Hindi ko inaasahan ang sobrang katahimikan sa aming dalawa habang parehas na kumakain. Para bang nawala ang tao sa paligid namin at kami lang dalawa ang nandito. Hindi ko naman masasabing malamig ang pakikitungo niya ngunit ramdam mo ang higit pang katahimikan na dala niya, kaysa sa usual niyang ugali.

"K-Kumusta?" tanong ko, na ikinabasag ang katahimikan.

"... Not fine." hindi ko inaasahang sasagot siya!

"B-Bakit? M-May s-sakit ka ba?"

"None."

Eh bakit hindi siya okay??

"E-Eh b-bakit hindi ka okay?"

"Many reasons." tugon niya bago uminom ng tubig na nasa baso. Nabilib ako sa sarili dahil nakakayanan ko ang mga malalalim niyang titig habang kinakausap ako, at sabay niya noon ang pagkain niya.

"You don't have to do this to yourself." tugon ko, kaya natigilan siya. Nang titigan niya ako, ay para pa akong kinilbutan dahil sa matinding emosyon na nabasa ko sa mga mata niya. Hindi ko man inaasahan iyon at hindi ko kailanman naisipang makita iyon ng ganoon na lang! Pinigilan 'ko ang panghihina dahil sa nakita at hinintay ang magiging sagot niya.

"I'm not doing this to myself."

"Ha?" pagtataka ko.

"Life's doing this to me." Simple pero tagos-pusong sagot ang naibigay niya. Bahagya akong napangiwi sa sinabi pero agad itong napalitan ng lungkot.

"Or maybe... it's really me. I can't tell." dagdag pa niya, na hindi inaalis ang titig sa akin.

"But still... Ayokong nakikita kang ganyan."

Ngumiti siya, ngunit hindi iyon umabot sa tenga. "I know. I can feel it."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o lalo lang malulungkot dahil sa sinabi niya.

"Please... let's go back the way we were before..."

"I don't know how..." pag-amin niya, at tuluyang nailapag ang mga kubyertos na hawak sa tray. "I want to do that without things that will try to keep us out."

"Then let's face those things together."

"You'll get hurt." mahinang sabi niya, kaya mas lalo kong inilapit ang mukha ako para mas matitigan siya sa mga sandaling iyon. Nagmamalikmata man o hindi, halata sa mga mata niya ang nagbabadyang mga luha. Halos mapamura ako ng sangkatutak sa ulo ko dahil sa nakikita! Nanghihina ako ng hindi ko malaman!

"Exellor, ang paglayo mo palang sa'kin, nakakasakit na."

Bahagya siyang napaatras sa nasabi ko. Ngumiti ako para makuha niya ang mensaheng ayos lang iyon.

"Pero mas gugustuhin ko iyon kasi mas nararamdaman ko ang katotohanan at sinseridad sa'yo. Mas nararamdaman ko ang nais mong iparamdam, masakit man o hindi." dagdag ko.

"Truth does hurt." umiling-iling siya. "And as of now, you know why I'm in pain... 'cause everything I showed you is the truth. Every feeling that I felt for you's the truth."

Para akong nawalan ng hangin sa sinabi niya, at nagsisimula nanamang kumabog ang dibdib ko. Gusto ko man magsalita, ngunit tuwing ibubuka ko ang mga bibig ko'y walang salitang lumalabas. Ang laki ng epekto ng mga salita niya.

"I can't pretend myself to be happy. I can't pretend that I could smile. The girl in front of you is a something complicated. Wisdom befriended her words, but deceit befriended her actions."

Kahit na napakaikli noon ay napanganga ako at parang wala paring mailabas na salita mula sa bibig. Namamangha ako sa babaeng kaharap ko ngayon, dahil walang takot niyang ipagpaalam sa akin ang katotohanan na meron siya. Pati ang mga nararamdaman namin sa isa't isa. Kahit walang naikukwento sa akin ay para na siyang nagkuwento ng buhay niya sa akin, mula sa unang pagtibok ng puso niya hanggang sa oras na ito na tinititigan ko ang kanyang mga mata.

Beanie GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora