na tayong dalawa ay mamumuhay ng masaya."

Gusto niyang masuka at ibuga sa taong nasaharapan niya ito. KASAL? MAMUHAY NG MASAYA NG SIYA ANG KASAMA? KADIRI.

"HINDING HINDI AKO MAG PAPAKASAL SA TULAD MONG MAMATAY TAO."

Nakakaasar na tumawa si Aspen. Tila akala mo ay nauulol itong aso.

Inilapag niya ang baso niyang may alak sa may bedside at mas inilapit ang sarili kay Samantha. Hindi naman gumawa ng kahit anong kilos si Samantha at tinignan lang si Aspen kung paano itong komportable na nakaupo sa kanyang tabi.

"Alam mo? Kaya ako lalong nahuhulog sayo eh! Napaka funny mo kasing babae." haplos pa nito sa baba niya dahilan para ibaling niya ang kanyang ulo. "Hindi ka mag papakasal sa katulad kong manloloko?" he's chuckling.   Tinignan niya si Samantha sa mukha at hinaplos nito ang pisngi niya ngunit agad na iniwas ni Samantha ang sarili dito.

Nakaramdam ng pag kainis si Aspen sa ginawa niya ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. 

"MAMAMATAY TAO DIN ANG ASAWA MO SAMANTHA." seryoso niya itong sinabi ngunit di parin nawawala ang kanyang ngiti.  "Mamatay tao din siya TULAD KO. " dagdag niya.

"HINDI MO SIYA KATULAD GAGO!" mabilis na wika ni Samantha na ikinawala ng pag ngisi niya.

"Okay." tango ni Aspen sa kanya na parang kinukimbinsi niya ang sarili na ayos lang ang pa trato ni Samantha sa kanya. Ayaw niya ding saktan ang babae.

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon