[33] Calm First.

11.5K 285 35
                                    

Chapter 33

THIRD PERSON

Ang lahat ay nakatingin kay Venon na ngayon ay walang malay matapos itong saksakan ng pampatulog.

Nagsimula kasi itong magpumilit tumayo at manlaban nang malaman na wala silang maihaharap na Samantha sa kanya.

Nagumpisa siyang magalit.

Hindi pa maayos ang kalagayan niya. Kailangan niyang magpahinga at huwag biglain ang sarili. Matagal din siyang na coma at idagdag mo pa ang mga natamo niya mula sa nangyari sa kanila ni Samantha sa pag talon nila sa helicopter.

"Paano na to? " si Zae. "This is fucked up!"

Napabuntong hininga ang lahat. "He needs to calm down first. Kailangan niyang mag palakas." si Sage.

Nagkanda sabay sabay ang lahat at hindi naman kasi nila akalain na mag susunod sunod ang lahat ng pangyayari.

Akala ba nila ay alerto sila? Kailangan itong maayos lahat!

"We know Venon. Gagawin niya kung ano man ang gusto niya. We can't  stop him easily. Lalo na nawawala si Samantha." si Red. 

Natahimik ang lahat.

Kanya kanya sila ng iniisip at pinaplano. Alam nila kung gaano kaingat na ingat si Venon sa asawa niya. Saka naiintindihan naman nila kung bakit nag kakaganito si Venon.

Si Samantha iyon eh..

"Fuck. We need to find an idea before everything turns into mess. Literally a mess." si Red.

-

Muling nag karoon si Samantha at ayaw niyang idilat ang mata niya. Ayaw niyang maaninagan ang impyernong kinaroroonan niya.

Kanyang nakatulugan ang pagiyak.

Wala siyang ibang ginawa habang umiiyak kundi ang mag dasal na sana bangungot lang ang lahat.

Natatakot siya. Hindi niya alam kung ano ba ang mga susunod na mangyayari. Kung ano ba ang mga susunod na mangyayari sa kanya. Hindi siya makaisip ng ideya kung paano ba siya makakatakas dito.

Hindi sa pinanghihinaan siya ng loob pero alam niya sa sarili niya na hindi siya makakalaban. 

Kanyang iminulat ang kanyang mga mata at heto... Nandito parin siya sa kwarto, nakatali sa kama at talagang imposibleng makatakas.

"Tanginang tali ito." pilit niyang hila sa mga kamay niya ngunit walang nangyari. "Paano ba ako makakaalis dito?!"

Naagaw ng lalaking dumating ang kanyang atensyon. Oras na nakapasok at naisara nito ang pinto ay sumilay agad dito ang malaking ngisi nang makitang gising na si Samantha.

Agad na nakaramdam ng galit si Samantha nang makilala kung sino iyon.

"You're awake. " masaya nitong sabi. 

"Pakawalan mo ko dito Aspen!" galit na sabi ni Samantha.

Nakangiti na umiling iling si Aspen at pumunta sa tapat ng kama.  "At bakit ko naman gagawin yun?" he asked while chuckling.

"Dahil gusto ko! Pakawalan mo ako dito!" si Samantha na pilit siyang sinusugod ngunit siya ay nakatali.

Nawala ang ngiti ni Aspen at ang seryoso siyang tinignan. "No Samantha. Dito ka lang. Di ka na niya makukuha sa akin. Akin ka lang. " si Aspen.

Nilabanan ni Samantha ang tingin na iyon ni Aspen. Ang daming tanong sa isip niya. Bakit ba siya? Kung bakit ba gustong gusto siya nitong makuha?

Dahil sa kasal? Pero ano naman kung ikasal siya sa kanya?

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Where stories live. Discover now