Chapter 27: Armada

1.6K 50 1
                                    

Khayesel's P.O.V

I'm sorry Monique

Haayst kung sana lang I am strong enough na ipaglaban sa kaniya ang pagkakaibigan natin pero hindi eh wala akong laban sa kaniya dahil bukod sa natatakot ako, mas nangingiibabaw pa din ang takot kong di na niya ako kikilalanin as her daughter.

Goodbye for now my dearest best friend.

Napatigil ako sa harap ng malaking pinto na nakapwesto sa pinakadulo ng hallway, kumatok ako ng ikatlong beses tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Mahina ko itong ipinihit at dahan- dahang pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakatayo patalikod sakin at mukhang may kausap through their minds, umupo na lang muna ako sa malaking sofa at pinaringgan na lamang sila using my senses.

"I'm sorry dad pero hindi ko siya nakuhanan."

Nakuhanan? At anong tawag niya kay Dad? Haayst, baka mali lang ang pagkarinig ko dahil imposible namang kapatid ko 'yun dahil nag iisang anak lang naman ako.

"Ano ka ba naman Amythest, ang dali- dali lang ng pinapagawa ko sa'yo tas di mo pa nagawa?"

"Calm down daddy di pa naman natin nagagawa ang ika-tatlumpu't tatlong libo at apat na raan nating plano, di ba nga sabi ni mamsie 'wag tayo mawawalan ng pag asa."

WTH. 33,339 NA ANG NAGAWA NILANG PLANO!?

"Yeah right."

"Bye dad,"

Napailing pa si daddy bago ito mapatingin sakin at ngumiti.

"Khayesel anak, kanina ka pa ba d'yan?"

"Ahm di naman po Dad." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"So about your friend, Monique, I want you to be friend with her again."

Say what!?

Di ako nakapagsalita, bakit ba kelangan na pati si Monique ay madamay dito.

"Dad, I-- I can't understand you. Bakit ko pa ba 'to kelangan na gawin, I mean sa dinami- dami ng pwedeng gawin eh bakit kelangan ko pa pong manggamit ng ibang nilalang para maging proud ka sakin?" Naluluha kong tanong.

"Just do it, lazy brat." Sigaw niya sa akin

Every time na magkasama kami ni dad, gan'to lang palagi ang eksena namin. Palagi na lang namin pinag-aawayan ang mga pinapagawa niya sakin para daw maging proud siya.

"Ano po ba ang dahilan ng ipapagawa niyo sakin Dad?" kalmado kong tanong.

"Remember your mamsie? Orogotha, yung palagi kong ikinukwento sa'yo." 

"Yes dad, yung namatay mong mother because of that war between our kingdom and Mystica." sabi ko.

"Exactly, gusto ko lang iparanas sa mga magulang ng mga estudyante ko na tinatawag niyong Royalties kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Kitang- kita ko kung papano nila pinatay ang mom ko, and by that day, ipinangako kong ipaghihiganti ko siya."

"That's it dad? Wala namang kasalanan ang royalties sa nangyaring digmaan diba? Kaya ba binigyan niyo ng misyon ang Royalties na dalhin dito si Cira para po ba makumpleto sila at magsama na ang kambal, para makuha mo ang inaasam asam mong kapangyarihan, dad?" Tuloy- tuloy kong tanong habang pinipigilan ang mga luhang gusto nang kumawala sa mga mata ko.

I didn't get any response from him intstead, he gave me those annoying smirk.

"So all this time pala dad, ginamit mo lang ako para makuha ang gusto mo? How rude dad. Ang sama sama mo. Starting today, di ko na susundin ang iuutos mo, at hinding hindi na ako magpapagamit sa'yo." Sigaw ko sa kaniya.

"Do what you want Khayesel, di ako mawawalan dahil andyan pa ang kapatid mong tanga para sumunod sa mga utos ko." Sigaw niya habang tumatawa na para bang baliw.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig kong pagbanggit niya ng kapatid.

"Ano yun, Mr. Armada?" baling ko sa kaniya. Kahit na naguguluhan na ako, di ko pa rin 'yun pinapakita sa kaniya.

"Nothing. It's for me to say and keep, but for you to find out." Nakangisi netong sabi.

"And oh, don't be too contented na di yan mangyayari ang pinapagawa ko sa'yo dahil may ipapadala akong mga bagong estudyante bukas para gawin ang ipinapagawa ko sayo." Sabi niya pa.

"I wont let that happen." Giit kong sabi.

"Well, let's see my dearest daughter, you can go now." Seryoso netong sabi.

Dali- dali akong lumabas sa kaniyang opisina. Mabilis akong tumakbo habang unti- unting kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hahanap ako ng paraan para malaman lahat ng plano mo da-- Mr. Armada. 

I will protect the Royalties no matter what it takes.

 Lalong lalo na ang kaibigan kong minsan ko ng nasaktan.

="="="="="=

" A real parent will never

put his child in danger

beacuse of what they want."
="="="="="=


The Supernatural TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon