[31] She's Gone.

12.1K 277 20
                                    

Chapter 31

THIRD PERSON

"Naleeyah, what do you feel? " si Jamie.

Kasama na nila si Naleeyah ngayon sa Korea dahil alam ni Venon na mas magiging ligtas siya dito kasama nila Veronica.

"Okay na ako. " ngiti ni Naleeyah.

Nilalagnat kasi ito. Nasobrahan sa lamig at pag kain ng ice cream.

"Sure ka? Ikaw naman kasi eh. " si Veronica.

Naleeyah chuckled. "Oo na pero I'm really fine na talaga. Don't you worry guys."

"Hay naku. Sige, may gusto ka bang kainin or something? Kukuha ka nila. l Sabihin mo lang. " si Mica.

'Ay Gago.' Veronica/Jamie.

Umiling naman si Naleeyah. "Okay na ako guys,  thank you.  Matutulog nalang ulit ako. Medyo inaantok pa kasi ako eh." nakangiti niyang sabi.

"Sige sige basta pagaling ka. Tulog mabuti." si Veronica.

Tumango ito at saka na muling nahiga.

Lumabas na silang tatlo sa kwarto ni Naleeyah at nag punta sa kanikanilang kwarto.

Matagal tagal na din si Naleeyah sa Korea.

She was really high nung time na may nangyari sa debate pero nagising nalang siya sa isang hospital habang kausap sila Red.

Ang sabi nito dadalin daw siya sa Korea para sa kaligtasan.  Agad naman siyang pumayag dahil alam niyang kaibigan ito ni Samantha.  Naguguluhan man ay alam niyang makakabuti ito.

Siya nalang mag isa sa buhay at wala na siyang magulang. Mag isa niyang tinaguyod ang sarili at di niya inaasahan na ganon lang ang mangyayari sa kanya.  But thank God may mga taong katulad nila Samantha at ni Venon na tinutulungan siya.

Matagal na din niyang kilala sila Veronica dahil minsan na din siyang ipinakilala sa kanila ni Samantha. 

Nung una kinabahan siya pero nung nakita niya sila Veronica ay nakampate na siya.

Maayos ngayon ang sitwasyon niya at hindi siya kinakabahan or kung ano pa man. 

Basta okay na siya. Lgtas na siya.

"Ish.. Hanggang kailan pa ba kami dito? Wala pa bang balita sa Pilipinas? " si Veronica at sininde ang TV.

Gusto nilang gumamit ng gadgets pero hindi pwede. Baka ma trace kasi sila lalo na kapag tumawag sila sa Pilipinas.

She was peacefully watching TV nang biglang may pumasok sa kanyang kwarto at sinugod siya.

"FUCK! ANO BA?!  MICA!  JAMIE! " Inis na hiyaw ni Veronica.  "Umayos nga kayo! "

Napapout ang dalawa at umayos ng upo sa kama.

"E-eh, kasi naman eh. Wala akong kausap eh" si Mica.

"Edi si Jamie. " si Veronica.

"Gusto ka din naming kausap. " si Jamie.

Napairap nalang si Veronica.

"Bakit ba? "

Bumuntong hininga ang dalawa at malaking ngiti ang ginawa nila.

"Pagluto mo kami ng ano,  ng... Gusto naman namin ng sinigang." si Mica.

Kunot noong tinignan ni Veronica ang dalawa.

"Sigina!!! Sawa na kami sa food dito. Puro nalang Korean food. Korean food. Korean food! Gusto naman namin Filipino food." nakangusong sabi ni Jamie.

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon