Chapter 34: Princess Cira

1.5K 51 2
                                    

Cira's P.O.V

"Guys gising na si Cyra,"

Sabay kaming napatayo ng marinig namin ang sigaw ni Jill.

Nakita naming pababa na si Cyra ng may dala-dalang ngiti sa labi.

"Ayos ka na Cy?" tanong ni Blaze sa kaniya ng malapitan niya ito.

"Yes Ze, okay na okay." nakangiti niyang sagot tsaka hinalikan si Blaze at naglakad na papunta sa bakanteng upuan.

"What the eff..." rinig kong bulong ni Hayden kaya nasiko ko siya sa may gilid.

"Wait, may namumuo na ba ah!?" nakakalokang tanong ni Aira.

"Pfft, mag ayos na nga kayo dun para makaalis na tayo." natatawang sabi ni Cyra.

Mag- aayos?

"Huh? Saan tayo pupunta ate Cy?" nagugulohan kong tanong.

Ngumiti siya tsaka naglakad papalapit sakin.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napangiti ako.

"Masaya akong nakabalik ka na sa amin ngunit, mag-ayos na kayo para makaalis na tayo agad dahil baka mainip na yung sundo natin." sabi niya tsaka kumalas sa pagkayakap niya sakin.

"Anong ibig mong sabihin, Cyra?" naguguluhang tanong ni Hayden.

"Ang kulit niyo naman, mag ayos na kayo dahil sasama kayo sa amin. Pinaalam ko na din ito kela tito at tita."

"YES!" bigla nilang sigaw.

Ang gulo nila.

Pero kahit na naguguluhan ako, mas pinili kong tumahimik na lang at pumumta na lamang sa kwarto para makapagsimula na ring mag-ayos.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako.

Nakita ko silang nakatayo na sa pintuan at mukhang ako na lang ata ang hinihintay.

Sinusunod ko lang sila hanggang sa mapatigil ako dahil sa nakita kong malaking karo na may pakpak tsaka may mga pegasus sa unahan neto.

Nakasakay na silang lahat pero heto ako, nakatitig pa din.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

Tiningnan ko ang nilalang na ito tsaka ko nalaman na si Mr. Flame Boy pala.

Napayuko na lang ako dahil pakiramdam ko ay namumula ako.

"Dito na tayo maupo." mahina niyang sabi.

Tiningnan ko muna siya tsaka na umupo.

"Sigurado akong matutuwa sila Daddy sa bago nating miyembro." masayang sabi ni ate Cy.

Nginitian ko siya ng makita kong nakatingin siya sakin.

Napatingin na lamang ako sa gilid ko, kitang kita dito ang buong Academy, ang ganda.

"
Enjoying the view?"

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Nahampas ko tuloy si Hayden dahil sa gulat.

Umusog ako ng kaunti dahil ang lapit niya sakin, as in ang lapit-lapit niya talaga.

"Magsalita ka naman." natatawa nitong sabi.

"Pfft, maya na. Inaantok pa ako." sagot ko sa kaniya.

Nginitian ko muna siya bago ko ipinikit ang aking mata at sumandal sa inuupuan ko.

Napamulat ako dahil sa lakas ng tawanan nila.

Nakita kong nakatayo pala si Jill at Aira. Mukhang nag-aaway.

Napatingin ako sa katabi ko pero tulog pala.

"Ang bakla mo talaga eh no," mataray na sabi ni Aira.

"Ang panget mo talaga eh no." panggagaya ni Jill sa boses ni Aira.

Pft, ang kukulit nila.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas.

Bigla akong naistatwa ng maramdaman kong napasandal si Hayden sakin.

Di ako gumalaw at hinayaan na lang siya. Ang bigat naman pala ng ulo neto.

Naramdaman kong pababa na ang sinasakyan namin kaya napatingin na naman ako sa gilid.

Woah! Ang laki naman pala ng kaharian ni ate Cyra.

Ayy, namin pala.

Ano kaya ang magiging reaksyon nina Dad pag nakita nila ulit ako, makikilala pa ba nila ako?

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko sa pagsigaw ni ate Cy.

"Andito na tayo, baba na kayo Royalties."

Tinapik ko si Hayden pero di pa rin gumigising.

"Uhm, Hayden andito na t--tayo." bulong ko sa kaniya.

Unti- unti niyang binuksan ang kaniyang mga mata tsaka nag stretch.

"Haaay, salamat sa pag- gising, Rara." nakangiti niyang sabi sakin.

Shems puso kalma ka lang, please.

Bumaba na kami tsaka sumumod kay ate Cy.

Tinitigan ko ang paligid, medyo nag iba pala ang kaharian.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa napatigilna kami sa malaking pintuan.

"Kambal, ready ka na ba?" baling sa akin ni ate Cy.

"Yes naman ate, kahit na medyo kinakaban lang kunti lang naman hehez." sagot ko sa kaniya ng nakangiti.

Bumukas ang pinto kasabay neto ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa saya.

Nakita kong napatigil ang iba ng makita nila ako.

Pinauna ako nina ate Cy sa paglalakad, nakikita ko ang trono nina Mom and Dad.

"Mahal andito na daw ang mga bata." rinig kong sabi ng babaeng una kong nakita ng magkaroon ako ng buhay.

"Okay mahal, sandali lang." rinig kong sigaw ng una kong minahal na lalake.

Nang makita ko sila, mas bumuhos pa ang aking luha.

Napatigil sila ng makita nila ako, ang ngiti nilang napalitan ng luha.

Mabilis kong tinakbo ang pagitan naming tatlo tsaka sila niyakap.

"Mom, Dad," banggit ko.

"C--Cira, anak." bulong ni Dad.

"Anak, nagbalik ka na nga." tuwang- tuwa sabi ni Mom.

"Andito na po ako," nakangiti kong sabi.

"Na surprise kayo Mom noh? Dad?" sabi ni ate Cy.

Niyakap siya nina Mom at Dad tsaka ginulo ang kaniyang buhok ng ikinalukot ng mukha niya. Natawa na lang ako sa kanila.

"Hali na kayo at doon tayo sa throne room mag-usap, dahil alam kong mapapahaba ang ating usapan." natatawang sabi ni Dad.

Niyakap pa ako ni ate Cy bago sumunod kila Dad.

Ang sarap sa pakiramdam na bumalik dito. Mas nagiging malinaw saking isipan ang mga dating ala-ala.


="="="="="=

FAMILY is not just a

THING,

It is EVERYTHING.
="="="="="="=


The Supernatural TwinsWhere stories live. Discover now