Para akong maluluha... na ngingiti. Mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko, at hindi ko malaman kung anong iisipin. Parang wala na akong pakealam sa paligid ko, kung hindi ang babaeng nasa harap ko.

Wala mang bakas na emosyon sa mga mukha niya, pati sa mga boses niya ng sabihin iyon, ay parang nabigyan niya iyon sa mga naging salita niya. Iba talaga siya...

"Then I'll make you happy." halos maibulong ko. "Don't think that you're giving me pain, kasi sa paglayo mo palang nasasaktan na 'ko. But I don't give a damn kung masasaktan ako kasi alam ko namang mararamdaman ko 'to kasama ka. Just come with me... Simulan natin sa field trip."

Napalunok siya, at ilang saglit ang lumipas bago ko nakitang may kinuha siya sa bag, at nilapag sa mesa. Iyon ang waiver niyang may pirma ng papa niya! May balak talaga siya??

"Sure." sagot niya, at ngumiti muli. At doon ko talaga nakita ang sinserong sagot niya. Tumayo siya at tiningnan muli ako, tingin na nagsasabing totoo siya sa mga sinasabi. Nang tuluyan na ngang umalis sa canteen, ay kinuha ko ang second waiver niya.

Nang matapos ang lunch break, ay gigil na gigil magtanong si Kylie tungkol sa mga nangyari. Nakabalik na kami sa room at sa kanya-kanyang upuan muli naupo. Katabi na ni Exellor sina Jamiel at halata naman sa babaeng iyon ang pananahimik bagama't maraming sinasabi si Jamiel sa kanya.

Walang alinlangan naman akong nagkwento kay Kylie, na kinilig ng matapos ko iyon. Si Greg at Jay ay nakinig rin, pero ngiting-ngiti sila ng matapos ko ang kwento.

"Buti na lang talaga pwedeng magpa-extension ng stay for 3 days after ng field trip! Yas!" ani Kylie.

"Talagang extension ha?" natatawang tugon ni Greg.

"Ay, oo naman Greg, yung nasasaksakan ng electric fan tsaka TV!" sarkastikong banat nanaman niya, at binaling muli ako. "Ñeta, ang sweet naman pala! Sa Nueva Ecija pa! Naks, swerte ko yata't napadpad ako sa school na 'to!"

"Saan nga ba tayo niyang lugar sa Nueva Ecija? 'Di nabanggit eh." biglang tanong ni Jayvee.

"Sa Cabanatuan tayo, mga 4 hours ang biyahe by bus." sagot ko.

Napangiwi si Greg. "Nako, ang tagal yata?"

"Kaya nga yung alis natin, mga 7:00, pero dapat nandoon na lahat ng 6:30 sa collection of students. At alam mo naman yung Florentin sa mga sched, talagang seryoso."

"OO nga! Iwan ba naman ako dito sa school noong na late ako sa fieldtrip last year?!" singhal ni Kylie na ikinatawa naman namin.

Na-late kasi si Kylie ng 2 minutes noon kaya talagang iniwan ng bus. Kaya tuloy hindi na siya tumuloy. Ganoon ka-seryoso sa sched ang Florentin.

***

Dumiretso na ako ng uwi ng bahay kahit na medyo okay na kami ni Exellor kanina. Naisip ko na munang magpahinga at hayaan muna siya dahil sa oras na bumalik ulit ako'y hindi na siya matatahimik! Natawa ako sa mga ideyang naiisip para gawin sa Palawan. Sigurado akong diretso kami niyan sa beach para sa nasabing extension na vacation.

At syempre dahil hindi naman requirement ang field trip (pati extension) ay nakausap lahat ng parent na nagpasa ng waiver. Hindi na rin doon nakalagpas si Papa.

Buti na lang at pinayagan niya ako. Pero ramdam ko sa mga salita niya na parang may kung anong bumabagabag sa isip niya para paghinalaan ako ng dahilan kung bakit sasali pa ako sa extension.

"Gusto mo yatang mag-bakasyon ng maaga?" tanong pa nito pagkapos makausap ang guro ko by phone.

"Hindi naman Pa, I just want to go there. Nueva Ecija is beautiful, after all..."

Beanie GirlWhere stories live. Discover now