[16] Hickey.

19.3K 452 39
                                    

Chapter 16

Nagising si Venon na masakit ang ulo.

"Shit.." fuck this hang over.

Napabuntong hininga si Venon sa iritasyon at pilit na bumangon. Didiretso na sana siya sa baba para sana kumuha ng gamot nang isang basong tubig na may takip at platitong may gamot ang naka agaw sa kanyang atensyon na nakalagay sa kanilang bed side.

Kinuha niya ang sulat na naka dikit sa baso.

'Take this med. You were drunk last night.  This will help you to your hang over. Good morning :)

- Samantha '

Parang panandaliang nawala ang iniindang hang over ni Venon ng mabasa iyon. Nangingiting ininom niya ang gamot at sumandal a head board para ikalma ang sarili.

'Damn this hang over..' Venon.

Medyo napailing iling pa siya. Iinom inom siya tapos ngayon mag rereklamo siya.. Tss.

Iminulat niya ang kanyang mata at tinignan ang asawa. Parang may sariling isip ang kanyang bibig nang mag form ang ngiti doon.

'Thanks for the med.' Venon.

Ngunit agad ding nawala ang ngiti niya nang parang piniga ang ulo niya. Letcheng hang over yan. 

Pero, bakit hindi niya maalala kung paano siya napunta dito sa kama at natulog sa tabi ni Samantha?  Wala naman siyang nasabi na kahit ano sa asawa diba? Mas lalong...

'Shit.. Anong ginawa ko kagabi?' Venon.

Napamura nalang siya nang lalo lang sumakit ang ulo niya kakaalala ng mga nangyari. Mamaya nalang niya iisipin siguradong maalala naman niya eh.

Nahiga siyang muli at hinarap ang likod ni Samantha. She really do have perfect curves even though in different positions. Lumapit siya kay Samantha at niyakap siya ng mahigpit, feeling her warmth and skin.

'My beautiful wife..' Venon.

-

Dumeretso na si Samantha sa sala nang magising. Hindi niya pa naaninag si Venon at mukhang naliligo ito kung saang banyo. Mas mabuti na munang hindi niya muna makita ang asawa dahil kagabi muntik na talaga!

Tuwing naalala niya kumakabog yung dibdib niya tapos bigla siyang namumula. Hindi niya alam kung ano ba nararamdaman niya pero talagang kinakabahan siya na parang maeexcite na parang nabubwisit na natutuwa.

'Ano Samantha?  Di ka naman tigang ah? Umayos ka nga..' Sampal niya sa sarili niya. 'Pero yung mga mata ni Venon. Yung mga mata niya.'

"A-ah.. Samantha ayos kalang ba?" bakas ang gulat sa tanong ni Eve.

"H-huh?"

"Mrs. Lee may problema ka ba?  Bakit mo sinasampal y-yang sarili mo?" si Zae.

Natitigilang umuling si Samantha. Sinampal niya talaga sarili niya?  A-ano namang nangyayari sa kanya? "A-ayos lang ako. A-akala ko kasi may lamok eh hehe.."

Nakangiwing napailing iling si Red. "Yan ba napapala ng mga nag aasawa?"

"Nakakabaliw mag asawa. Lesson learned..  Pagbutihan ang pagdidisisyon sa buhay. Wag basta basta nag papakasal." patango tangong sangayon ni Zae.

'As if naman binigyan niyo ko ng choice na huwag mag pakasal..' Samantha.

NEWS: Babae, natagpuang patay. Bangkay, natagpuang palutang lutang sa isang sapa.

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant