From: Paul Trevor
Nasaan ka?

Pero ilang minuto ang lumipas at hindi siya nag-reply! Sheesh!

Nilibot ko na rin tuloy ang sarili ko habang ang mga mata ko'y pabalik-balik ng lingon sa kaliwa't kanan. Bahagya akong kinabahan na hindi ko malaman, ng magsimula nang magbuo ang utak ko ng mga tanong...

Bakit bigla siyang nawala? Nasaan na siya? Naligaw ba siya? O Iniwan niya talaga ako??

Inis akong napakamot sa batok ng lalong marindi sa katotohanang iyon. Of course, Trev! Kailan pa iyon naligaw? Pero hindi rin naman imposibleng naligaw talaga siya! Pero... Damn!

Sa dami ng tao, ay sinubukan ko pang makipag-siksikan para makadaan sa kabilang parte ng museo, pero bigo akong makita siya.

Nang halos hingalin na ako dahil sa kakalakad, ay agad natagpuan ng mga mata ko ang bag niyang Dakine na naka-dungaw sa isa sa mga glass display kung saan sa loob ay may isang combat knife. Titig na titig siya rito at binabasa pa ang description na nakalagay sa glass.

Nanlamig bigla ang mga kamay ko, kaya hindi ko tinangkang humakbang papalapit sa kanya. Naititig lang ako sa kanya sa 'di-kalayuan, na nagbigay ng bigat ng loob sa aking dibdib. Nilabas ko muli ang phone ko't nagtext.

From: Paul Trevor
Nasaan ka?

Gulat akong makita na kinuha niya ang phone niya sa bulsa, at binasa pa ang text. Kunot ang aking noo ng mapansin ang naging malungkot niyang reaksyon. Tumagal iyon, at sa hindi malamang dahilan, ay ibinalik ang phone sa bulsa. Bumagsak ang balikat ko, at parang nanlumo sa nakita.

Ano bang nangyayari, Exellor? I thought we're okay?

Pinikit ko ang mga mata, at pinilit na humakbang, pero parang biglang kumirot ang puso ko sa mga naiisip. Umuulit ang mga huling katagang sinabi niya sa akin bago tuluyang magbago ng ganito... I don't deserve you... Nang buksan ko muli ang mga mata ko, wala na siya roon. Titig pa rin ako kung nasaan siya kanina.

“Bro, are you okay?” biglang may nagsalita sa likuran. Tumalikod ako't nalamang si Jayvee iyon, kasama si Rhianne.

“Y-Yeah–”

“Trev?” biglang nagtatakang singit ni Rhianne, kaya napatingin ako sa kanya. Kahit papaano, ay magaling rin magbasa si Rhianne ng emosyon ng tao, lalo na pag-kakilala niya.

Magkapatid nga.

Napabuntong-hininga ako. “I just don't want to talk about it.”

“It's about her, isn't it?” Of course, Jayvee had to nail it. Tumango na lang ako.

“Iniiwasan niya yata ako.”

“Pano mo nasabi?” tanong ni Rhianne.

Nang maikwento ko sa kanila ang lahat, sa kung paano pa muna siya nawala sa tabi ko, haggang sa makita kong hindi siya nag-reply sa text ko. Parehas silang ngumiti, at parang alam ba ang gagawin.

“Nako, nasasaktan ka talaga? Eh sa ngayon, intindihin mo na muna. Alam mo naman siguro sa sarili mo na hirap siyang magtiwala diba? Pero that doesn't mean she doesn't care for you... and she isn't showing you any kind of mixed feelings, talagang natatakot lang siya sa magiging desisyon niya kasi either ikakasakit mo o ikakasakit niya o ng lahat.” sabi ni Jayvee, at tumango si Rhianne ukol rito.

“Tsaka Trev, she needs you. Hayaan mo lang ang sarili mo na gumawa ng effort. Natural lang iyan, dahil syempre, hindi naman talaga agaran ang pagkakaroon ng tiwala. Actually, base sa kwento mo, ang masasabi ko, ay may tiwala siya sa'yo, ang kaso, nahihirapan siyang panghawakan yung tiwala na iyon kasi hindi iyon ganoon katatag o sadyang may bagay na humaharang sa kanya, dahil alam niya sa huli, talo siya, at syempre damay lahat noon. Kung titingnan mo nga siya, nabibilib ako kasi, hahayaan niyang masira siya, 'wag lang iba. She cares for you, Trev. Sabi ko namang 'wag siya susukuan. This is our first day anyway, tsaka hindi pa naman talaga magsisimula iyon dito...” dagdag pa ni Rhianne.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now