Chapter 30: Traitor!

1.6K 43 2
                                    

Someone's P.O.V

"Pasensya na po mahal na hari ngunit nakakainis lang talaga ang royalties, kaya di namin napigilan ang aming emosyon."

"Mga walang kwenta! Siguradohin niyo lang na may mahahanap kayong kasabwat sa pagpapabagsak sa Royalties!" Sigaw ko sa kanila.

"Masusunod po mahal na hari," sabay nilang sabi bago umalis ng aking silid.

Maghintay lang kayo mga kaibigan dahil kung hindi ko kayo kayang mapatumba, sa mga anak niyo na lang ako kukuha ng lakas para pabagsakin kayo. Iapagtatanggol ko si mom.

Matagal ko na itong pinag-isipan kaya sigurado kong magtatagumpay ako dito.

Madami na ang mga nagamit kong nilalang para sa pagdating ng araw na pinakahihintay ko kung saan magsisimula ang aking paghihiganti.

Silang dalawa na ang kokompleto sa plano ko, ang plano kong makuha ang kapangyarihan ng kambal na matagal ko ng inaasam asam.

At kapag nakuha ko na yun sa kanila, ako na ang maghahari ng buong Mystica, at pwede ko ng ipaghiganti ang aking pinakamamahal na ina, sisiguradohin kong mararanasan nila ang hirap at sakit na naranasan ko noon.

"Mahal na hari,"

Napatingin ako sa dalawang babaeng kakadating lang.

"Bakit kayo nandito, akala ko ba ibinilin ko kayo sa Royalties?"

Yumuko sila at di nakasagot.

"Patawad po mahal na hari ngunit nadulas po kami at nasabi po namin sa kanila kung sino kami."

"Ano!?"

"Pero 'wag po kayong mag alala mahal na hari meron na po kaming plano." nakangiting sabi ni Mina.

"Mabuti naman kung ganun, siguradohin niyo lang na di kayo papalpak at huwag na 'wag niyo akong ilaglag," seryoso kong sabi sa kanila.

"Opo mahal na hari, masusunod po." Sabi ni Nina.

"Dahil sa oras na mangyari iyon, wala na kayong mauuwian na pamilya. Tandaan niyo, hawak namin ang magulang niyo kaya 'wag niyo akong traiduriin, maliwanag?" pahabol kong sabi.

Tumango sila at lumabas na.

Mga uto-uto!

BWAHAHAHA!

="="="="="=

There has always light

in every darkness.

="="="="="=

The Supernatural TwinsWhere stories live. Discover now