Chapter 29: Nahulog Sa'yo

Comenzar desde el principio
                                    

Unang nagperform ay hindi ko kilala. Banda rin sila na medyo pang-emo yong mga kanta. Si Jesse naman ay panay ang picture sa nagp-perform. Huminga ako ng malalim at pinilit na mag-enjoy. Nakikisabay na rin si Ari at ako na lang ang tanging nakatindig at parang natutulala sa tabi.

"Loosen up! Time to get your groove back in the next performers!" Jesse shouted and grabbed my arm at pinilit itong iwagayway sa taas. I grimaced and Ari just laughed while looking at us.

Natapos na ang pangalawang band at ngayon kinakabahan na ako. Lalong lumakas ang sigawan sa paligid at rinig na rinig ko ang pangalan nilang apat ni china-chant ng mga tao na nandito.

Jesse grinned and pinched me in ny arm. Halatang kinikilig siya at the same time, excited.

"Omo! Mapapanood ko ulit sila ng Live!" Nakihiyaw na rin ito at lumayo ako ng konti dahil ang sakit niya sa tenga. And then an idea popped in my mind.

I glanced at Ari who's now frowning dahil sa sigawan. Lalong lumakas ang hiyaw nang may tumunog na gitara. Kinabahan na ako kaya hinawakan ko na agad si Ari sa kaniyang braso.

Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. I acted like I'm feeling down at hindi ko kayang manood sa kanila. Then worry crossed her eyes.

"Why? May masakit sa'yo?" Tumango ako at kinagat ang aking labi.

"Can I go out? Hindi ko na kaya..." Shit! Bakit nasakit na talaga ang tiyan ko? Not an ordinary sakit, 'yong bang nahilab tapos parang may kuryente na tumutuloy sa braso ko.

"W-wait-- baka kasi mawala ka. Hindi ko alam ang daan dito, let's ask Jesse." Magsasalita na sana siya nang biglang may lumabas na apat na lalaki sa stage.

Pinigilan ko si Ari nang akmang kakausapin niya si Jesse. I slightly waved my hand saying don't at nagthumbs up na rin ako. She gave a little smile at nagfocus na sa unahan.

I heaved a deep sigh as I stared at them and memories flashed in my mind. Lumunok ako nang tumama ang mata ko sa kaniya. He still got his mysterious aura tuwing nagpeperform siya. Nakapikit siya while strumming his guitar at nakanta.

"Yo momma said that you should be home~" Rinig kong sabay ni Jesse.

Umabot na sa chorus ang kanta and I tried my best not to look at him. Ayoko nang magtama ang aking mata, sa tuwing nangyayari kasi 'yon nagsisisi ako sa ginawa ko. I'm too selfish for my own sake!

"Good evening, we are IV of Spades and thank you for having us!" Sabi ni Zild at nagsimula na ulit silang tumugtog.

Nakita ko kung paano kumalma ang mga nanonood at unti-unting nagsway nang nagsimulang kumanta si Unique.

"Sayang, wala akong boyfie. Edi sana meron din akong kaganyan." May ininguso si Jesse kaya napatingin ako sa aking bandang kaliwa at nakita ko 'yong lalaki na nakaback hug sa babae at nakikisabay sa pagkanta.

Agad akong napangiwi at mabilis na nag-iwas ng tingin. Pang magkasintahan nga pala ang kantang ito.

Nanlaki ang aking mata nang biglang niyapos ni Jesse ang aking braso at nakangusong tumingin sa akin. I gave her a frown at ngumiti lang siya.

"Kunwari, mag-gf tayo." Nasamid ako at agad siyang itinulak. Napatawa naman siya bago bigyan ako ng peace sign at humarap sa stage. "ANG GWAPO MO BADJ!" Napaface palm kami ni Ari nang isinigaw 'yan ni Jesse.

Napatingin naman sila sa aming gawi at napaawang ang bibig ni Zild nang makita ako. Gano'n din si Badjao na tipid lang na ngumiti.

Napalunok ako at tumingin kay Unique na patuloy sa pagkanta. Sumulyap din ako kay Blaster na naggigitara at parang dito lang nakaikot ang kaniyang mundo ngayon.

"Mundo'y magiging ikaw..."

Napatingin sa aking gawi si Unique at kumindat kaya nagsigawan ang mga babae sa aking likod. Yumuko na lang ako pero laging pumapasok sa aking isip na kumindat si Unique and I'm not even sure kung sa akin ba 'yon. Ipinilig ko ang aking ulo at tumingin na lang sa stage at pinilit binalewala ang nangyari.

Natapos na ang performance nila at ngayon nakikisiksik kami sa alon ng mga tao. Gusto kasi ni Jesse na makapagpa-picture sa kanilang apat at para daw may tagakuha ng pictures, isinama niya kaming dalawa. Noong una ayokong sumama kaso hinawakan niya ng mariin ang braso ko at kinaladkad.

Nasa may parking lot sila ngayon. May mga nagpapa-picture din na babae na may hawak na mga bond paper at doon nakasulat ang kanilang pangalan.

"Gosh! Ayan na!" Humarap siya sa amin at tinanong kung ayos lang ba ang itsura niya. Bored na tumango si Ari at gano'n din ako na namamawis na ang palad.

"Hi po! Pwede pong magpa-picture?" Mahinhin niyang tanong sa apat. Ngumiti naman sila at pumayag.

Si Ari ang magpi-picture kaya naman tumalikod na ako at kunwari ay may hinahanap pero ang totoo, I'm just avoiding eye contact with them.

"Salamat! Ang galing niyo nga pala kanina." Pahabol pa ni Jesse at naglakad na kami.

Hindi pa kami nakakalayo nang may humawak sa aking balikat kaya napatigil ako. Napatigil din ang dalawa sa paglalakad at nagkatinginan.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng panunuyo ng aking lalamunan.

"Wait- miss?" Humarap ako sa taong nagmamay-ari ng boses na 'yon. Tumuwid ng tayo si Unique at may inabot sa akin na papel.

Kumunot ang aking noo at tiningnan siya. Tipid naman siyang ngumiti at napakamot sa batok matapos tumikhim.

"Uh.. Nahulog sa'yo." 

Napatango ako kahit wala naman akong matandaan na may papel ako sa aking bulsa.

"Sige, s-salamat..." Nagbow ako ng kaunti at tatalikod na sana kaso nahagip ng mata ko si Blaster na nanliliit ang mata sa amin.

Umiwas na ako ng tingin at nakisabay na kina Ari sa paglalakad. Huminga ako ng malalim at napailing. What a small world.

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora