Chapter 22: Ang Basbas

1.6K 61 1
  • Αφιερωμένο στον/ην Luna_Lyte
                                    

Cira's P.O.V

ARGH!

"Kahit na anong pasakit ang gagawin niyo sakin, wala kayong makukuha sa akin!" Sigaw ko sa babaeng parang gatas ang balat at may makapal na make up. I know, mukha siyang doll na pinaglaruan. More like, doll na napagtripan ng mga bata. 

Nagising ako kanina sa madilim na kwarto pero di naman siya gaano ka dilim nakikita ko pa rin naman ang nasa paligid ko. Nagulat na nga lang ako ng biglang sumulpot tong si ate gurlalo at ni wala man lang pasabi sabi na sinampal ako. Mukhang may sapi nga ata to eh.

"Ah ganun pala ah, so gusto mo talagang masaktan?" Tanga ba 'to? Kanina pa nga niya ako sinasampal eh tas tanungin ba naman ako kung gusto ko bang masaktan?

"O baka naman di mo pa alam kung sino at ano ka talaga, Princess Sunshine Cira?" Nakangisi niyang sabi. Nagmumukha siya tuloy parang butiki na naipit. 

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan manika na mukhang pinagtripan ng mga bata na mukhang naiiipit na butiki pag nakangisi ha?" Nakita kong mas nagalit siya sa sinabi ko. Mas lumapit siya sa akin at sinampal ako ng pangalawang beses.

"How dare you talk to me like that, y--you ugly little creature!?" Sigaw niya sakin ng may tumatalsik na laway.

Babarahin ko na sana siya ng biglang umikot ang aking paningin at di ko na alam ang sunod na nangyari.

"Prinsesa Cira..."

"Prinsesa Cira.."

"Prinsesa Cira."

May mga naririnig akong bumabanggit ng pangalan ko. Ngunit nagda-dalawang isip pa ako kung imumulat ko ba ang aking mga mata sa kadahilanan na hindi naman ako prinsesa...

Hindi pa rin tumitigil kaya unti-unti ko ng iminulat ang aking mga mata. Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag.

Dito pala napupunta ang mga namamatay? Ang ganda pala!

"Uhm prinsesa, ako nga po pala si Amerantha. Ako po yung fairy guardian mo." Napabaling ang aking tingin sa pinanggalingan ng maliit na boses. Woah! Ang ganda naman ng anghel na to. Pero anong sinasabi niyang fairy? May angel na pala ngayon na fairy? Galing ah.

"Hi Amerantha, ang ganda mo naman. Paano pala ako namatay?" Tanong ko sa maliit na anghel. Biglang nanliit ang aking mga mata ng tinawanan lang niya ako. Grabe din tong maliit na to isang pitik ko lang to eh.

" Pasensya na mahal na prinsesa pero hindi po kasi kayo namatay. Nagpakita lang po ako sa inyo para ibigay ang basbas ko upang magamit mo na ang iyong kapangyarihan." Nakangiti niyang sabi.

 Huh? Anong basbas? A-anong kapangyarihan?" Naguguluhan kong tanong, ngunit di niya pinansin ang tanong ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang birthmark ko sa may gilid ng tiyan ko. Insecure ba siya sa birthmark ko?

"Nagagalak akong makita ka sa malapitan mahal na prinsesa, palagi kang mag-ingat at andito lang ako palagi para gabayan ka." Nakangiti niya pa ring sabi sa akin.

" S-- SANDALI AMERANTHA!" Sigaw ko sa pangalan  niya pero huli na dahil bigla na naman nagdilim ang aking paningin.

"CIRA! Anong ginawa mo sa kaniya!"

Bigla ako napamulat ng may narinig akong pamilyar na boses.

"Monique?"

Anong ginagawa niya dito?

Bigla akong na alarma ng sakalin siya ng naka all black ng babae kanina.

"Hindi mo ba ako kilala, prinsesa Monique? Ako lang naman si Amythest. Ang babaeng binalewala niyo lang noong mga bata pa tayo. Yung palagi niyong tinatakasan pag naglalaro..." Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihan ng bigla siyang sinampal ni Monique. Ngayon ko lang nakita si Monique na ganito. 

"Wag mong ibaliktad ang kwento Amythest..." Biglang napatigil si Monique ng makita niya ako.

Nakailang hakbang na siya at malapit na sana siya sakin ngunit bigla siyang natumba. 

"NOOOO!" Sigaw ko. Biglang nandilim ang aking paningin dahil sa dugong nakita ko na galing sa likuran ni Monique. Napatingin ako kay Amythest at tumayo. Naglakad ako papunta sa kanya, mabigat ang aking paghakbang at di ko na rin alam kung anong ginagawa ko.

Bigla lang akong natauhan ng may naramdaman akong yumakap sa akin. Napapikit ako dala na rin ng pagod at panghihina.

Pero bago pa ako mawalan ng malay, nakita ko si Amythest na nakahandusay sa sahig at may mga black creatures na rin na nakapaligid sa akin.


="="="="="=

You cannot change the 

PAST,

But you can make things right in the

FUTURE.

="="="="="=

The Supernatural TwinsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα